Medyo kabado ako ngayon, may interbyu kasi ako sa byernes at ang posisyon ay iba-base sa Pinas. Gusto ko ang trabaho pero parang sinasabi ng utak ko
na pag-isipan kong mabuti. Marami pa kasing di malinaw, tulad ng sweldo, kontrata at kung anu-ano pang arrangements at sa interbyu ko pa malalaman. Isa pa, iniisip ko ang environment, bukod sa pollution na maaaring mag-trigger back ng rhinitris ko, traffic, krimen at kung anu-ano pa. Baka para akong baliw na paranoid sa paligid ko, hehehe. Pero alam ko na kung sakali, masasanay din ulit ako in a few days time. Iba pa rin ang nasa sariling bayan.
Pinag-iisipan ko din na mag-set up ng business. Habang umiinom kami ng vodka last weekend, naalala ko ang lambanog sa atin. Lumabas kasi ang iba't ibang flavor ng absolute vodka tulad ng mandirin, vanilla, blackcurant at kung anu-ano pa na meron din counterpart ang lambanog. Ano kaya kung ito ang gawin kong bisnis, lalagyan ko ng proper branding at advertisements. Pwede ring gawing export product ito. Isa ang alak sa mga produktong di humihinto sa pagbenta. Kahit anong level ng community,
di mawawalan ng lasenggo, hehehe. Kailangan ko nga lang ng selling point para maka-kumpetensya sa malalaking kumpanya. Tulad ng -
"Lambanog with vitamin C, ang vitamins ng mga lasenggo"
"Lambanog with Viagra, ang inuman ng tigasin (free condom)"
"Lambanog with Kapeng Barako, ang inumin ng mga puyatin"
"Lambanog mouthwash, isang mumog lang, amoy chiko ka na"
"Lambanog Icecream" at madami pa.
May website pala ang gobyerno para sa mga small-medium enterpreneurs at makikita dun kung gaano kadaming business ventures ang pwedeng nating pasukin. Kailangan lang pag-aralang mabuti kung ano ang di pa masyadong saturated o maraming ka-kumpetensya. Nabasa ko yung Binalot business which started 1996. Ito yung ulam, kanin with salted egg and tomato na binalot sa dahon ng saging. Bata pa ko alam ko na ito dahil lumaki din ako sa Laguna at isa ang binalot sa specialty ng mga taga-doon. Akalain mo, 50k pesos lang ang starting capital nila at napalago nila into a franchising business. Ngayon minimum 300k ang pagkuha ng franchise sa kanila, ang galing ano? In less than 10 years. mahigit 10 na ang branches nila and still counting.
Ano pa kayang bisnis ang di napapasok? Any suggestions?
Wentong lasing, wentong walang wenta, wento ng buhay-buhay, wento ng mga walang wentang tao dito sa singapore, nasa oz na!
Thursday, November 17, 2005
Deal with Me
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
15 comments:
fafa tanggz, kung kelanga nyo po ng kasosyo, dito lang po ako...seryoso yan! basta ayokong mag-manage, share lang ako.
itong SME rin ang gusto kong pasukin nun pa man. hintay lang ako ngayon ng tamang taong mapagkakatiwalaan.
kung bar at alak ang isip mo, seryoso rin ako jan...syempre dapat me tester ka, volunteer ko na sarili ko....hehehe
tanggerz,
dito na lang tayo magtayo ng bisnez. kami ni fafa atoy magsososyo. sama ka sa amin. legal na kasi dito ang mga brothel. gusto mo ikaw ang gagawin namin recruiter.
nagkatagpo-tagpo yata ang mga mahilig sa negosyo(at lasenggero)! wag lang ungoy-ungoyan ha?
ano mmy-lei, sosyo tayo? tapos na location ng biergarten ko, baka naman malugi kung si faffi T ang bartender... mauuna pang malasheng kaysa sa customers. hehe
hej guys, seryoso rin ako ngayon, di pa bilog ang buwan.
tanggerz bakit ga ganyan iisa tayo ng wave length. natetelepathy mo ba iniisip ko. may nagawa na akong posting ipupublish ko na lang tungkol sa mga negosyong patok sa aking guni-guni. balak ko parang tag ipapasa sa iba para naman magising ang mga enterpreneur within us. Usapang Bisnis. ok inunahan mo lang ako pero pag tinag kita magiisip ka uli ng 5 pang raket ng patok.
Mmy Lei! pag-uwi nga namin sa January, aattend ako ng mga seminars about SME's.
Yung bar, balak naming magpi-pinsan yun, meron kasing 2 na nasa F&B businesses din. Gusto ko pa ring mag-bartender, nyehehhe.
Ku, QC na lang ako, quality control, hehehhee. Mukhang mas ok na business ngayon dyan ang pagpapa-rent ng apartments specially sa mga kababayan, daming migrants na dumadating eh.
Mmy nhengzkie, anong negosyo, monkey bisnis?? ;D
Yaan mo, gagawa ako ng business proposals sa inyo once na napag-aralan ko kung ano ang magandang itayo sa atin ngayon. Isip ka na ng name ng corporation, heheheh.
Fafatoy, mukha ngang iisa ang takbo ng utak natin. Alam ko bisnis minded ka.
Maraming pagkakakitaan sa Lipa ha, binalak ko nga nun mag-deliver ng baboy sa manila kasi may paalagain kami sa tiyuhin ni esmi at madami-dami akong kilalang may canteen, di lang natuloy kasi walang mag-aasikaso. Pag nagkita tayo, usap tayo kung anu-ano ang pwedeng maging negosyo.
Food business - basta masarap pagkain mo, patok yan sa Pinas! itagay mo pre! :)
Tanggers, sure ka ba na lalago ang alak business mo? Baka naman mamaya panay-panay ang sample mo at mga prends mo hehehe. Uy isama mo ako sa "lambanog-tasting sessions" ha. hehehe. Magandang idea yan actually. makakatulong ka pa sa local industry. Ako rin nag-isip ako, sa Baguio naman. May nagco-collect kasi ng magnets dito sa opis tapos humingi sa ng galing Baguio. Bilib it or not, wala sa city proper. Nakahanap pa ako sa Easter Weaving school, of all places. Nag-iisip ako ng souvenir items na obvious pero wala. Like cool magnets. Yung t-shirts cornered na ng Island souvenirs e. Gagamitan ko ng papier mache' for other goodies na pwede pamalit sa mahal na wood carvings. makakatulong pa ako sa recycling!
Visit ko yung link mo one time.
whatever you decide, good luck.
lambanog with viagra, me free condom pa, mukhang okay yan ah. hehe
Hey Chris, dami na rin na nasa food business, kailangan lang ng pakulo para pumatok.
Pre Wats! kita mo nga, lumabas ng mga business minded, hehehe.
Kita tayo sa Baguio ha, uwi kami ng end of January :)
Ser Rolly! yung lambanog ice cream ang mukhang mabebenta. :)
at least alam mo na kung ano gusto mo; i.e. to manage your own business. ako parang wala pa ako sa point na i think i can manage one. hindi talaga siguro tumpak para sa akin. pero malay mo, balang araw, i will explore the possibilities.
all the best, kung ano man ang mapagpasyahan mong nebosyo!
sarap ng vodka ha!
Owen, natatamad na nga ako dito sa Sg, parang hinahatak na ko pabalik sa Pinas.
FafaKadz, mas masarap sana ang suka kung may chicharon, hehehe
hi crisce, native drinks tulad ng sago at gulaman, buko juice, melon juice at ang pinak-importante... stainless (gin) :D
Hey Tanggerz, ano na nangyari dito sa job applic mo? Anyways, glad that the camera got to you safely :)
Oo nga. Ano nangyari? O baka naman nag-eempake ka na at pauwi na ng Pinas... hehe.
Ang galing naman ng Binalot. Yan din sana ang pangarap kong negosyo, yung sa pagkain. :)
Post a Comment