Wentong lasing, wentong walang wenta, wento ng buhay-buhay, wento ng mga walang wentang tao dito sa singapore, nasa oz na!

Friday, December 30, 2005

Ka-boom!

Image hosted by Photobucket.com Image hosted by Photobucket.com Image hosted by Photobucket.com Image hosted by Photobucket.com Image hosted by Photobucket.com Image hosted by Photobucket.com

For me, it's always a triple celebration during the holiday season. First is Christmas, then the new year and the next day is...guess what?
I usually celebrate the new year and my birthday at the same time, so there's always a feast of food, great fireworks, over-flowing drinks at tipid sa gastos, hehee. But sadly, I always end up sleeping on the actual date of my birthday because of hang-over.

But this time, it's going to be different as I have done some advance mathematical solution for this problem. We're going to start the celebration on the 31st till the new year and eat and drink till we drop. Sabay pa rin sa new year's eve celebration kaya tipid pa rin, hehehe. Hopefully, bagsak kaming lahat ng Jan 1 at hang-over-free na sa Jan 2. I don't have plans on my birthday but to relax, be with my family alone at magpapakulot ako, hehehe.

HAPPY NEW YEAR TO EVERYBODY!

Image hosted by Photobucket.com Image hosted by Photobucket.com Image hosted by Photobucket.com

Monday, December 19, 2005

Saturday, December 03, 2005

Vitamin R & B

Lumaki kami na nasanay sa umaga na naririnig ang mga balita sa radyo at mga patutsada ng mga announcer sa mga pulitiko ng Pinas. Naaalala ko pa
na nagagalit ang lola ko dahil pag nagising na ako sa umaga, nililipat ko na agad sa fm ang radyo. Sino ba namang bata ang nahilig sa am radio? Pero ngayon, naging habit ko na ang makinig sa umaga ng balita sa Pinas. Paggising pa lang sa umaga, bukas na ng PC at connect sa Eradioportal. Madalas, DZRH ang pinakikinggan ko at si Joe Taruc lagi ang announcer sa umaga. Pag nagpupuyat naman ako ng trabaho na napapadalas ngayon, magdamag ding nakabukas ang E-radio. Nadiskubre ko ang chat line ng DZRH na kung saan, halos OFW sa iba't ibang bansa ang nakikinig din habang nagcha chat sa portal. Pwede kang bumati sa chat at babatiin ka rin ng announcer sa radyo, cool di ba? Sa madaling araw, sikat na sikat si Manny Bal dahil yun ang oras na maraming nag cha chat na OFW at tungkol sa pag-ibig ang usapan. Pero mas paborito ko ang 30 minutes Agriculture program ni Sonny Escudero at Rey Sibayan ng 4am-4:30 yata. Nakabisado ko na pala ang program nila dahil sa napapadalas kong pagpupuyat o paggising ng madaling araw ngayon. Pero ang napapansin ko lang, mas nagigising ako pag nakikinig ng radyo sa Pinas kesa pag nagpapatugtog ng MP3 o cd's. Naging habit ko na rin yata ang habit ng matatanda noon. O matanda na rin siguro ako. Na-realized ko rin na nakaka-gising naman talaga ng utak ang mga kagaguhang nangyayari sa bansa natin.

On career news - yung interbyu ko last 2 weeks ago went well pero hindi naabot ang
expectation ko. Ang offer sa kin ay contractual na base sa Pinas and after a few months, babalik dito sa Singapore para mag-work naman sa local firm nila dito. Ok sana pero after a over-detailed computation and few rounds of beer, naisip ko na mas ok pa rin sa akin at sa family ko na mag-stay sa current employer ko.

On business news naman, I signed-up a domain para umpisahan na ang Tanggerz Enterprise. Umpisahan ko muna sa field ko, I'm planning to put-up a company that offers technical and manpower support sa mga firms dito. Medyo dumadami na kasi ang contact ko ng nagpapa-tabing guhit at minsan dahil kulang sa oras, tinatangihan ko na. I'm currently working-out some plans para ma-sustain ang demands ng market dito. (naks! bisnis na bisnis) Kasama na rin ang minor marketing business materials tulad ng brochure, website, etc and kung di ko man mai-register dito, sa Pinas ko na lang ipapa-register pag nagbakasyon kami. Saka ko na lang pag-iisipan ang pagtatayo ng cabaret dito sa Gapor, hehehe. HIK

Thursday, November 17, 2005

Deal with Me

Medyo kabado ako ngayon, may interbyu kasi ako sa byernes at ang posisyon ay iba-base sa Pinas. Gusto ko ang trabaho pero parang sinasabi ng utak ko
na pag-isipan kong mabuti. Marami pa kasing di malinaw, tulad ng sweldo, kontrata at kung anu-ano pang arrangements at sa interbyu ko pa malalaman. Isa pa, iniisip ko ang environment, bukod sa pollution na maaaring mag-trigger back ng rhinitris ko, traffic, krimen at kung anu-ano pa. Baka para akong baliw na paranoid sa paligid ko, hehehe. Pero alam ko na kung sakali, masasanay din ulit ako in a few days time. Iba pa rin ang nasa sariling bayan.

Pinag-iisipan ko din na mag-set up ng business. Habang umiinom kami ng vodka last weekend, naalala ko ang lambanog sa atin. Lumabas kasi ang iba't ibang flavor ng absolute vodka tulad ng mandirin, vanilla, blackcurant at kung anu-ano pa na meron din counterpart ang lambanog. Ano kaya kung ito ang gawin kong bisnis, lalagyan ko ng proper branding at advertisements. Pwede ring gawing export product ito. Isa ang alak sa mga produktong di humihinto sa pagbenta. Kahit anong level ng community,
di mawawalan ng lasenggo, hehehe. Kailangan ko nga lang ng selling point para maka-kumpetensya sa malalaking kumpanya. Tulad ng -

"Lambanog with vitamin C, ang vitamins ng mga lasenggo"
"Lambanog with Viagra, ang inuman ng tigasin (free condom)"
"Lambanog with Kapeng Barako, ang inumin ng mga puyatin"
"Lambanog mouthwash, isang mumog lang, amoy chiko ka na"
"Lambanog Icecream" at madami pa.

May website pala ang gobyerno para sa mga small-medium enterpreneurs at makikita dun kung gaano kadaming business ventures ang pwedeng nating pasukin. Kailangan lang pag-aralang mabuti kung ano ang di pa masyadong saturated o maraming ka-kumpetensya. Nabasa ko yung Binalot business which started 1996. Ito yung ulam, kanin with salted egg and tomato na binalot sa dahon ng saging. Bata pa ko alam ko na ito dahil lumaki din ako sa Laguna at isa ang binalot sa specialty ng mga taga-doon. Akalain mo, 50k pesos lang ang starting capital nila at napalago nila into a franchising business. Ngayon minimum 300k ang pagkuha ng franchise sa kanila, ang galing ano? In less than 10 years. mahigit 10 na ang branches nila and still counting.

Ano pa kayang bisnis ang di napapasok? Any suggestions?

Wednesday, November 16, 2005

Huh Wednesday na???

Ok sa olryt!!! tapos na ang puyatan, singilan na. Pagkatapos nga ng mga gabing naging araw at mga araw ko na laging inaantok, tapos na ang mga
trabahong nakakasira ng blog life at seks life. Nasa stage na ako ng singilan at tawaran. Ok naman ang mga kliyente dito, marunong tumanaw ng mga utang nila, hehehhe. Hetong ginawan ko ng tabing-guhit, alam ko na ang takbo ng utak - alam kong tatawaran ako nito kaya tinaasan ko na ang billing ko. At di nga ako nagkamali, tumawad sa original na presyo na na-compute ko, hehehe. Kaya sabi ko na lang - "for goodwill and business partnership, I'll just give you the discount you're asking". Ayun, tuwang-tuwa ang mokong.

At dahil sa pagpupuyat ko ng ilang gabi, baka matutuloy na kaming umuwi nitong
chinese new year dahil nadagdagan ang budget namin. Medyo na-plano na nga namin
kung matutuloy kami dahil kasabay naming uuwi sila bilas. Sa tiger air kami sasakay
at sa Clark ang airport of landing. Naisip namin, tutal nandun na rin kami, mag-stay na rin kami dun or sa Subic ng maybe 2 nights. Gusto ko rin ipasyal si Sean sa Baguio. Hopefully , 2 weeks kaming bakasyon kung wala akong critical projects sa time na yun.
Kung meron, baka 1 week lang ako at maunang bumalik. Gusto ko rin kasing tipirin ang
annual leave ko para may matira pa para sa binabalak kong 'byahe'.

Kaya puspusan na ulit ang pag-wo-work out ko, baka madiscover ako ni kuya germs at isali sa that's entertainment...meron pa ba nun? pwede rin pala akong maging bold actor at ipareha kay diana zubiri, wag lang may butt exposure dahil makikita ang ba-lat ko dun sa dako paroon. Hik!

Friday, November 11, 2005

Huh! Friday na?

Bilis talaga ng araw ano? lalo na pag busy, di mo namamalayan ang oras, minsan pakung may deadline, gusto nating pigilan ang oras. Dalawang tabing-guhit ang sinimulan ko last week, revision yung isa nung naunang project at bago yung isa. Nung isang araw ko lang naramdaman ang pagod, 4 hours max lang kasi ang tulog ko bawat araw simula nung sabado bukod pa sa meeting about revisions sa opisina nung cliyente every other day. Sa gabi pa yung meeting, syempre di naman pwede sa araw dahil may regular akong work. Yung ofis pa naman nila, isang oras ang byahe mula sa bahay ko. Nakaka-alis ako ng ofis ko ng 6pm, dadating sa kliyente ng 7pm at discussion ng more or less 3 hours. Kaya pag uwi ko sa bahay, lagpas 10 na. Ngarag na ko nun kaya tulog muna then gising ng 3am para magtrabaho. Natapos ko naman pero kulay kape na yata ang dugo ko sa dami ng nakunsumo kong 3 in 1 coffee. Natatakot nga rin ko, baka magka-prostate cancer ako, 1 week na kasing diet sa ehem, alam nyo na. Di ba, kailangan regular once or twice a week ang change oil para
healthy ang mga alaga ko sa sinapupunan. Di bale, babawi na lang ako ngayong weekend. World War 3 sa bahay kaya walang iistorbo.

May advantages at disanvantages ang pagtatabing-guhit at sobrang trabaho. Isa-isahin natin:

Disadvantage: Lumalaki ang eyebag dahil sa puyat at pagod
Advantage: Feeling ko mas pogi ako sa malat na boses dahil sa puyat

D: Napaparami ang caffeine intake
A: Mas mabilis humaba ang balbas ko kaya mas feeling macho ako.

D: Sira ang schedule ko sa pag wo work-out
A: May pambili ako ng pills na pampa-payat, heheheh

D: Inaantok ako lagi
A: nakak-idlip ako sa bus kaya di ako naiinip sa byahe

D: Humahaba ang shopping lists ng mrs ko
A: Kasama ako sa shopping lists nya

Marami pa pero inaantok na kong magsulat. Bukas nga pala, may inuman sa kabila kaya
madi-disinfect na rin sa wakas ng alcohol ang lalamunan ko. Olrayt! Hik!

PS. Na-receive ko na ang PC galing kay Mmy Nengzki at FafaKadz, scan ko mamaya para mai-post dito, Maraming thanks po! Paki-hintay nyo yung ise-send ko ring PC ha :)

Monday, October 31, 2005

Now you know

Dami 'kong gustong isulat pero natatamad ako. Marami akong trivia na nababasa sa magazines and internet na maganda sanang i-share tulad ng:

-may isang airplane sa Naia na malapit ng mag take off pero may isang bubuwit o daga na nakitang tumatakbo sa loob mismo ng cabin. Hinabol ng mga crews yung daga hanggang sa magtago sa luggage compartment. Ang nangyari tuloy, ibinababa lahat ng luggage sa airplane para mahuli lang ang daga pero hindi rin nila nakita ulit ito. Na-delay ang flight ng 5 hours dahil lang sa dagang walang boarding pass. Pati daga, gusto nang umalis ng Pinas.
(nabasa ko ito sa isang local free newspaper dito sa Sg)

-isa sa pinaka-lucrative na real state development ngayon ay ang "The World" sa Dubai. Ito ay 300 man-made islands na hugis ng map of the world. Kada isang island ay may sukat na 250,000 to 900,00 sq. ft. at napapaligiran ng oval-shaped breakwater.
Nagsisimula sa US $6.85M onwards ang bawat island at marine transport lang ang means
of transportation dito. Napabalitang nakabili na ng island sila Al Pacino, Rod Stewart at nag-iisip na ring bumili si Donald Trump. Makabili nga rin ng isa.
(source - Forbes Magazine and the internet)

-Ang most expensive hotel sa earth ay ang Burj Al Arab in Dubai. It cost US $3.6B to
build at para makapasok ka sa hotel without checking-in, magbayad ka muna ng around
$50 entrance fee. It is the only 7-star hotel in the world. (source - internet)

-Every time you lick a stamp, you're consuming 1/10 of a calorie
(source - internet)

-On average women say 7,000 words per day. Men manage just over 2000
(source - internet)

-The average human body contains enough: iron to make a 3 inch nail, sulfur to kill
all fleas on an average dog, carbon to make 900 pencils, potassium to fire a toy cannon, fat to make 7 bars of soap, phosphorous to make 2,200 match heads, and water to fill a ten-gallon tank (soure - internet)

Tama na, baka mapagbintangan pa akong Plagiarist.

Tuesday, October 25, 2005

20 "I's"

1. I have active sweat glands in my hands since grade school
2. I have good penmanship but I'm not a good writer
3. I was a lola's boy
4. I want to teach after I retire and will master the art of preparing and selling bukayo and polvoron to the students
5. I snore because of my sinusitis but have been amplified down after my operation
last february, I still snore
6. I'm 5' 7.5" tall and weighs 75kg. at the moment, but will be 65kg. at the end of the year
7. I had a happy and memorable childhood life even I was from a broken family
8. I have a six-pack tummy...next year
9. I was popular during high school days, maybe because I peed on my pants when I was in Grade 1 and had the same classmate from Grade 1 to 4th year HS.
10. I don't smoke
11. I play basketball, volleyball, dart, table tennis, billiards, bowling and tennis
but I have no regular sport. My favorite is taguan with my son
12. I can ride all the extreme rides on a theme park
13. I want to pilot a helicopter and drive a motorboat
14. I am short tempered when busy
15. I'm not a loner but love to be alone (labo yata???)
16. I'm a capricorn and was always been attracted to geminis' (based on my past)
17. I love my family and my wife is a cancerian (patay, batok na naman ako nito)
18. I was active with extra-curricular activities during school days, this was my excuse to skip classes
19. I always love sunset at the beach and a clean toilet
20. I don't like pickles, gwark!

This tag is brought to me by Mmy Nhengzkie, ang mommy ng pamilya.

Monday, October 24, 2005

Road Bike

I went road biking (alone) last Saturday night and covered a total distance of more than 10 km and it feels good, mukhang balik road biking na ako. On my way to Sentosa, may nakasabay akong mukhang mga professional bikers. Alam kong mga professional kasi ang gagara ng mountain bikes nila. Hi-tech at kumpleto sa mga abubot. Na-tyope nga ako sa bike ko kahit medyo high-end na sa pang-beginners. Kasi naman, kumbaga sa celphone, normal lang ang akin, sa kanila ay mga PDA phone. Pero nakipagsabayan na rin ako, wala naman sa abubot ang pagba-bike. Kaya kahit hirap na hirap na ako sa kakapidal, sige pa din. Humiwalay na lang ako sa kanila nung nasa loob na kami ng Sentosa. Alam nyo kung bakit, di naman talaga ako humiwalay, naiwan ako. Paahon kasi mga daan dun kaya para akong slow-motion na nag-bike nung nandun na. Hanggang dun lang ako sa may Merlion, di ko na kayang pumunta sa beach at baka himatayin na ako sa hingal. Kumuha lang ako ng kunting pictures at nagpahinga sa may musical fountain sandali at umuwi na rin. Inabot ako ng less that 2 hours sa pagba-bike. Heto nga pala ang mga pictures na pinagkukuha ko dun:

Friday, October 21, 2005

Happy Weekend !!!

Hectic na naman pala ang schedule ko this coming Sunday - Matutulog ako ng 14 hours, manonood ng DVD's ng 6 hours, kakain ng 2 hours at lalabas ng 2 hours para magsimba. Hay! kelan kaya ako makakapagpahinga.

Share ko lang itong halaman na nadaanan ko kahapon, weird eh, 2 klase ang bulaklak nya. Research nyo na lang kung ano ang name.

Tuesday, October 18, 2005

Dirdayari

Friday
8am - 6pm : Worked like hell to finish the presentation materials for Monday
7pm - 10pm : Food trip and beer with my wife and her colleagues in a bar in Orchard
10pm - 12pm : Boy's nite out with my wife's colleagues (less the wife, hehe) in TP

Saturday
1am - 7am : BLACK OUT
9am - 2pm : Worked at the office with the kupals
2pm : last minute major ammendment from the client's project consultant,
went home instead and decided to work on Sunday
4pm - 7pm : fixed my pc
8pm - 3am : attended a b-day party of a friend: food trip, beer and cardgames

Sunday
4am - 8am : BLACK OUT
10am- 5pm : Worked at the office with hang-over, fortunately less the kupals
8pm : home again at last

Monday
4am - 4pm : worked and cursed everybody who tried to disturbed me
5pm : Project Presentation
7pm : thank you and goodnight

Question and Answer Portion

For FafaKadz and Mmy Nengzkie's Tag, heto na po ang utang ko sa inyo.

a. Masama bang tumitig?

Oo, kung duling ka dahil mapagkakamalan kang bakla. Bakit kamo? bigyan ko kayo ng sampol. Nakita mo ang crush mong babae na palabas ng classroom, Inabangan mo at lakas loob na kinindatan. Pero ang akala nun babae, yung kasunod nyang lalake ang
kinindatan mo dahil duling ka nga at lihis ang tingin mo. Kaya tuloy akala nung
crush mo, bakla ka, hehehe.

Masama ring tumitig kung may kasamang padila sa labi ang titig mo. Manyak ang dating
mo pards.

At lalong masamang tumitig kung tumutulo ang laway mo. Di lang manyak ang dating mo, mukha ka pang asong ulol, hehehe.

b. Mayroon ba akong paboritong kanta?

Meron. Ano yun? di ko na sasagutin, di naman tinanong eh, hehehe hik!

Wednesday, October 12, 2005

Ulan

Overtime ako sa work kagabi, inabot ng alas-onse bago ko napagpasyahang umuwi na. Paglabas ko ng building namin, malamig ang hangin, medyo umaambon at wala na kong nakikita na tao sa paligid.
Tatawag sana ako ng taxi pero dead-bat na rin pala ang handphone ko. Napagpasyahan kong tumambay muna sa labas ng building lobby namin, nagbakasakali na may makasabay papunta sa main road. Buti na lang, gising pa si brownie, yung panggabing gwardya ng building. Nakihingi muna ko ng isang stick ng yosi, pantanggal ng antok at pagod. Maya-maya lang, may nakita na akong naglalakad patungo sa direksyon ng main road. Nagpa-alam na rin ako kay manong guard at nagmamadaling lumabas ng gate. Paglingon ko sa kalye, nawala yung susundan ko. Lakad-takbo na lang ang ginawa ko para maabutan ko sya. Malas talaga dahil medyo lumakas pa ang ambon. Maya-maya lang, nakita ko na yung anino ng sinusundan ko, pero mabilis talaga syang maglakad. Hingal kabayo na ako na may halong kaba. Bigla syang huminto sa may kadiliman at lumingon. Napansin yatang sinusundan ko sya. Dedma na lang ako at tuloy na naglakad pero nandun lang sya at nakatigil. Nang mapatapat ako sa kanya, nagulat ako dahil babae pala at di lang basta babae, maganda at napaka-sexy sa suot nya. Ngumiti lang sya at sabay na kaming naglakad. Walang nagpangahas na nagsalita habang kami'y patungo sa main road, patak lang ng ambon, pagaspas ng dahon sa mga puno at ang hingal-kabayo kong hininga ang maririnig. Nagulat ako ng bigla nya akong hawakan sa kamaysabay ngiti sa akin. Napatitig lang ako at nabighani sa magandang mukha nya. Di ko namalayan tuloy na lumakas na ang ulan at pareho na kaming nabasa. Malapit na kami sa main road pero parang gustong kong itigil ang oras at makasama muna sya. Niyaya ko syang sumilong muna sa may malaking puno dahil malakas na ang ulan, sumunod lang sya. Di ko talaga maiwasang hindi humanga sa kagandahan nya, napatitig ako at nakatingin lang rin sya sa akin. Magkahawak pa rin ang mga kamay namin at di ko na napigilan na ilapit ang labi ko sa mga labi nya. Iniwasan kong pumikit habang magkalapat ang mga labi namin para mapagmasdan ko ang kislap ng kanyang mga mata. Mula sa marahan na paghalik, naging mapangahas ang aming mga bibig. Naging agresibo rin ang aming mga kamay at parehong pinagapang ang mainit na palad sa aming katawan. Naghalo ang lamig ng ulan at init ng aming mga katawan. Matamis ang lasa ng ulan sa kanyang makinis na balat at lalong nakaka-buhay ng dugo ang init ng kanyang hininga. Bigla na lang akong nahimasmasan dahil sa biglang uminit sa pakiramdam ang tubig ng ulan at umalat ang lasa. Nagising na lang ako sa katotohanan na nanlalagkit ang aking mukha at yakap ang unan at kumot na naihian ni Sean.

Tuesday, October 11, 2005

Technology Overdrive

He operates his own dvd player and tv set, assembles the tracks for his toy train, controls expertly his RC car, plays game on the computer, watch his dvd's on my laptop with headphone and he's only 4 years old.

Monday, October 10, 2005

4W's

I hate rushing on deadlines but not the feeling of intensity running on my veins when I'm on a situation like this. Some kind of electricity
triggers chemical reactions on my brain that make it function abnormally
and make crucial decisions easily that may cost us a few million bucks.

Well, this is what I'm paid for, to be on the front line and clear the way for
the generals. They may give instructions on some issues but not on the details.
Their concern is more on the bucks, less the technicality. And when the credit for the work is due, I don't want to talk anymore.

That was the previous week for me. It was like having sex for hours less the orgasm.

Ok, 'nough of the rantings and let's open the bar. Another disaster claimed
20,000 lives and counting. I don't know but hearing these kind of news are quite normal nowadays. Disaster after disasters, war after wars, desease after deseases. Who knows what's next? when's next? where's next? and who's next? Life is not a mystery afterall, it has a beginning and surely an end. Kaya inom na lang tayo, walang beer sa heaven.

Thursday, September 29, 2005

Extra Salapi

Back to regular programming...after a few days on the hot seat, everything is back to normal. Heto lang naman ang masarap sa trabaho ko, kahit paminsan-minsan na tambak ang gagawin, after that, petiks na naman. Bukod sa unlimited ang kape at internet, wala ring sumisita kahit 10 beses pa akong magpabalik-balik sa banyo sa loob ng isang oras. Kaya nga ko tumagal ng 4 na taon dito sa kumpanyang ito kasi masarap tumambay at umidlip sa banyo, heheheh.

May "tabing-guhit" (translate nyo sa english) na naman ako. Maliit lang naman, cguro matatapos ko ng 2-3 overnights. Puyatan na naman pero oks lang kasi malapit na rin naman ang weekend. Tamang-tama, pandagdag sa pambibili ko ng laptop. Medyo mabigat kasi sa pc ko yung bagong version ng softwares na gamit namin. I need at least P4 2.++ghz processor, 1GB memory at ok na video card para no hustle ang takbo ng mga programs. Kung abot sa budget, centrino na ang kukunin ko.

Speaking of "tabing-guhit", heto ang madalas kong pagkunan ng extra salapi. Although
di naman regular ang mga "nagpapatabi", may mga contacts na ko dito. Ganyan lang naman kahit saang trabaho, dapat may mga connections tayo para di tayo nawawala sa circulation ng business. Madali lang namang mag-penetrate (Fafa Atoy, ibang penetration naman ang nasa isip mo, hehehe) sa mga firms dito at kahit saan bansa cguro, puro referrals lang. Patunayan mo lang na magagawa mo yung standard na gusto nila, after that, sila na ang tatawag sa iyo at ire-refer ka pa nila sa ibang firms. Isa nga sa natutunan kong business ethics nila dito - you should know how to appreciate their generosity. Kaya everytime na ma-receive ko ang bayad nila, i give something in return, madalas pizza, hahaa. Kaya yun, natutuwa yung mga boss at nagiging kaibigan ko pati yung ibang staffs nila. Baka nga kung lilipat ako ng ibang kumpanya, isa sa mga contacts ko ang mapasukan ko. Pero wala pa kong balak umalis dito, baka kasi pag lumipat ako, di na ko "makapag-tabi", sayang din ang extra
salapi. Dami na rin akong naging pakinabang sa mga naging "tabi" ko - nakabili ako ng pc, nakapagpa-opera ako ng sinus, ilang beses akong nakabili ng ticket pauwi sa Pinas at nakabili ng kung anu-ano pa na di nagagalaw ang savings namin. Yung ibang pinagka-gastusan ko, di ko na sasabihin, baka mabatukan lang ako.

Kaya di ako naniniwala na tyaga at sipag lang ang kailangan para maging successful, dapat marunong din tayong makisama. Kaya Fafa Atoy, libre mo na kami nila Fafa Kadyo, Fafa Dops at Fafa Uro at pagbakasyunin mo kami sa hacienda mo dyan sa Otago, hehehe.

Monday, September 26, 2005

Ever Since The World Begun

Artist : Survivor

I'll never know what brought me here,
As if somebody led my hand,
It seems I hardly had to steer,
My course was planned.
And destiny it guides us all,
And by it's hand we rise and fall,
But only for a moment,
Time enough to catch our breath again.

And we're just another piece of the puzzle,
Just another part of the plan,
How one live touches the other,
Is so hard to understand.
Still we walk this road together,
We travel through as far as we can,
And we have waited for this moment in time,
Ever since the world began.

Taking in the times gone by,
We wonder how it all began,
We'll never know and still we
Try to understand.
And even though the seasons change,
The reasons shall remain the same,
It's love that keeps us holding on
Till we can see the sun again.

And we're just another piece of the puzzle,
Just another part of the plan,
And we have waited for this moment in time,
Ever since the world began.

And I stand alone, a man of stone,
Against the driving rain,
And the night it's got your number,
And the wind it cries your name,
If we search for truth, win or lose,
In this we're all the same,
The hope still burns eternal,
We're the keeper of the flame.

And we're just another piece of the puzzle,
Just another part of the plan,
How one live touches the other,
Is so hard to understand.
Still we walk this road together,
We try and go as far as we can,
And we have waited for this moment in time,
Ever since the world began.

Thursday, September 22, 2005

Himig, Awit at Kanta

Kagabi, music ang napag-usapan namin ni mrs habang nakahiga sa kama, sa left side sya, sa gitna si Sean at ako sa right side - yan, para ma-imagine nyo ang setting namin sa kama. Mahirap kayang mag-usap ng magkapatong. Ok, balik sa music. Hiniram nya kasi ang player ko para dalhin sa office nila kaya napunta sa mga kanta ang usapan. Iniisip namin kung ano ang theme song namin pero wala kaming maisip kung anong kanta ang inaawit nya sa kin nung nililigawan nya pa ako, hehehe. Puro pinoy alternatives kasi ang collections ko nun panahon na yun gaya ng Parokya, E-heads at iba pa. Kaya wala kaming theme song.

Heniwey, naisip nyo ba kung gaano kahalaga ang music sa buhay natin. Sabi nga nila, maswerte ka pag nag-hit ang kahit isa mong kanta dahil habambuhay nang nasa alaala ng tao ang mga lyrics ng kantang yun. Naisip nyo na ba na sa bawat kantang
mapakinggan natin, may bumabalik na nakaraan, alaala ng isang pangyayari o ng isang tao. Ang galing ano, parang time machine? Heto bigyan ko kayo ng mga sampol ng mga kantang naging bahagi ng buhay ko.

Butchikik at ibang kanta ni Yoyoy - ewan ko kung saan galing ang tape namin nito nung kabataan ko pero tuwang tuwa kaming magkakapatid pag pinakikinggan ito. Hanggang ngayon may koleksyon ako ng mp3 ni yoyoy.

It might be you - first dance with my childhood sweetheart sa JS prom. Naalala ko pa rin kung pano sya napa-aray nung natapakan ko sya kaya natatawa na lang ako pag napapakinggan ko ang kanta na to. May pinadala nga palang picture ang isa kong classmate nung JS prom, Hulaan nyo kung nasan ako dyan, hehehehe.

Image hosted by Photobucket.com

Ok ba? Parang mga pambu ang mga suot ano? (pamburol, hahaha)

How Gee, ewan ko lang kung alam nyo tong dance music na ito. Pagkatapos kasi ng flag ceremony nung 3rd year high school, nasa stage yung principal namin at nagbilang ng 1..2..3. Napasunod ako ng sabi ng HOW GEE at napalakas yata kaya tawanan ang lahat. Napatawag tuloy ako sa office.

Ama Namin (kanta sa simbahan). Math ang subject namin bago mag-lunch nung 4th year HS. Dahil nga sa catholic school ako, bago mag-uwian, magdadasal muna. Umiikot ang dasal by alphabetical order. Sa loob ng isang taon, 5 beses yata magdadasal ang isang student. Kaya nung last na toka ko na, imbes na dasal, kumanta ako ng Ama Namin. Ayun lahat tawanan pati yung teacher, pero sumond pa rin sila sa kanta, hehehe. Binigyan ako ng credit nung teacher.

ForeverMore by SideA...isang masayang simula na natapos sa malungkot.

Marami pang ibang kanta na pag napakinggan ko, bigla na lang bumabalik sa nakaraan.
Kayo ba, anong mga kanta ang naging bahagi ng buhay nyo? Si Don Atoy, alam ko - Bikini mong Itim, nyekekekek.

Monday, September 19, 2005

3 in 1

Anticipated ko na magiging busy ako this week and the coming weeks, kaya sorry guys kung di ako masyadong makakapag-update.

----------------------------------------

Talaga nga naman in-demand sa tin ngayon ang migration sa ibang bansa, particularly sa New Zealand and Australia. I had a chance to join a group thru Ka Uro, ang Pinoy2NZ. Inspiring ang makasali sa ganitong grupo, very supportive ang lahat at maraming available support documents na makakatulong sa pag-a-apply ng skilled migrant visa sa NZ. Marami nang na-approve at meron din namang mga na-deny. Pero ang bottomline, marami na sa atin ang gustong umalis at halos lahat, experienced professionals and technicians. Di ko lang alam ang magiging impact nito sa economy ng Pinas, although mababawasan ang mga professionals sa atin, dollar remitance naman ang kapalit nito.

----------------------------------------

May fever si Sean last weekend, panic nga si mrs kasi on Red Alert ngayon ang Singapore sa Dengue. Di naman ganung kataas ang lagnat nya pero binantayan pa rin namin ang temperature. Kako, once na tumaas sa 39 deg. ang temperature, dadalhin na namin sa hospital. Buti na lang, bumaba na rin nung Sunday morning at naglaro na buong araw. Nagtataka lang ako sa Singapore, dubbed as cleanest and greenest in SEA, pero lagi pa ring may epidemic - from SARS, avian flu to dengue. Kaya kahit na anong estado ng bansa, basta nature ang kalaban, walang ligtas. Paranoid pa rin si mrs. pagdating sa mga lamok, kaya pagpasok ni Sean kanina sa skul, balot na balot na parang astronaut.

Thursday, September 15, 2005

Good Morning Sir, Welcome to Jollibee!

One common good trait of the Pinoys is being hospitable. "Please feel at home", "Please be seated." and "What can I offer you for a drink?" are just the common warm greetings when we are visiting somebody's home. And not only at home, most of all the food junctions in Pinas will always welcome us with a courteous greeting like the title of this entry.

Blogs are comparable to houses too. And being a Pinoy, my blog is open to everyone. Feel free to have your "tagay" (comment), after all, this blog is an open bar.

TagayMoPre is now one of the proud bearer of the VFS seal.

Wednesday, September 14, 2005

Tagalog Tongue Twisters

1. Minikaniko ni Monico ang makina ni Monica
2. Pugong bukid, pugong gubat
3. Kabilugan ng Buwan, Buwan ng Kabilugan
4. Butiki, bituka, butika
5. Buwan ng kabilugan, kabilugan ng buwan.
6. Palakang Kabkab, kumakalabukab, kaka-kalabukab pa lamang, kumakalabukab na naman.
7. Sinusi ni Susan ang sisidlan ng sisiw.
8. pitumput-pitong puting pating
9. Notebook at aklat, notebook at aklat, notebook at aklat, ...
10. Bababa ka Ba? Bababa din ako!
11. Kapapansiteria mo pa lang, magpapansiteria ka na naman.
12. Pinaputi ni Tepiterio ang pitong puting putong patong patong.
13. Ang relo ni Leroy ay rolex.
14. Bumili ako ng bituka ng butiki sa butika.
15. Minimikaniko ni Monico ang makina ng Minica ni Monica.
16. Ang relo ni Leroy ay nagka luray-luray.
17. Pasko, Paksiw, Pasko, Paksiw, Pasko, Paksiw, ...
18. Ako ay biik, ikaw ay baboy!
19. Aklat Pangkatagalugan
20. Makati sa Makati, may pari sa Aparri, mahihilo sa Iloilo at may bagio sa Baguio.
21. Betong Tutong alyas ""ketong"" ang hari ng mga bulutong.
22. pitongput pitong butong puting patani
23. Ang bra ni Barbara ay nabara
24. Buwaya, Bayawak, ...
25. Sumuso ang sanggol na si Susie sa suso ni Susan na sumuso sa suso.
26. tapiko, takope
27. Pitong puting tupa
28. Usong usong isang isang salu-salong nagsisi-usyosohan ang mga aso sa asosasyon sa Ascuzena.
29. Kalabit ng kalabit si Alabit na may bitbit sa balikat ng kanyang kalapit-kabalikat kapitbahay.
30. Kakakanan lang sa kangkungan sa may kakahuyan si Ken Ken habang kumakain ng kakaibang kakanin kahapon.
31. Aba, bababa kaba Baba?
32. Mayamaya'y mamamanhikan si Aman sa mayamang si Maya malamang sa harap ng maraming mamamayan.

Rough Translations

1.Monico fixed Monica's sewing machine. Minikaniko = fixed, makina = sewing machine
2.Farm quail, forest quail
3.Full moon, moon full
4.Lizard, intestine, drug store
5.Month of fullmoon, fullmoon.
6.A Kabkab Frog, croaking, it was just croaking, now it's croaking again.
7.Susan locked the cage of the chicks.
8.77 white sharks
9.Notebook and book
10.Are you going down? I am also going down.
11.You just came from the noodle shop and here you are going back again.
12.Tepiterio whitened the seven white piled pastries.
13.Leroy's watch is a Rolex.
14.I bought a gut of a lizard in a boutique.
15.Monico is fixing the engine of Monica's Minica (a small model Honda from the 1970s).
16.Leroy's watch broke into pieces.
17.Christmas, Paksiw=Filipino food
18.I'm a pigglet, you're a pig! German: Ich bin Ferkel und Du bist Schwein!
19.Book of Tagalogs
20.It's itchy in Makati (city), there's a priest in Aparri (city), you'll get dizzy in Iloilo (city) and there's a storm in Baguio (city).
21.(?)
22.(?)
23.(?)
24.Crocodile, iguana, ...
25.Breastmilk is still best for babies.
26.(?)
27.Seven white sheep
28.The dogs are busy sharing and chatting at a dog association in Ascuzena.
29.Alabit constantly taps his nearby neighbour's shoulder.
30.Yesterday, Ken Ken just turned left to go to the swamp near the woods while eating a weird ricecake.
31.Hey, are you getting off Baba?
32.A little later, Aman will court wealthy Maya probably in front of many people.

Tuesday, September 13, 2005

Yummy Egg Salad

This is my version of an egg salad.

Image hosted by Photobucket.com


Ingredients:
hard boiled egg, Cabbage, Lettuce, Tomato, Grapes and Kraft 1000 Island Dressing.

Serve slightly chilled.

Warning: Best to eat at home because you'll never know how your stomach will react on it.

Monday, September 12, 2005

The Game

Image hosted by Photobucket.com

The game was Poker, winner takes all, everyone's coins were already banked in the center (worth more than $20), my card was full-house king and I know I was going to win, I'LL EVEN BET MY LIFE ON IT. The bet was raised from 10 cents to a dollar. I was thinking to raise it more to $2, when Sean suddenly shouted (coming from one of the player's behind) "Wow! 2 clowns and 2 A's!". HAAAAAA??? I folded my card.
Almost gambled my life to that stupid poker game.

Saturday, September 10, 2005

News Feed

Ok din itong NEWS FEED sa sidebar ko, laging may bagong balita akong nalalaman from Pinas, tulad ng:

...Manila loses city streetlights to thieves- talagang sa hirap ng buhay, pati ilaw ng poste, tinatalo na. Sa susunod, baka pati poste, nakawin na. Madali lang namang mahuli ang mga magnanakaw nyan, hanapin lang kung sino ang may pinakamaliwanag na bahay.

..."E-brides" seeks to escape Philippines poverty- Sikat talaga ang Pinas, nadagdagan na naman tayo ng "export-quality products" at nadagdagan ang business ng mga recruitment agencies. Sana lang, sa mabuting kamay bumagsak ang mga babaeng gustong takasan ang kahirapan ng buhay sa tin. Teka lang, bakit walang "E-grooms"? Ka Atoy, may bago tayong business, hehehee.

...RP bond sale raises $1B- San kaya mapupunta ang $1B na ito? Sana ipambawas na lang sa utang natin kesa sa bulsa ng mga buwaya mapunta. O kaya ibigay na lang sa kin, masaya pa 'ko.

...List of new Medical Technologies- Siguradong makikita sa mga nakapasang ito ang ningning sa mata ng dollar sign.
In-demand naman talaga ang ganitong propesyon sa ibang bansa. Goodluck sa paghahanap
ng work at sana matupad ang pangarap nila.

Sana, mas marami pang mas magagandang balita sa susunod.

Monday, September 05, 2005

New Toy

Image hosted by Photobucket.com

Sony Ericsson K750i

Tri-Band; Size: 100 x 46 x 20.5 mm; 2 megapixel camera (image & video auto-focus and 4x digital zoom); Media player (Mpeg4 and Mp3); 34mb built-in memory + (supports upto) 2 gigabytes memory card and it's black in colour.

Friday, September 02, 2005

The Bomb

Kanina, mix fruits lang ang lunch ko at lime juice ang panulak (ok ba sa diet?). 2nd time ko nang lunch 'to this week, mahirap pag nasanay talaga sa rice at ang side effect sa kin, inaantok ako. Di naman ako masyadong nagugutom kasi isang basket na prutas ang kinakain ko, hahaha. Ang isa pang side effect sa kin, after one hour, cguradong magtatawag ng meeting sa kubeta ang sikmura ko. Masarap sanang mag-banyo kung walang istorbo kaya lang minsan, tulad kanina, sabay-sabay na puno ang 3 cubicles sa toilet. Para tuloy may paligsahan ng torotot sa banyo, yawa. Ang hirap pigilin lalo na pag pumutok na ang panubigan, pagpapawisan ka talaga ng malapot. Kaya ang style ko, bawat iri, sasabayan ko ng flush, para di masyadong marinig, naka-5 flush yata ako, hehehehe. Nauna na kong lumabas ng banyo, baka mamatay ako sa taas ng carbon monoxide level sa loob.

Image hosted by Photobucket.com


On the lighter news, nag-umpisa na kahapon ang COMEX 2005. This is one of the biggest annual exhibition of Digital, IT and Consumer Electronics here in Singapore. They're selling the widest and newest range of products with huge discounts. Masarap pumunta dun kasi bukod sa mga bagong gadgets, maraming promo girls na tuwad ng tuwad :) Just in time din, nasa budget ko ang pagbili ng bagong celphone. Kaya kung magagawi kayo dito sa Sg, drop by to Suntec City Exhibition Center, this event will be up until Sunday.

Wednesday, August 31, 2005

Barkada, alak at sikreto

Tanong sa kin ng wife ko - Ano bang masarap sa alak, ambaho-baho ng amoy, gustong-gusto nyo? Paggising nyo pa, sakit sa ulo ng hang-over. Ang masarap sa alak, hindi yung alak, yung kwentuhan habang tumatagay, yung laugh trip, music trip at kung may ka-table, mas lalong ok, heheh.

Ang karaniwang dialogue ng magbabarkada - "Pare, inom tayo, may problema ko eh."
Aktwali, di naman gamot yung alak sa problema, yung pag-uusap habang nainom ang habol ng may problema. Mas madali kasi sa lalake ang maglabas ng problema kung nakainom. Heto ang sampol ng usapang mag-barkada habang nainom:

Barkada 1: Pare, bigat ng problema ko(tungga at malungkot ang mukha)
Barkada 2: Bakit Pare, tungkol ba sa syota mo, sa pamilya ba o sa trabaho???
B 1: Pare (sabay akbay kay B2) di ko na kaya to, mabigat sa dibdib talaga. Papakamatay an lang ako.
B 2: Ok lang yan Pare (tatapikin sa braso) Cge, ilabas mo problema mo.
B 1: Pare, matagal na tong problema ko, di ko na kayang dibdibin (tungga ulit)
B 2: Cge Pare, kaya mo yan, tutulungan kita sa problema mo.
B 1: Iba ka talaga sa lahat Pare. Kaya di ko maiwasan na mainlab ako sa iyo Pare
(sabay yakap kay B2)
B 2: (nagulat) Ay puta, ibang usapan na yan. (galit) Ibig sabihin, sa dami ng taon
na magkasama tayong natutulog sa kwarto mo, may pagnanasa ka sa kin???
B 1: Pare, tatangapin ko kung babawiin mo na ang pagka-kumpare natin. Wala kong
magagawa, I love u Pare, Pa-kiss??
B 2: (biglang tayo na nakapamewang) Gaga, kadiri ka tita, di tayo talo, darna din ako.

Yan ang problema sa inuman minsan lalo na pag lasing, nagkaka-alamanan ng sekreto, hehehehe.

Tuesday, August 30, 2005

Assignment from Owen

Seven things that scare you:
1. to be eaten alive by shark
2. to be boiled alive
3. to lost my taste bud
4. to be blind
5. to be left alone in an island with a gay cannibal
6. to ride an airplane with full of people with body odor
7. mapahiran ng fresh kulangot

Seven things you like the most:
1. sleeping
2. iced-cold beer with sound trip or good book
3. vacation
4. going out with my family
5. soaking on a hot tub
6. good surprises
7. being raped by 5 beautiful and sexy girls

Seven important things in your bedroom:
1. 3 pillows and blanket
2. sound system
3. aircon or electric fun
4. relaxed lighting
5. wife
6. sean less toys
7. Alarm clock

Seven random facts about you:
1. 27-m-sg
2. height is 5' 7.5"
3. I have a nice handwriting
4. I snore (amplified down since my operation)
5. My hand perspires since childhood
6. Sorry I'm married
7. forgot my blood type

Seven things you plan to do before you die:
1. Scuba dive
2. para-glide
3. sky-dive
4. ride my own Harley bike
5. co-pilot a helicopter
6. cruise for a month
7. to have my own beer brewery and bar and be rape by 5 beautiful and sexy girls

Seven things you can do:
1. sleep for 2 days straight
2. mix cocktails
3. eat anything edible
4. burp on my will
5. cook
6. catch a wild chicken
7. catch a house mice and cook it for you

Seven things you can't do:
1. sing well
2. kill anybody
3. kill my self
4. eat cockroach like Abaniko
5. eat a live crocodile (it will eat me first for sure)
6. lick the tip of my nose
7. lick my balls siko

Seven things that attract you to the opposite sex:
1. smile
2. Witty with good diction
3. 36-26-36
4. eyes
5. God-fearing with nice posture
6. smells good in any part of the body
7. smooth hairless armpit

Seven things you say the most:
1. ungas!
2. ay shet/sira/ugok
3. Ahhhhhh
4. ohhhhhh
5. Yeahhhh
6. ummmmmm
7. plok!

Seven celeb crushes (whether local or foreign):
1. Charlize Theron
2. Angel Locsin
3. Maria Sharapova
4. Pwitni Tyson
5. chichay
6. Delia atay-atayan
7. matutina

Assignment from Mmy Lei

20 Years Ago:
1985
Tsupot pa ko nito, wala pang kamuwang-muwang sa mundo.
I had a tri-bike and always on the go with my classmates/barkada roaming around our town. The following year, had an accident with that tri-bike and never had a bike again.
Had a childhood sweetheart/bestfriend/neighbor with lips comparable to apple and face like an angel. They left our town without saying goodbye.
I never had tasted beer.

15 Years Ago:
1990
Tuli na ko nito. Early high school days and it rocked! My time has been divided with-study, barkada and barkada. We had assembled a mobile sound system and rented it out to organizers. Since we were novice in operating that system, we made a lot of errors during the early events - short circuits, loud statics and sound failures. The most embaracing was a wedding dance party delayed for 4 hours just because all the tapes and records were left back on town. After a year, my barkada took sole ownership of the mobile and payed our shares. It's his business until now.
All of the sudden, my childhood sweetheart came back to our town and she called me "Pare". My cousin became HER GIRLFRIEND.
Kinantahan ko ang nililigawan ko ng "Getting to know each other" sa PE class.
Kinantahan ako ng isang bading na nahuhumaling sa kin ng "Getting to know each other" sa stage na may hawak na mic. Muntik ko ng gulpihin yung bading.
A bottle of beer means more than 12 hours of sleep and a drum of urine.

10 Years Ago:
1995
Hasang-hasa na. My time has been divided with - college, barkada, gimik at work. It was exhausting but exciting. Never had a serious relationship. Puyat lagi, kaka-drawing.
Beer had no taste and pomelo juice was a favorite of barkada, with bilog.
I become addicted to buko juice.

5 Years Ago:
2000
Had a great and stable job but left for Singapore. Returned to Pinas, get married and
become a father after a year.
My weight was 65 kg.

3 Years Ago:
2002
Burning my ass on work here in Sg.

Last Year:
2004
Family joined me here for good.
Still burning my ass on work.
I started blogging and gained a lot of cyber friends.
My weight became 73kg.

This Year:
Had a promotion.
Had a surgery for the first time.
Blogging is part of my daily chores.
My weight became 75kg.
Still burning my ass on work.

Yesterday:
Was sleepy all day and had a phone argument with a pain in the ass
subcontractor.
I saw my ass on the mirror and I like the way it was burnt.

Last Night:
Ate porridge (lugaw) for dinner.
Rented 5 kids' movies for Sean and watch with him till 12 midnight.

Today:
I woke up early but still late at work. There was a mentally retarded guy on the bus
and was talking on high pitch in chinese.
The worms on my stomach are now having a rally, I didn't feed them this morning.
I'll jog or cycle tonight.

Tomorrow:
I'll wake up early because it's payday. But I will sleep again because my ATM card
is with my wife.

Next Year:
I'll visit Ka Atoy, Ka Uro, and Mmy Lei and the strip clubs in Auckland, nyehehehe.

5-10 Years From Now:
I'll have my own bars with 5 branches worldwide. The main branch will be in Batangas
with the name of "Barikan sa Silong ng Susong Dalaga".

Monday, August 29, 2005

And HE said, "Let there be beer!"

Saturday, after a friends' kid's b-day party, diretso na kami sa haybols nila bayaw. Ok ang pasalubong, chiken Joy from HKG, sarap talaga ng Jollibee. At syempre, di mawawala ang inuman pag nandun kami. Baraha, kwentuhan, beer, laughtrip at soundtrip ang inatupag namin. Tong-its at pusoy hanggang 3AM, kwentuhang lasing habang tumatagay till 5AM, bitin pa kaya lumabas pa kaming 4, naka-ubos pa kami ng 2 ltrs. of tiger beer sa kanto at nag-breakfast na rin dun. Balik sa bahay ng 6:30AM, then kanya-kanya ng pwesto ng tulog sa sala. Nagising ako ng 9AM, iba ang effect ng inuman sa kin this time, di ako makatulog kahit puyat ng magdamag. Sumabay ako ng breakfast nila wife at inom na rin ng kape. Mild lang ang headache ko kaya higa na lang muna at nood ng tv since di naman ako makatulog. Umuwi na rin kami after lunch, shower then saka na ko nakatulog till 7pm.

Iba ang laughtrip namin sa inuman, sakit sa panga. May napagtripan kaming topic tungkol sa isang guy. Hinuhuli namin kasi kung totoo ang chismis at di naman kami nabigo. Lasing na kasi yung isang nakaka-alam kaya huling-huli sa mga reaksyon nya. More or less, nakumpirma namin ang chismis, hehehehe. Pero ok lang naman kung totoo o hindi, napagtripan lang.

I checked my weight, 70++ kg pa rin naman. Kahit na comfortable pa ko sa weight ko,
I plan and target to loose 5-10 kg in a month or 2, makaya kaya? Ang problema wala pa rin akong makitang gym na malapit sa flat namin, yawa! Basta, di ako uuwi sa Pinas na may tyan, kailangan flat ang tyan ko para maraming paglagyan pag nag-inom dun, hehehe.

Saturday, August 27, 2005

Who the hell invented the "snooze", I salute you!

Ganda ng umaga ko, di ako late sa work. Oo mga kapatid sa panginginom, may work ako ng saturday, half day lang naman. Normally, 30-45 mins ang
byahe ko from home to work, 8:30 ang start at 8am ako lagi nakaka-alis ng bahay. Dapat sana, 7:30 ako umaalis para may allowance time sa paghintay ng bus at paglakad, pero sarap matulog eh. Ang alarm ko ay naka-set ng 6:30 pero pag-off ko, balik kama ulit at 7:30 na ko magigising ulit kaya, balikwas at diretso na shower. Di uso breakfast, minsan-minsan lang at left-overs sa gabi lang ang tinitira namin.
Kanina, nang mag-alarm ang relo, tumayo ako pero antok pa talaga kaya pindot ulit ng snooze tapos balik sa kama, pero sa tabi ako ni esmi tumabi. Right side kasi ako ng kama, si Sean sa gitna at sa left si esmi, maluwag naman dahil lagi kaming magkapatong ni esmi king-size yung bed namin at payat kaming 3 (may baby fats lang ako ng kunti). Napasarap ang higa ko dahil masarap kayakap ang bagong gising, mainit-init at malambot-lambot ang katawan. Kaya lang snooze yung napindot ko, kaya every 10 mins, nag-a-alarm. Sarap pa sanang mamindot-mindot pa pero nung 2nd time mag-snooze, diretso na ko sa shower kahit masakit sa puson.
Pagka-shower, on ng pc, listen to DZRH, check ng personal e-mails habang nagbibihis.
Tapos sibat na.
Sarap talagang mag-byahe ng Sabado, maluwag na ang bus, ambilis pa dahil kunti ang sasakyan. Ang masarap pa, walang masyadong may putok pag weekend, ewan ko lang
weekend yata ang schedule nila ng paliligo.
Pagdating sa ofis, on ng PC, open ng programs then punta ng pantry para kumuha ng
coffee. Minsan, tatagal pa ko ng 15 mins dun pag naharang ng kwentuhan. Then balik
sa cubicle. Lilipas ang araw ko sa work, internet, phone calls, site visits at meetings. Minsan nakaka-inip, minsan naman, ambilis ng oras.
Mamaya, punta kami sa isang kid's b-day party, sana may beer, hehehehe.

Tuesday, August 23, 2005

Bata + Paeng = BaEng

SMB 0-balls championship: Sean vs. Efren "Gurang" Reyes.


Sean showing the double backhand spin "canal" move; courtesy of Tiyo Paeng Nepumuceno.

Memory Bank

Have you ever tried digging your memory, the most past memory that you can remember? If you still remember how you get out of your mother's womb, I tell you my friend, you are one gifted child. But even I have the way to do it, I'll never try, baka masuka lang ako, hehehe.

It's just fascinating how our brains processed millions of bytes of memories. Sometimes, a forgotten event just suddenly appear from nowhere. Tulad ngayon, naisip ko na lang, naihi nga pala ko sa shorts ko nung Grade 1 ako. Then, the faces of my playmates when I was around 6 yrs old. On how I had followed the things they dared me to do, from swallowing a small stone to tasting my urine. I still remember playing in the rain and catching small fishes and frogs on the canal and the small insects called "puyo-puyo" from the small holes on the sand. Some of these were not really clear pictures but I know they happened.

These memories, most of them will be lost when we grew older and eventually when we die. If I have the resources and knowledge to research and develop a machine that can record one's past memories, I know I will be richer that Bill Gates. Imagine, a machine that records and play your past memories chapter by chapter like a dvd movie, that would be an awasome invention. It'll be more like re-reading your past blog in video format. Well, this idea will might be realized centuries from now.

Oh, I just remembered, naglaro din pala 'ko ng bahay-bahayan at lutu-lutuan, but can't remember if I was the sucking father or the sucking baby, hik.

Monday, August 22, 2005

Jog till you die, Mayt

I was interviewed last friday by an Australian company thru phone.
Hang hayrap ayntayndihin ng slang nala, yan nahawa na ko sa accent. Wala silang "EYYYYYYYYY". Parang ganito - "TO DIE IS FRI DIE, TO DIE IS NO GOOD DIE TO DIE". Dyosko day! hehee
Good thing, the second woman who took my personal informations was quite patient with my "I'm Sorry" and "I beg your pardon" phrases, which she might have heard a million times. The conversation went well, making it more relax by me throwing some funny adlibs, she was laughing and giggling, lukaret yata. I'm not expecting a positive result for now but it was good to know that a company have shown interest on my resume. Picture ba naman ni Tom (kara) Cruz ang nilagay ko dun, hehehhee. Picture kaya ni chitae ang ilagay ko dun, may magka-interes kaya?

I jogged around a couple of block last night and my feet are cramming today. I was looking for a nearby gym but guess what I've found, more food courts. And not just normal food courts, these were the ones I have seen advertised on tv serving
mouthelicious meals. Guess I have to change my direction next time.

Saturday, August 20, 2005

Kwatro-kantos

Heto na ang napakasarap na 4 na TAGay ni Mang Goyong!

APAT NA PINAKADAKILANG PILIPINO:
1. lola ko - sa pagdadalantao sa nanay ko
2. nanay ko - sa pagdadalantao sa kin
3. asawa ko - sa paglalaba ng brip ko ng 4 na taon na walang hinihinging bayad
4. anak ko - sa pagsapok sa kin ng walang malisya

APAT NA PILIPINONG HINAHANGAAN MO SA ANUMANG LARANGAN
1. Manny Pacquiao - sa kagalingan sa pagsalo ng mga suntok ni Morales
2. Fernando Poe - sa galing ng pag-iwas sa bala
3. Lito Lapid - sa galing mangabayo ng babae
4. Chitae - sa pakikipaglips to lips kay Kris Aquino

APAT NA MAGAGANDANG LUGAL SA PILIPINAS NA NARATING MO.
1. Greenbelt nung mid 80's
2. Quad nung mid 80's
3. Bukid sa probinsya namin
4. Tagaytay highlands

APAT NA LUGAL SA PILIPINAS NA GUSTO MONG MAPUNTAHAN
1. Mt. Apo
2. Babuyan Islands
3. Tawi-tawi
4. Quezon Ave sa gabi (di pa ko nakapunta talaga dun)

APAT NA BAGAY NA PAG-NAKIKITA MO NAALALA MO ANG PILIPINAS.
1. Maitim na usok ng sasakyan
2. nagkalat na dumi ng aso
3. Bagoong
4. bakla (nagkalat kasi ang mga bakla sa tin, hehehe)

APAT NA PUTAHENG PILIPINONG PABORITO MO.
1. Pakbet ilokano
2. pritong tuyo
3. lumpiang sariwa
4. lechon

APAT NA SALITANG PILIPINO NA KAILANGAN MO NG TALASALITAAN PAG IYONG NARINIG
1. dayukdok
2. dinayukdok
3. dadayukdukin
4. magpapadayukdok

APAT NA KANTANG PILIPINONG GUSTO MONG MARINIG.
1. Humanap ka ng panget - pang-asar
2. Bikini mong Itim - pang "mahilig"
3. tenk yu! tenk yu! ambabarat ninyo! - pang-karoling
4. Hindi kita malilimutan - pamatay

APAT NA MATATAMIS NA SALITANG O KATAGANG PILIPINO
1. inuyat - Halika na, inuyat ko!
2. makapuno - Ikaw ang makapuno ng buhay ko!
3. pulot - Sintamis ng pulot ang labi mo!
4. gata - Napakinis ng kutis mo at napakaputi tulad ng gata

APAT NA APELYIDO NA PAG IYONG NARINIG NAKAKATIYAK KANG SILA AY PINOY
1. Arroyo
2. Garcillano
3. Marcos
4. lahat ng apelyido ng pulitikong ugok

APAT NA PANGALANG PINOY NA AYAW MONG IPANGALAN SA IYONG ANAK.
1. Tekla
2. Isponklong
3. Bangaw
4. Gloria

APAT NA LARONG PILIPINO NA NALARO MO NA NG BATA KA PA.
1. Tirador
2. Sumpit
3. Syato
4. bahay-bahayan

APAT NA BAGAY NA AYAW MO SA PILIPINAS.
1. gobyerno
2. polusyon
3. traffic
4. masasamang tao

APAT NA BAGAY NA GUSTO MO SA PILIPINAS
1. demokrasya
2. pagkain
3. mahilig maligo ang Pinoy
4. pagkain ulit

APAT NA BAGAY NA GAGAWIN MO KUNG IKAW ANG PANGULO NG PILIPINAS.
1. Mangurakot
2. Mangurakot pa ng madaming pera
3. Kurakutin pa ang lahat ng makukurakot
4. Ipunin ang lahat ng nakurakot at bayaran ang lahat ng utang ng Pilipinas.

Saturday, August 13, 2005

What's on the menu

Inggitin ko lang kayo ng lunch ko kanina. Heto ang menu namin:
Pritong Isda na di ko alam ang pangalan pero kahawig sya ng galunggong, malaki nga lang ng kunti, Kangkong with bagoong, fresh kamatis at Manggang hinog na galing sa Pinas. Sarap magkamay! Inggit ka ba Ka Uro? hehehehe.



At pagkatapos lumamon kumain, ang kasunod ay isang iced-cold:

Friday, August 12, 2005

Cruisin

Feeling senti ngayon, 8 compilation ng cruisin' cd's ang nasa player ko. Nakakatamad tuloy, parang ansarap humilata sa kama, magbasa ng book habang nakikinig ng music, may fruit cocktail na kinakain, may juice na iniinom at naririnig ang agos ng tubig sa labas habang sumasabay sa hangin ang puting kurtina ng bintana. At and pinaka-importante, may 2 seksing masahista sa likod at paa ko.

Lahat naman siguro tayo, may dream house ano? Ang sa akin, gusto ko maliit lang. 2 bedrooms with balcony at open concept na living room, dining at kitchen at may
skylight para natural ang lighting effects. Ang mga ilaw mostly ay wall-mounted at warm lights para relax ang dating. Sa balcony, may jacuzzi, overlooking ang pool at may japanese garden. Gusto ko ng pitched-roof para may attic, nandun ang work area at library.

Sya nga pala, gawa na ang construction plan nyan, pera na lang ang kulang. Toilet pa
lang ang kaya kong ipatayo sa ngayon kaya babye muna, work muna ko.

Thursday, August 11, 2005

They said Sg has only one season and that is summer. Since this island is tropically located on the equator, the weather should be most of the time sunny. Its climate is most hot and humid with more rainfall during the monsoon season, which is from November to January. Even though with more rainfall during the monsoon season, there is still a fair share of sunshine during this period. But like woman, I would say the weather here is unpredictable, no offense girls :)

It's been raining almost the whole week but suprisingly the sun was up last Sunday and we grabbed the opportunity to have a picnic and swim to the beach. And after burning our back on the gruelling heat, the sun bid us a farewell with this relaxing view:

Monday, August 08, 2005

Dig it or shave it

Olrayt! bukas na ang pinakamimithi naming holiday. Isang araw lang pero ok na rin. Mas Ok sana kung makakapag-leave ako ngayon pero dehins pwede, daming meetings. Ganito talaga dito, kukunti ang holiday kaya halos kabisado namin ang date. Tuwing Chinese new year lang mahaba-haba ang holiday dito which is 1 week.
Di ko na nga maalala ang pinaka-mahaba kong bakasyon mula nang mag-work ako dito,
yung hihilata lang at walang iisipin.

Naalala ko dati nung bata ako, fiesta carnival lang ang hinihirit ko sa parents ko, pero si Sean, Disneyland Hongkong, hanep! Nakikita nya kasi yung mga advertisements ng grand opening sa September, pero buti na lang fully-booked na. May pinag-iipunan talaga kaming bakasyon para sa next year kaya wala munang extra gastos this year.

Naisulat ko nun na paborito ko ang Lunes, madalas kasi na wala ang mga amo. At pag wala ang mga amo, di mawawala ang mahabang kwentuhan sa Pantry habang humihigop ng kape. Minsan, parang open forum at minsan, puro kagaguhan lang. Kanina, inabot ng isang oras ang usapan tungkol sa kulangot at buhok sa kilikili ng mga babae. Tatagal pa sana ang usapan, nahinto lang dahil may phone call ako. Pag tingin ko sa relo ko, naknang! isang oras pala ang nasayang sa walang wentang usapan na yun. Buti na lang, sinalo nung isang ka-project ko yung meeting this morning kaya libre akong mag-blog, hik!

Saturday, July 30, 2005

Craving

I crave for:

1. Indian Mango with ginisang bagoong
2. Pakbet Ilocano o 'Inabraw"
3. Lumpiang Sariwa
4. Relyenong Bangus
5. Flat tops
6. Stork
7. Sago at gulaman juice
8. Inihaw na mais w/ Dairy Cream sa Baguio
9. Macaronni spaghetti sa Elementary skul canteen
10. Puto bumbong at bibingka special sa gilid ng simbahan
11. aratilis
12. bayabas at atis sa likod ng bahay
13. chicharon bulaklak sa sementero
14. buko juice sa sementeryo
15. lugaw sa goto king
16. banana q
17. balut sa peryahan
18. pritong itlog ng pugo na may balot na kulay orange na harina
19. cassava cake sa canteen
20. lahat ng pagkain sa Jollibee
21. Pandesal na may butter at isasawsaw sa kape.
22. Papaitan sa Bus stop ng Baliwag Transit sa Baliuag, Bulacan

Naglilihi yata ako o homesick lang?

I D

Every year, this is one of the much awaited nationwide party participated by all people, from student to the prime minister. Spectacular stage programs, parades, army and airborne presentations and fireworks were always the applauded part of the program. Another significant part is the grand entrance and exit of their President to and from the stadium, where you can see and hear the people cheering and showing their full support to him. And they respect him.

The first time I had watched this on TV, I was amazed or should I say envied by how the people show their pride of being a citizen. Weeks before the big day, you can see flags proudly tied on most household windows or balconies. Most are busy practicing their presentations and entrance tickets were sold-out months before. That is how they anticipated their Independence Day.

And here's my participation, a free plug:

Holiday here on 9th of August for the celebration of the National Day, catch the live telecast of the program from The Padang on Channel 5 and watch me, burning my sweet ass on the couch, hehehe.

Muzic Foreground : MADAPAKA by Slapshock!

Friday, July 29, 2005

To reside or not to reside

Tagal na naming pinag-uusapan ang pag-apply ng permanent residency dito sa Sg at ako lang ang may ayaw. Although alam kong maraming advantages
ang pagiging Pr tulad ng mga subsidy sa pag-aaral, CPF savings at iba pang
government services, wala 'kong balak magtagal dito at manirahan.

Unang-una, napaka-stressful ng buhay dito, mataas ang standard of living kaya mahal din ang basic necessities. Kaya nga mababa ang birth rate dito dahil mahal magpalaki ng anak sa ganitong environment. Dati, 6 ang plano kong maging anak pero ngayon tama na muna ang isa. Iniisip ko palang ang gastos, umuurong na ang semilya ko, hehehe.

Kung napasyal rin kayo dito, mapapansin nyo na mostly ang mga service crew sa mga food court at fast food joints ay mga matatanda. Some of them are retired professionals. Kahit na gusto pa nilang mag-work, they are forced to retirement. Sino nga namang aggressive firm dito ang may gusto ng uugod-ugod na worker. Lalo na kung marami pa ring babayaran na loans, wala silang choice kundi ang mag-work sila kung saan sila tatanggapin.

2nd, napakalimited ng relaxation time and place dito. Bukod sa kukunti ang legal holiday, napakaliit ng Sg at once na napasyalan mo na lahat ng lugar dito, nakakasawa rin. So ang option ay mag-abroad, eh di gastos rin.

3rd, although walang baha, bagyo o lindol, tropical and humid ang tempreature dito. I still crave for cool fresh air to breath every morning. Kung mag-re-retire nga ko sa Pinas, gusto ko sa Baguio o kahit man lang sa tagaytay. Magastos sa aircon pag nasa mainit kang lugar.

4th, sino ba naman ang ayaw sa may sariling bahay at sasakyan. Pwede 'kong bumili ng
bahay dito pero korteng kahon lang makakayanan ko in installment for 25 years. Yung korteng kahon na yun, ka-presyo na ng rest house sa tagaytay. At sa kotse naman, 10 years ko lang magagamit. Ang COE or certificate of entitlement ng mga sasakyan dito ay 10 yrs max lang for each car at kung gusto mong i-renew, napakalaki ng babayaran, so walang choice kundi kumuha ng bagong sasakyan para bago rin ang COE mo. Sa pagkaka-alam ko kasi, hindi transferrable ang coe sa ibang sasakyan.

5th, pag tumuntong ng 17 1/2 yrs old ang anak mong lalake, kailangan nyang mag-training sa army o ang tinatawag nilang National Service. It's part of the contract ng pagiging PR, 2.5 years (fulltime) syang mag-se-serve sa bansa at sa gobyerno. Kaya mas late na nakaka-graduate sa college ang mga lalake kesa sa babae at late na nag-aasawa. At pag-reach nila ng 50's, may anak pa rin silang pinapa-aral.

6th and lastly, ayokong tumanda at masanay ang ilong ko sa amoy putok, baka di magtagal mangamoy putok na rin ako. At mahal ang alak dito, hik!

Thursday, July 28, 2005

Upgraded

My new HP workstation arrived this morning -

Hardware: P4 3.0 GHz, 80GB hardisk, 1 GB Ram
Software: Win XP Prof, Autocadd 2006, 3ds Max 7, Adobe Photoshop CS2

If there is such thing as digital orgasm, I just have it this morning, hehee.

Now that they have upgraded my pc and softwares, I have no more scapegoat for late submissions or project delays. 'Guess I have to updgrade my brain tooand take more vitamins V & T.

Wednesday, July 27, 2005

Guni-guni - kwentong kababalaghan

May isang igorot na nakasakay ng bus pabalik sa Baguio. Nang nasa baba na sila ng Kenon Road, naramdaman nyang naiihi sya.

Igorot: Manong driver, pakihinto muna ho sa tabi at ako'y naiihi na.
Driver: Wala yan, guni-guni mo lang yan.

Walang nagawa ang Igorot kundi ang pigilin ang ihi nya. Nang nasa gitna na sila ng
Kenon Road, nakaramdam naman sya ng pagsakit ng tyan. Kailangan nya nang ilabas ang
dapat ilabas at hindi nya kayang pigilan kaya lumapit ulit sya sa driver.

Igorot: Mamang driver, masakit na masakit ho ang tyan ko at kailangan kong ilabas ito.
Pakihinto ho muna sa tabi, parang awa nyo na!
Driver: (Di pa rin pinansin ang igorot) Wala yan, guni-guni mo lang yan.

Kaya bumalik ang igorot sa likod ng bus pero di nya na talaga kayang pigilan kaya
pinasabog nya na ang dapat pasabugin. Umalingasaw ang amoy sa loob ng bus.

Driver: Put#@*! Anu yun, ambaho!
Igorot: (nakangiti) Wala ho yun, guni-guni nyo lang yun.

Bweheheheh!

Tuesday, July 26, 2005

Singapore River


Elgin Bridge on South Bridge Road with the Parliament House on the inset. Photo taken fron the Riverwalk Mall.


Raffles Place skylines taken from the Elgin Bridge and overlooking the Singapore River. Along the riverside is the Boat Quay, famous for its night spots, outdoor and indoor restaurants and cafe's.

Monday, July 25, 2005

Tsona

Hehehe, patawa talaga ang pinoy kung minsan. Pati state of the nation address, may spoof na rin at Tsona pa ang abbrev. - naalala ko tuloy ang
blog na Chona in the city. Sabi nga isa kong kaibigan na foreyner - how can other people respect you if you don't respect each other, even so the President of your country. Magagalit sana 'ko pero totoo naman ang sinasabi nya. Nakikita naman sa mga rally na kung anu-anong hayop ang hinahalintulad sa kanya. I'm not a pro or anti-GMA, pero sa mga tao din nag-re-reflect ang mga pinaggagawa nila. And to conclude everything, our economy is the most affected because of these issues and these all will bounce back to the people.

Gari commented - ayaw ko tumagay habang nag-uusap ng pulitika. dami nang na-headline na nagsaksakan na pro at anti.
And my reply was - heheh gari, saksakan dahil sa pulitika, sarap manuod nun.
To kill just because of debate on politics? I don't think these people are really
thinking straight - mga may sayad lang sa utak ang gagawa nito. Ewan ko kung nag tatanga- tangahan lang ang mga tao o tanga talaga. Nung panahon ni erap, ginamit ng nga pulitiko ang mga tao para mapatalsik si erap at naupo si GMA. Ngayon naman, ginagamit ulit ang tao para mapatalsik si GMA para paupuin ang tao ni erap. At nagpapagamit naman, hehehe, sarap maiyak.

Pardon my rantings, ayaw ko sanang magsulat ng tungkol sa politics pero di maiwasan.
Kahit nasa labas kami ng bansa, apektado pa rin kami dahil reflected sa lahat ng Pinoy ang nangyayari sa bansa natin. By the way, I am neutral to the situation and I also want nothing but the truth.

Saturday, July 23, 2005

St. Andrews Cathedral

St. Andrews Cathedral is located on 11 St. Andrews Rd. and it is just above the Cityhall Mrt.


The cathedral with the Raffles City on the background.


The airconditioned Anglican Catheral interior.

Thursday, July 21, 2005

lullaby for a cut


Sean fell sleep while having a haircut (03 July 2005).

Thursday, July 14, 2005

The best of life

Sean: Papa, can I eat my candies ol-le-diiiiii? - (singlish for already)

Me: What ol-le-di? I told you to speak properly and don't always put "already"
at the end of your sentences.

Sean: (getting irritated) Bu-tan mo pleaseeeeeeeeee!

Me: No, ask me in English.

Sean: Can you open the candies for me, please! okayyyyyyyy? (getting more irritated)

Me: Ok LAH!

Sean: Hey! don't say "LAH".

Mr: (grinned) hehehe



My little boy, seems like yesterday when he was born in this world. I just started
my work here and I cannot fly back to Phil to support his long struggle to come out from his mother's womb. And 15 hours later, the doctor decided to help him and cut a shortcut for him to breath his first air and witness what light is after the 9 months of playing alone in his dark playground. We found out that he was not weak but too big for the natural pathway he was supposed to crawl.
Healthy boy that he become, he started crawling on the floor at the age of 5 months and walked when he reach 10 months. Now, he just not crawl and do babywalk but run immitating his superhero idol - Dash from The Incredibles and jump from top of the table like spiderman. Later, kick and punch me as hard as he can, immitating his new superhero idol, batman which will be our theme for his birthday party this coming Saturday. He's turning 4 and I just want the best for him.

Tuesday, July 12, 2005

Basketball in my mind

Nabalitaan ko, champion na naman ang SMB! ayos!!! Mula pagkabata, fan ako ng SMB! Mula kay Fernandez, Samboy Lim, Calma hanggang kina Racela at Ildefonso, talagang sinubaybayan ko mga laban nila. Natigil lang nang mga mid-to-late 90's. Nawala na kasi ang sigla ng PBA nun. Naging parang business na lang ang professional basketball at hindi na sya pambansang laro. Kumbaga, puro pera na lang ang usapan at nagsulputan pa ang mga Fil-Am players na alam nating dominant sa court dahil sa height and size advantage. Although meron pa ring magagaling na local players, natatabunan pa rin ang husay nila ng mga Fil-Am's. Di tulad noon, lutang na lutang ang mga drive ni Samboy "the skywalker", mga 3 pointers ni Caidic "the triggerman" pati na rin ang mga power-moves ni Patrimonio, at syempre pa, ang mga hidden tactics ni Jawo. Syempre, di mawawala ang 'glory days' ng Toyota at Crispa sa PBA. Nagtataka lang ako hanggang ngayon, alam naman ng lahat na may halong pandadaya at pang-gugulang si Jawo sa mga laro nya, pero gustong-gusto pa rin sya ng mga tao at binoto pang maging senador, ok talaga ang Pinoy.

Dito sa Sg, nakakapaglaro pa rin ako ng basketball, NBA live 2004 sa pc, alright!

Friday, July 08, 2005

Tea, tea and more tea.

This is a forwarded message from a chinese collegue which maybe useful in choosing the type of tea to drink for different individual.

Chrysanthemum Tea , Wu Loong Tea. Green Tea ,Honey Tea,Flower Tea.


1. People who use their "brain" to work or students who study hard day and night
- should drink more Chrysanthemum Tea.

2. People who need a lot of body energy to work or those people that do a lot of exercise everyday
- should drink Wu Loong Tea.

3. People who travel on a bike or work in dirty and polluted places
- should drink Green Tea.

4. For those people who likes to sit down all day long and not doing anything even exercising
- must drink Green Tea and Flower Tea.

5. People who smoke and drink a lot of alcoholic drinks
- should drink more Green Tea.

6. Carnivore ( those people who must eat meat at least once a day, or feel sick or not feeling well
- try to drink some Wu Loong Tea.

7. Those people who go to the washroom too often or too less
- should drink more Honey Tea

8. People with high cholesterol and high blood pressure
- Wu Loong Tea. Green Tea.

9. Those who work with computers everyday
- need to drink a Lot of Tea (any tea will do).

And lastly, from my own expert opinion - for those women who are "so masungit, isnabera, mainitin ang ulo at suplada", - should take more "tea tea", nyehehehe.

Tuesday, July 05, 2005

Kapeng Barako

Di talaga ako mahilig sa kape pero lapitin ako ng babae at bakla kape. Nung college days, karaniwan lang ang pagpupuyat sa paggawa ng mga drawing plates namin kaya wala akong choice kundi mag-kape para di makatulog. Minsan na di ako nagkape, nakatulog ako sa ibabaw ng plate ko. Ang nangyari, natuluan ng laway, ok lang sana kung patak lang, kaso hinde eh - bumaha ng parang sa Espanya, hehehe. Kaya no choice kundi ulitin.
Nang mag-work na ko, nauso naman ang mga coffee bar sa Pinas. Syempre, makiki-uso
at makikitambay kasama ang barkada, frapuccino's at kung anu-anong frape's ang nakahiligan ko nun. Pero alam kong masama ang kape pag napasobra kaya medyo bawas sa intake - 1 tall size cup lang isang araw, hehehe. Naalala ko tuloy nung minsan nagpasama ang boss ko, gusto raw nyang i-try ang starbucks kasi medyo bagu-bago pa nun. Nagulat sya ng i-serve sa kanya ang kape nya na nasa cup na sing-laki ng pitsel. Kinabukasan, pupungas-pungas ng pumasok, di raw sya nakatulog dahil isang pitsel daw ang caffeine na dumadaloy sa dugo nya, hahaha. Gusto ko na talagang iwasan ang kape pero na-kasal naman ako sa isang Batanguena (ala eh!) at syempre, pag Batangas ang usapan, di mawawala ang kapeng barako. Sa umaga pa lang, magigising ka na sa amoy ng kapeng barako. Sino ba naman ang tatanggi sa fresh na fresh na kapeng barako, nakaka-2 cup pa nga ko sa umaga. Nakaka-addict kasi ang amoy, parang amoy ng babaeng bagong hugas, nyehehe.
Ngayon naman dito sa Singapore, uso sa mga company ang 'tea lady'. Tea lady ang tawag
pero di lang tea ang tinitimpla nila, inpak, mas marami ang portion ng kapeng tinitimpla nila kesa sa tea. Fresly brewed coffee din ang ginagawa nila at nilalagay sa thermos pot, kaya no hustle ang pagkuha ng kape. Ang style ko naman ngayon, instead na creamer and sugar ang ihalo ko, milo ang kahalo ng kape ko, ang tawag ko dito - kopilolo - kapeng hinalo sa milo. Pag ni-try nyo yan, magiging lapitin kayo ng butiki.

Monday, June 27, 2005

Supsop master

Weekend was fine...nag-bowling kami ng sabado ng gabi hanggang
1am. Naka-165 points lang naman ako, (ehem) yabang ko kasi yan ang highest point na nagawa ko, hahah.

Sunday, sinundo ulit kami para mag-grocery sa Tekka Mall, di hamak na mas mura kasi dun at sariwa ang mga seafoods at doon lang medyo kumpleto ang panluto. Bulalo lang sana ang bibilhin ko pero naubusan na kaya alimango na lang at snail - request ni esmi.

Ginataan ko yung suso at nagsup-supan kami ng gabi. Nakisupsop din si baby S pero di naman makahigop, hanggang sabaw lang. Tawa kami ng tawa sa dinner kasi nilalagyan ko ng tono ang pagsupsop ko, hehehe. Alam nyo bang sikat sa french cuicine ang snail - marami silang luto tulad ng 'Risotto aux Escargots' or snail risotto at 'Escargots de Bourgogne' or Snails in shell au Gratin. Ang french name ng ginataang suso ko -
Escargots supsop de musicale.

Aalis this weekend si esmi for company outing kaya maiiwan kami ni baby S. Mag-a-apply ako ng childcare leave sa friday para mahaba din ang weekend ko. May 2 days per year kasing childcare leave na pwedeng i-claim pag may anak kang 7 yrs old and below dito sa Sg. Mag-camping din kami ni baby S pero sa loob lang ng bahay, hehehe.

Monday, June 20, 2005

I'm Sick

Ba't ba bigla 'kong nagkasakit?
Kasama ko naman dito ang family ko, busy naman ako sa work, alam ko namang magulo sa 'tin ngayon, alam ko namang kahit kumayod akong parang kabayo sa atin, di ako aasenso, alam ko namang malala ang polusyon sa 'tin at sobra ang traffic. Pero kahit alam kong lahat yan, ba't ba bigla akong na-homesick?
February last year pa ako huling umuwi, hindi pa para mag-bakasyon, 3 araw nga lang eh. Ngayon, para 'kong hinihila ng paa ko pabalik sa pinanggalingan ko. Ano bang gamot sa sakit na 'to? Mukhang lumalala na. Teka maikadena nga, baka hindi ko mapigilan.

Tuesday, June 14, 2005

hapibeerdey

whooooooooooow!

I didn't notice until now that I already have june 2004 to june 2005 posts on my archive. So, it's my blog's anniversary UNOFFICIALLY - I had no posts on july & august.
1 year old blog with 12,000+ hits, NOT BAD. Not bad at all because I gained a handful of net friends, of different genre and intellect and from all over the world.
Kaya bata, matanda (basta sexy), may panty o wala, inuman na!

Monday, June 13, 2005

I love monday

Almost everybody hates Monday but I'm different, I LOVE Monday. As a matter of fact, I am always looking forward on the first day of the week. But I hate whoever invented the 7 days a week calendar. If I have the privilege of re-inventing the week system, it is going to be 3 days a week calendar - MONDAY-SATURDAY-SUNDAY. Who agree with me? please raise your middle finger.

Thursday, June 09, 2005

HIK! (2)

May 'pismeyt akong kababalik lang galing ng bakasyon, fresh pram nyu yok. (Dito, silent 'R' ang pagbigkas nila, tulad ng carpark=kapak, work-wok, chairman-cheman, perk-perk=?, bra=ba, teka di yata kasali ang bra, hehehe.) Balik 'pismeyt tayo-pareho rin tayo ng culture sa kanila, nagdadala ng pasalubong galing sa pinanggalingan nila. Usually sweets or snacks ang pasalubong, and this time, chocolate with li-ko (liquor). Ok na ok!
Nag-ikot na sya bitbit ang pasalubong nya para mamigay. Bukod sa chocolate, May dala
rin syang parang seafood floss, ewan ko kung galing din ng nyu yok. Game naman akong
tikman kaya kumuha ng din ako, pusa 'pre, super lansa. Di ko naman mailuwa kasi sabi
nya, masarap daw. Nilunok ko na lang kahit naduduwal ako. Malansa sa bibig kahit nag-
mumog pa ko ng coffee, kaya binuksan ko na lang yung chocolate kahit maaga pa. Ibang
klase pala 'to sa nabibili dito, hollow sa gitna at totoong may alak sa loob. Karaniwan kasing natitikman ko, nakahalo sa chocolate and it melts in your mouth. Heto, totoong may shot ng cognac sa loob. Eh sayang naman kung itatapon ko kaya diretso shot na rin. Heto ako ngayon, rosey chicks at ke aga-agang may amats, Tagay pa!

Wednesday, June 08, 2005

New habit

Naaadik ako ngayon sa pagbabasa ng mga covert one novels particularly, Robert Ludlum's books. Mahaba kasi ang trip ko from home-office-home kaya siguro nalilibang ako sa pagbabasa. 2 series books ang nabili ko recently, The Paris Option and The Hades factor. Binabasa ko ngayon ang Paris Option pero mas nauna dapat ang Hades Factor sa series. As usual, basta Ludlum, exciting ang plot at di nakakainip ang istorya. Sana makumpleto ko ang collection ng books ni Ludlum, all in all, 29 books, kasama ang 4 series ni 'Jason Bourne', 2 na lang ang di pa naisasa-pelikula, ang The Bourne Ultimatum at The Bourne Legacy, balita ko si Matt Damon pa rin ang gaganap sa Ultimatum. Sayang, nag-audition sana ko para sa role na yun, hehe.

After kong nabasa ang DVC ni Dan Brown, nagkainteres din ako sa mga books nya. Nakahiram si esmi ng Angel's and Demons which I will be reading next. Nasa list ko rin ang mga books ni Gayle Lynds at Patrick Larkin, all of their covert-one novels.

A comfortable couch, lights off except a reading lamp, an interesting book and a
cup of freshly brewed coffee - almost orgasmic, isn't it?

Tuesday, June 07, 2005

The Marrow Massacre

Murderer ako, double-murderer pa...ng bulalo! Nahanap namin kung saan nakakabili ng bulalo o 'bone marrow' kung tawaging nila dito. Sa tekka market, isang palengke sa Serangoon Road, kung saan maraming "pana", matatagpuan ang mga murang karne. Last Sunday, pumunta sila bebe kaya nagpabili ako ng 1 kilo, $5 for 4 pcs na ang haba ay 5 inches. Kahapon lang namin nailuto, nilagang bulalo at hinaluan ko ng kunting karne ng baka. SARAP! Sinaid ko talaga yung loob ng buto, sinupsop ko ng sinupsop para sulit, hehehe. Nahilo nga ko sa sobrang dami ng nakain ko. Hay, kailangan na namang mag-jogging para mabawasan ang mga baby fats ko.

On di ader nyus, bisi na naman sa 'tabing-guhit' (sideline) Maliit lang naman na project, howp-puli matapos lang ng 1 week. Pero 1 week na walang tulugan na naman kaya kailangan ko ng maraming balut. Minsan-minsan lang naman ako mag-tabing-guhit kasi istorbo sa seks layp.

Tuesday, May 31, 2005

triplets

whew! natapos din. For 2 consecutive weekends including a holiday last week, i was grinding my ass to work to finish 3 projects. Now I could feel the gravity of being promoted to my position. Ok lang sa akin kung planado ang pag-tra-trabaho ng linggo pero asar na asar ako pag tatawag ng sabado ng hapon at makiki-usap na pumasok ng linggo, sarap i-untog ng 3 beses sa inidoro ng ungas. Wala naman akong magagawa, binabayaran ako para trabahuin ang dapat trabahuin. Hirap namang i-tagalog, pero kailangan baka kasi mabasa, hehehe.

On the other news, miss ko nang kumain ng 3 na ito: balut, bb-q na isaw at chicharong baboy. Naglilihi yata ako, at feeling ko, triplets 'tong nasa shenapupunan ko ah, triplets na bulate, hik!

Wednesday, May 25, 2005

ogagako

Maraming madudumi ang bibig dito sa ofis, bukod sa di mga nagtututbras, mahihilig pang magmura. Stupid, idiot, bul%shi# at fu*k ang madalas kong marinig pero patalikod. Sanay na nga ang tenga ko sa ganitong conversations
dito at syempre nakakahawa. Pero as much as possible, iniiwasan kong magmura. Napapa-shet lang ako pag nilalabasan...ng sipon sa daan, hehehe.
Bakit ko ito nai-kwento? May nagkasagutan dito sa trabaho at parehong nagmumura ng patalikod sa isa't isa. Parehong malapit sa cubicle ko kaya rinig ko mga mura nila. Ako ang nabu-bwisit eh, pag naasar ako, pagmumurahin ko 'tong 2 na ito. Dapat di ba, trabaho lang, walang personalan. Nalaman ko dun sa isa na pinagbabati sila ng project director pero ayaw nya, yung isa daw dapat ang lumapit. Lumayo na lang ako, 'tarage, sarap i-untog sa pader. Ayan napamura tuloy ako. Tinanong pa sa kin kung ano ang mura sa tagalog, sabi ko- OGAGAKO. Ayun binigkas ng binigkas, di nya alam, minumura nya sarili nya.

Friday, May 20, 2005

holiday blues

Long weekend ahead, it's 'vesak day' or 'Buddha Day' on sunday and if a holiday falls on sunday, monday is holiday. We only have quite a few holidays here in Sg that is why we are always looking forward to it. It means more time to relax, long hours of sleep and more sex because I don't have to worry to wake up late the following morning, heheeh.

I surely miss the holidays in Pinas that last for weeks plus the the extras we get from natural disasters, national rallies and some 'birthdays' of gov't. officials.
I remember the school days, when AM radio is a must during typhoon season, where
the voices of Ka Joe Taruk, Lola Celia bungangera and Atty. No Case are dominant in
our household. As a kid, i always prayed for more storms to come so that the classes would be cancelled, 'guess I had overdone it. Too many destructive disasters had hit our country. Now, I can still listen to our am/fm radios thru internet, www.eradioportal.com, but you must have a dsl or broadband connection to have a
continuos broadcast. Sometimes, i still hear our favorite program "Gabi ng Lagim", awoooooo!

In my organizer's list, switzerland has the most list of holidays. Hmmm, a good point on our migration list, hehee.

Speaking of holiday, I was asked just now to work on our new project this weekend, bummer!

Friday, May 13, 2005

Yor ays ar geyting heybi...

Ano ba ang mga pwedeng gawin kapag inaantok o tinatamad sa trabaho:

1. Mag-toilet - huling-huli ko ang mga petiks dito sa ofis, sila ang lagi kong nakakasabay sa toilet, bwhahaha. Unahan na lang kaming magsabi ng "You Again!", sabay tawa. Pag talagang antok, idlip muna sa cubicle, mga 5 to 10 mins lang naman, tiyak naman pag may pumasok na tao sa toilet, magugulat ka at mabubuhayan.

2. Mag-kape - dito sa Sg, uso ang mga 'tea lady' o helper sa ofis. Sila ang mga nagtitimpla ng kape, naglilinis ng ofis at mahihilig mag-kwento. Kaya kung gusto kong magpalipas ng oras, uumpisahan ko ang pakikipag-huntahan kay 'auntie' sa pantry habang humihigop ng mainit na kape. Tanungin mo lang ng isang tanong, magwe-wento na yun ng parang tele-novela. Pati love story nya, alam ko na. Pati nga buhok nya sa kilikili, kabisado ko na.

3. Mag-sounds! - lagi ko 'tong ginagawa. Maghapon naman bukas ang player ko
with speaker pero pag talagang sound trip mood ako, plug ng ear phones. Kahit dumugo na tenga ko sa lakas, walang makiki-alam. Na-ban nga pala ang internet radio na pina-uso ko dito sa ofis, halos lahat ba naman nag-gayahan kaya bumagal ang connection.
Pinadalhan sila ng memo, ako hindi, nyehehe.

4. Mag-trip around the ofis - applicable 'to sa medium to big-sized ofis. Kumuha ng
ilang pirasong papel pertaining to a project, tapos umpisahan mo ng maglibot. Paraan na rin ng socializing among colleagues, bati rito, bati roon, pwede ka nang mag-mayor sa next eleksyon, hehehe. Para san naman yung papel? para pag nasalubong mo ang boss mo, may palusot ka. Sabihin mo lang, may kinuha kang files dun sa kabilang dulo ng ofis, mweheheh.

5. Mag-xerox - i-duplicate mo lahat, mag-enlarge, mag-reduce, kung gusto mo pati kamay mo in different position, i-xerox mo. Wag ka lang papahuli.

6. Heto pinaka-epektib - Magbaon ka lagi ng monay o kahit anong tinapay na walang palaman. Di nyo siguro alam na malakas mag-pagising ang monay noh? Una, biyakin mo yung monay, tapos ipalaman mo dila mo sabay kagat ng malakas, pwede rin daliri. Hik!

Wednesday, May 11, 2005

where's the view?

Image hosted by Photobucket.com
We recently moved-in to this estate community. Our rented flat is one of those in second floor. The location is good, clean environment and the food stalls from the nearby hawker centre are quite popular here, though sometimes, i miss my pool-view bedroom window, the morning sun and the bikini-clad babes, but hey! i still have a good view of my wife's hmmmmm...wardrobe, nyeheh.

Tuesday, May 10, 2005

Coffee Break

Heto ang usapan ng mga ungas sa coffee shop dito sa Sg:

Orgasm day in Brazil
...nice! kung buong araw ka mag-o-orgasm, baka imbes na
condensed sperm, powdered na ang lumabas, hehehe.

Alam nyo ba ang sikreto ng mga kalbo o napapanot? Sila ang maswe-swerteng tao sa mundo, sila ang mga may wild sex partners kaya nauubos ang buhok kakasabunot ng partner nila. Kaya pag may nasalubong kang kalbo, pendong-an mo, nyahahahha! Tapos sabihin mo sa kanya - "you are one lucky bastard!"

Nakakita na ba kayo ng sex organ ng male duck? mga 3 inches long at spiral siya. Isipin nyo na lang kung spiral din ang sa mga tao, parang 'pilipit' na tinapay, nyeheheh.

Alam nyo ba yung kwento nang maka-score si superman kay wonderwoman? One day, isang araw, lumilipad si superman at nakita nya si wonderwoman sa beach, nagsa-sun-bathing, nakahubad at nakabukaka. Sabi nya:
Superman: Pagkakataon ko na 'to, makaka-score na ko kay wonderwoman, gagamitan ko
lang ng super speed para di nya ko mahuli.
Sabay lipad ng mabilis, whooshhhhhh, PLOK! PLOK! PLOK, whooshhhhhhhh!
Wonderwoman: Huh! ano yun?
Biglang nagsalita si invisible man na nakapatong kay wonderwoman: Aray! futa,
sakit ng pwet ko!

Naamoy ko yung katabi kong 'babaeng pana' kanina sa bus, tangna, nalasahan ko yung amoy, sumuot hanggang lalamunan ko. Inom kaya 'kong clorox para maalis. Hanggang ngayon, mahiwaga sa kin ang kultura nila, mas mabaho daw, mas malakas ang sex appeal. Aphrodisiac daw yung amoy nila, kaya pala nilalangaw yung katabi ko, nalilibugan siguro yung langaw sa kanya, bwhehehe.

Wednesday, May 04, 2005

Pros and cons

All I wanna do is to drink my ice-cold beer, and sit comfortably on my couch while listening to my music compilation, all year long.
Nakalipat na kami ng maayos, sarap ng feeling pag maayos na ang flat. For the first
time in my life here in SG, solo na namin ang bahay. What's the value of life if you don't have freedom, ika nga ni Mel Gibson. Pwede na kong maglakad ng naka-brief lang sa bahay o umutot ng malakas na walang pakialam.

Heto ang Pros and Cons ng paglipat namin ng flat:

Good : Lapit sa office ni esmi at skul ni baby S
Bad : From 15 mins, naging 45 mins ang byahe to my office

Good : Lapit sa malls, groceries and shopping centre
Bad : Butas panigurado lagi ang wallet ko

Good : Napipilitan akong gumising ng 6am which I think will be a good habit
Bad : Napapadalas ang punta ko sa banyo para umidlip sa cubicle

Good : Di na ako magsusundo sa uwian kay baby S
Bad : wala na kong excuse para umuwi ng maaga

Good : Makakatipid ako sa house utility bills dahil mas mahal ang singil sa private condo
kesa sa public housing.
Bad : Di na pool view ang bintana ko, wala na kong mabobosohan.

Good : King-size ang kama namin ni esmi, pwedeng mag-eksibisyon >:)
Bad : Sa gitna namin natutulog si baby S

Good : Pwede na kaming mag-proper diet sa pagkain dahil wala na kaming ka-share sa
groceries.
Bad : Prito lang ang kaya naming iluto.

Good : Free ang recipe kay Miss Ting-aling at Ma'am Celia kusinera.
Bad : Wala pa kaming kaldero at kawali.

Good : Laki ng ref namin
Bad : Nae-ebs na ko, ba-bye muna, Hik!

Friday, April 29, 2005

catcha!

nahuli ko rin sa wakas yung butiking nagkakalat sa desk ko at nakiki-inom sa kape ko, nadatnan ko kaninang umaga, nakalutang sa cup. Tinakpan ko agad ng tissue paper at ni-flush sa banyo. Kaya ang ginintuang aral sa blog na ito, WAG LUMANGOY NG LASING. Kung nagtatanong kayo, Yup! gagamitin ko pa rin 'tong coffee cup ko.

On the other news, lilipat na kami ng flat mamayang gabi. Quite spacious at fully furnished na yung flat kaya ok na ok sa aming tatlo. Malapit lang sa bagong work ng wife ko at bagong school ni bardagol. Invited kayo sa 'house colding', hindi 'warming' kasi di masarap ang beer pag di malamig.

Friday, April 22, 2005

look at my mole

may nunal pala ko sa ulo...ngayon ko lang napansin :)
pustahan tayo, di mo alam kung ilan ang nunal mo sa buong katawan.

Monday, April 18, 2005

a fact

nasubukan nyo na bang hipan o i-blow ang pwet ng manok? subukan nyo, gagalaw sya in spiral motion na parang na-hipnotized na pwet. yung buhay ha, baka naman pagpunta nyo sa supermarket, hipan nyo yung pwet ng frozen na manok, hehehe.

Thursday, April 14, 2005

houston we have a problem!!!

there's somebody loitering on my office desk. every morning for the past few weeks, the top panel of my low wall partition is messed with dark yellowish greasy discusting thing. i asked auntie, the ultimate office cleaner who the hell is doing it and her expert conclusion, a lizard. she asked me if i always leave some food leftovers on my desk, and i said no. and how about your coffee mug? errrrr, what about my coffee mug? do you wash it before you leave the office, of course ye....ahhh no, sometimes :) so that's the problem, we do have a caffeine addict here and it transformed my desk into some starbucks for lizards. it even have the guts to turn me his personal barista and shared with my coffee mug, pweh!!!
pardon my ranting but i have to do this:
curse you damn lizard! i'll promise you'll never have your dose of caffeine in your life again.

on the other news, i really can't wait for the movie version, i already bought the book and on my halfway reading it. i think it deserves to be one of the bestsellers of all time. the funny part is while i'm reading it, i was imagining tom hanks acting the action sequence, heheee, movie bluff.

Tuesday, April 12, 2005

PAMAMAALAM

Tagal na rin pala nating magkakilala, parang kelan lang ano? Dami na rin nating napag-usapan, naging magka-bahagi na rin tayo ng personal na buhay at syempre ng mga kalokohan. Alam mo na nga yata lahat ng sikreto ko, hehehe.
Pero ganun yata talaga ang buhay, may UMPISA at may KATAPUSAN.
Wala na kong magagawa, talagang kailangang tapusin ko na. May kanya-kanya naman siguro tayong buhay kaya wag ka nang magka-interes na hingan ako ng paliwanag. Mas maganda nga sigurong wag ka ng mag-COMMENT dito dahil baka magdalawang-isip pa ko.
Pero di na, final na talaga ang desisyon ko, hanggang sa muling pagkikita na lang uli kaibigan. Paalam kaibigang brief! luwag na ng garter mo at malaki na butas mo at higit sa lahat, di na matanggal sa clorox ang mantsa mong kulay yellow-orange.

Friday, April 08, 2005

MC

oh mother mother i am sick!
call the doctor vey quick!

naalala ko lang kanta ni yoyoy, 2 days kasi akong absent.
sarap talagang magkasakit, nakaka-relax.

dito sa singapore, obligado kang pumunta sa doctor pag may sakit ka, kailangan kasi ng Medical Certificate para sa application ng medical leave sa company. So kahit masakit lang ng kunti ang tyan mo, kailangan mong umarte sa doctor na masakit talaga para bigyan ka ng MC. tanga ka na lang pag ininom mo ang gamot na binigay dahil sasakit talaga tyan mo. kanya-kanyang arte lang naman yan, pag lalamunan, syempre kailangan, ubo ka ng ubo kunwari. eh pano kung trangkaso? lagyan mo ng bawang at sibuyas ang kilikili mo para tumaas ang temperature mo, bwhehehe.

Thursday, March 31, 2005

sarap ng cashew nuts....bat kaya ansarap ng mani?

Thursday, March 24, 2005

tinik sa pwet

andaming tinik sa pwet pain in the ass dito sa mundo. sampol na lang dito sa trabaho, sila yung maraming side comments sa mga solusyon na binibigay mo sa problema. magaling silang mag-analyze pero hindi ng solusyon kundi ng mga butas sa mga binibigay mong solusyon. mga nagmamarunong pero mga wala namang maibigay na kontribusyon. sila rin ang mga mahihilig sumilong sa anino ng matataas para sa proteksyon nila. nakaka-asar lang minsan na ang ibinibigay mong solusyon na para sa ikaaayos at ikaluluwag nila, kokontrahin pa. at ang mas nakaka-asar, wala na ngang maibigay na solusyon, may gana pang magalit. pano ka naman makakatagal sa mga taong ganito. sarap tuloy magmura, tanginangyan, isa pa nga, TANGINANGYAN.