Nakalipat na kami ng maayos, sarap ng feeling pag maayos na ang flat. For the first
time in my life here in SG, solo na namin ang bahay. What's the value of life if you don't have freedom, ika nga ni Mel Gibson. Pwede na kong maglakad ng naka-brief lang sa bahay o umutot ng malakas na walang pakialam.
Heto ang Pros and Cons ng paglipat namin ng flat:
Good : Lapit sa office ni esmi at skul ni baby S
Bad : From 15 mins, naging 45 mins ang byahe to my office
Good : Lapit sa malls, groceries and shopping centre
Bad : Butas panigurado lagi ang wallet ko
Good : Napipilitan akong gumising ng 6am which I think will be a good habit
Bad : Napapadalas ang punta ko sa banyo para umidlip sa cubicle
Good : Di na ako magsusundo sa uwian kay baby S
Bad : wala na kong excuse para umuwi ng maaga
Good : Makakatipid ako sa house utility bills dahil mas mahal ang singil sa private condo
kesa sa public housing.
Bad : Di na pool view ang bintana ko, wala na kong mabobosohan.
Good : King-size ang kama namin ni esmi, pwedeng mag-eksibisyon >:)
Bad : Sa gitna namin natutulog si baby S
Good : Pwede na kaming mag-proper diet sa pagkain dahil wala na kaming ka-share sa
groceries.
Bad : Prito lang ang kaya naming iluto.
Good : Free ang recipe kay Miss Ting-aling at Ma'am Celia kusinera.
Bad : Wala pa kaming kaldero at kawali.
Good : Laki ng ref namin
Bad : Nae-ebs na ko, ba-bye muna, Hik!
7 comments:
ey, Tanggero bro...buti ka pa, palipat-lipat na lang ng pad. pero sarap naman talaga na kayu-kayo lang...free to do anything, namakakabulahaw at di mabubulahaw...naruon ang sense of freedom.
everything's a good thing living alone by yourselves, bro...tagay naman dyan!
thats nice to hear! wow, new flat
Hello Tanggers! Uy sarap naman. Your own place! Gusto ko rin ng ganyan pero dito naman sa Pinas, getting your own place means living so far away from Manila, so magiging 2 hours average ang byahe ko papuntang work! Aaargh. Late pa naman ako magising. Picture picture naman sa bago mong home! I remember may kuha yung kwarto nyo dati with Ikea furniture!
Idol Metal! ganito yata buhay sa abroad, para kaming nomad. Di naman kami maka-avail na bumili ng sarili naming bahay dahil super mahal at di magandang investment para sa katulad namin. Pero tulad ng sinabi mo, mas ok talaga kung solo ang bahay, walang limitations :)
Hello Mari, inuman na, pwedeng mag karaoke :)
Sir Watson! sinabi mo pa. Nung work pa ko sa dyan sa Manila, hirap din ng byahe ko buti nauso ang fx. Bili ka na lang ng condo sa The Fort, heheheh
Belated happy mother's day!!
p're galing ng template mo.
bagay yan sa aking pinaysaamerika.
parinig. hehehe.
senga pla. happy mother's day saiyo/ o di va mader ka rin dahil ang-aalaga ka rin diyan.
hic
Pyonski, happy mother's day din sa iyo, nyehehhe.
M're Cat! dali kong magsawa sa template kaya palit-palit, hehehe.
Happy mother's day din sa iyo M're, alam kong alagang-alaga mo mga kuting mo, nyehhehe
Post a Comment