Ok sa olryt!!! tapos na ang puyatan, singilan na. Pagkatapos nga ng mga gabing naging araw at mga araw ko na laging inaantok, tapos na ang mga
trabahong nakakasira ng blog life at seks life. Nasa stage na ako ng singilan at tawaran. Ok naman ang mga kliyente dito, marunong tumanaw ng mga utang nila, hehehhe. Hetong ginawan ko ng tabing-guhit, alam ko na ang takbo ng utak - alam kong tatawaran ako nito kaya tinaasan ko na ang billing ko. At di nga ako nagkamali, tumawad sa original na presyo na na-compute ko, hehehe. Kaya sabi ko na lang - "for goodwill and business partnership, I'll just give you the discount you're asking". Ayun, tuwang-tuwa ang mokong.
At dahil sa pagpupuyat ko ng ilang gabi, baka matutuloy na kaming umuwi nitong
chinese new year dahil nadagdagan ang budget namin. Medyo na-plano na nga namin
kung matutuloy kami dahil kasabay naming uuwi sila bilas. Sa tiger air kami sasakay
at sa Clark ang airport of landing. Naisip namin, tutal nandun na rin kami, mag-stay na rin kami dun or sa Subic ng maybe 2 nights. Gusto ko rin ipasyal si Sean sa Baguio. Hopefully , 2 weeks kaming bakasyon kung wala akong critical projects sa time na yun.
Kung meron, baka 1 week lang ako at maunang bumalik. Gusto ko rin kasing tipirin ang
annual leave ko para may matira pa para sa binabalak kong 'byahe'.
Kaya puspusan na ulit ang pag-wo-work out ko, baka madiscover ako ni kuya germs at isali sa that's entertainment...meron pa ba nun? pwede rin pala akong maging bold actor at ipareha kay diana zubiri, wag lang may butt exposure dahil makikita ang ba-lat ko dun sa dako paroon. Hik!
Wentong lasing, wentong walang wenta, wento ng buhay-buhay, wento ng mga walang wentang tao dito sa singapore, nasa oz na!
Wednesday, November 16, 2005
Huh Wednesday na???
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
7 comments:
ok na ok ang bakasyon! wow, so painum ka naman! mag-tagay ka na ulit bago ka magbakasyon...
congrats at natapos mo na din ang "tabing guhit"
pareng tanggerz, e paano ba yan nakakailang tabing-guhit ka na eh wala pa din ang pizza party natin?
nga pala, sa pagkaka alam ko po sa clark ang airport of landing ng tiger airways & not in subic. doon kasi kami sumakay ng baby ko pabalik dito sa sg last nov. 1.
tanggerz, payong kafatid lang ha kung sa subic man ang landing nyo medyo ingat at baka ma rape ka din ng mga us marines doon. aba sayang at baka masira ang pang upo mo eh di ka makuhang bold actor..... hehehe
sama mo naman ako faffi T, kahit sa hand-carry na lang.
kapag natuloy kayo sa Baguio pwede kayong mag-stay sa rest house namin.
paki-check na rin kung okey 'yong design ng biergarten ko.
nasaan na sirin iyong Lamborghini ko? may pambayad ka na sa shipping niyan. hehe
Tsk..tsk.. sa Big Brother ka na lang mag-audition, malay mo di ka na palabasin, di mo na kailangan ng ibang raket. kami ang magiging officers ng fan club mo. asteeeggg!
wais ka rin talaga! kung baga sa alak tama ka sa gulang, he, he, he! taga ka rin ba sa panahon tumagal ka kaya ka diana z. tingnan natin muna si ku kung kaya tumagal ng hindi jumijingle habang sila ni diana ay nagniniig ....... sa panonood niya ng 2 vcd movie na pinadala ko sa kanya (Itlog at Bakat...bakit ba usong-uso ngayon itlog sa blog?)
pag kaya mo tuamgaql kay diana ako na mismo ang magmamanager sa iyo. Tayo tayo ng kumpanya .Atoy and TAnggerz ang Mambubulog! (yan ang tamang tagalog sa nagboblog MAMBOBolog)
kung gusto mo eh, diretso ka na ng dabaw. paiinumin ka namin ng tuba.
MmyLei!!! hapi b-day. lika dito painumin kita...ano gusto mo?
Mmy Olive, gusto ko nga kayong ma-meet eh. Nahihiya lang akong mag-set up ng pizza party.
Sa Angeles nga pala ang clark at olongapo ang subic, ok ba ang tiger? Wala pa naman akong nabalitaang di maganda.
Mmy Nhengzkie...uwi tayo! gusto ko talagang pumunta ng baguio para ma-survey ang mga potential property dun. Pangarap kong magkaroon ng rest house or dun na mag-retire. Para kapit-bahay ko si Pre Watson.
Fafatoy, gusto kong panoorin yang Itlog at bakat, hehehehe. Sa Pinas na lang, maka-daan ng quiapo at mag-shopping ng mga pirata. Maiiwan din naman sa Pinas kasi di ko dadalhin pabalik dito at baka ako'y malatigo.
Cge, ikaw ang manager. Ano bang itatayo natin? cabaret? nyehehehe.
Niko! thanks for the invitation pero mukhang luzon lang kami, limited ang time at budget ko eh.
Pangarap ko talagang maikot ang Pinas at isa ang Davao sa listahan ko...sana manalo ako sa hweteng, heheheh.
Post a Comment