Wentong lasing, wentong walang wenta, wento ng buhay-buhay, wento ng mga walang wentang tao dito sa singapore, nasa oz na!

Friday, May 13, 2005

Yor ays ar geyting heybi...

Ano ba ang mga pwedeng gawin kapag inaantok o tinatamad sa trabaho:

1. Mag-toilet - huling-huli ko ang mga petiks dito sa ofis, sila ang lagi kong nakakasabay sa toilet, bwhahaha. Unahan na lang kaming magsabi ng "You Again!", sabay tawa. Pag talagang antok, idlip muna sa cubicle, mga 5 to 10 mins lang naman, tiyak naman pag may pumasok na tao sa toilet, magugulat ka at mabubuhayan.

2. Mag-kape - dito sa Sg, uso ang mga 'tea lady' o helper sa ofis. Sila ang mga nagtitimpla ng kape, naglilinis ng ofis at mahihilig mag-kwento. Kaya kung gusto kong magpalipas ng oras, uumpisahan ko ang pakikipag-huntahan kay 'auntie' sa pantry habang humihigop ng mainit na kape. Tanungin mo lang ng isang tanong, magwe-wento na yun ng parang tele-novela. Pati love story nya, alam ko na. Pati nga buhok nya sa kilikili, kabisado ko na.

3. Mag-sounds! - lagi ko 'tong ginagawa. Maghapon naman bukas ang player ko
with speaker pero pag talagang sound trip mood ako, plug ng ear phones. Kahit dumugo na tenga ko sa lakas, walang makiki-alam. Na-ban nga pala ang internet radio na pina-uso ko dito sa ofis, halos lahat ba naman nag-gayahan kaya bumagal ang connection.
Pinadalhan sila ng memo, ako hindi, nyehehe.

4. Mag-trip around the ofis - applicable 'to sa medium to big-sized ofis. Kumuha ng
ilang pirasong papel pertaining to a project, tapos umpisahan mo ng maglibot. Paraan na rin ng socializing among colleagues, bati rito, bati roon, pwede ka nang mag-mayor sa next eleksyon, hehehe. Para san naman yung papel? para pag nasalubong mo ang boss mo, may palusot ka. Sabihin mo lang, may kinuha kang files dun sa kabilang dulo ng ofis, mweheheh.

5. Mag-xerox - i-duplicate mo lahat, mag-enlarge, mag-reduce, kung gusto mo pati kamay mo in different position, i-xerox mo. Wag ka lang papahuli.

6. Heto pinaka-epektib - Magbaon ka lagi ng monay o kahit anong tinapay na walang palaman. Di nyo siguro alam na malakas mag-pagising ang monay noh? Una, biyakin mo yung monay, tapos ipalaman mo dila mo sabay kagat ng malakas, pwede rin daliri. Hik!

10 comments:

cathy said...

p're,
baliw ka talaga.
ako pumupunta ako sa cubicle noong isang may anghit.
gising pati kaluluwa mo sa baho. hichichic

Tanggero said...

hehehe M're, gising ba pati kaluluwa.

Jhun Billote said...

bro...pag inaantok, pikit mo lang mata at umidlip ng naka-upo. Pag kinalabit ka ng boss mo...sabayan mo ng krus at sabihin na nagdarasal ka.

o dili kaya sir, praktisin mo matulog ng nakatayo at buka ang mata...hehehe, para di halata.

Tanggero said...

bossing metal, di pwede, naghihilik ako, hehehhe.

Anonymous said...

kape ako. i down several cups in a day. kape na yata ang nanalaytay sa ugat ko eh. :)

Tanggero said...

ayaw mo ng monay mari? hehehe

Tanggero said...

deacon , salamat sa comment. sinubukan mo na ba yang mga yan?

Anonymous said...

Oo, tried and tested. Yung version 1 lang nga, nakaka-kulot ng buhok. Mahal pa naman magpa-straight ng hair-do.

Mas OK yung version 2, portable... wala ka lang panlasa pagkatapos. Pero, sising ka naman....

May blog na rin ako - http://deacon-blues.blogspot.com/

Na-extra kayo dun...

ting-aling said...

Hay naku Tanggers..itulog mo lang yan ng dalawang gabi..sleep deprivation lang yan..iwas tagay lang for 2 nights tingnan mo buhay ka na naman.

Tanggero said...

Ma'am Ting, di ako makaiwas sa tagay eh, hehehe