Wentong lasing, wentong walang wenta, wento ng buhay-buhay, wento ng mga walang wentang tao dito sa singapore, nasa oz na!

Thursday, June 09, 2005

HIK! (2)

May 'pismeyt akong kababalik lang galing ng bakasyon, fresh pram nyu yok. (Dito, silent 'R' ang pagbigkas nila, tulad ng carpark=kapak, work-wok, chairman-cheman, perk-perk=?, bra=ba, teka di yata kasali ang bra, hehehe.) Balik 'pismeyt tayo-pareho rin tayo ng culture sa kanila, nagdadala ng pasalubong galing sa pinanggalingan nila. Usually sweets or snacks ang pasalubong, and this time, chocolate with li-ko (liquor). Ok na ok!
Nag-ikot na sya bitbit ang pasalubong nya para mamigay. Bukod sa chocolate, May dala
rin syang parang seafood floss, ewan ko kung galing din ng nyu yok. Game naman akong
tikman kaya kumuha ng din ako, pusa 'pre, super lansa. Di ko naman mailuwa kasi sabi
nya, masarap daw. Nilunok ko na lang kahit naduduwal ako. Malansa sa bibig kahit nag-
mumog pa ko ng coffee, kaya binuksan ko na lang yung chocolate kahit maaga pa. Ibang
klase pala 'to sa nabibili dito, hollow sa gitna at totoong may alak sa loob. Karaniwan kasing natitikman ko, nakahalo sa chocolate and it melts in your mouth. Heto, totoong may shot ng cognac sa loob. Eh sayang naman kung itatapon ko kaya diretso shot na rin. Heto ako ngayon, rosey chicks at ke aga-agang may amats, Tagay pa!

8 comments:

Ka Uro said...

chocolate na may liquor. yun ba yung tinatawag na liquorice?

Tanggero said...

ka uro, chocolate liquor lang ang tawag nun dito. alam ko sa liquorice, herbal medicine?

cathy said...

alam ko galing yan sa Switzerland.
paborito ko rin yan pag Pasko at bigayan ng regalo. Hindi ako umiinom pero pagdating diyan, lasing ako pagkaubos ko ng isang kahon. hic

pulutan ko, ice cream. hic

Tanggero said...

M're may naisip nga kong timpla ng alak, Cognac with hershey's choco...masusubukan this weekend :)

Anonymous said...

rosey chicks-->>wow,me kompetensya si misis pala pag nalalasheng ka.
mon cheri ba ang chocolates?

Tanggero said...

ReD! kutis pwet ako, dun wori. nakalimutan ko brand ng choc na yun.

Kiwipinay said...

ok ka rin palang bigyan ng pasalubong, tanggers. basta't sinabing masarap, kahit malansa, lunok ka pa rin. ngiiii!!! parang super lansa nga yata nyan ah. di kaya gamit na yang floss na yan? ahahaha!!! pero at least, na-cover up na ang lansa dyan sa iyong mga chocolates. :D

Tanggero said...

cowboy ako ateng, kahit ano kakainin ko kahit malansa pa, nyeknyeknyek!