Wentong lasing, wentong walang wenta, wento ng buhay-buhay, wento ng mga walang wentang tao dito sa singapore, nasa oz na!

Saturday, September 10, 2005

News Feed

Ok din itong NEWS FEED sa sidebar ko, laging may bagong balita akong nalalaman from Pinas, tulad ng:

...Manila loses city streetlights to thieves- talagang sa hirap ng buhay, pati ilaw ng poste, tinatalo na. Sa susunod, baka pati poste, nakawin na. Madali lang namang mahuli ang mga magnanakaw nyan, hanapin lang kung sino ang may pinakamaliwanag na bahay.

..."E-brides" seeks to escape Philippines poverty- Sikat talaga ang Pinas, nadagdagan na naman tayo ng "export-quality products" at nadagdagan ang business ng mga recruitment agencies. Sana lang, sa mabuting kamay bumagsak ang mga babaeng gustong takasan ang kahirapan ng buhay sa tin. Teka lang, bakit walang "E-grooms"? Ka Atoy, may bago tayong business, hehehee.

...RP bond sale raises $1B- San kaya mapupunta ang $1B na ito? Sana ipambawas na lang sa utang natin kesa sa bulsa ng mga buwaya mapunta. O kaya ibigay na lang sa kin, masaya pa 'ko.

...List of new Medical Technologies- Siguradong makikita sa mga nakapasang ito ang ningning sa mata ng dollar sign.
In-demand naman talaga ang ganitong propesyon sa ibang bansa. Goodluck sa paghahanap
ng work at sana matupad ang pangarap nila.

Sana, mas marami pang mas magagandang balita sa susunod.

9 comments:

bing said...

- not only the streetlights pati na ang mga bakal ng riles ng tren
- parang malabo yata ang e-grooms? mas attractive ang product na e-brides..
- sa bulsa ng mga ganid mapupunta ang malaking percentage

http://bingskee.tripod.com/samingwika/

RAY said...

Hirap na talaga ng buhay sa atin. Kahit sa Lipa yong mga terrace seat at iba pang bakal mainit sa mata ninakaw na rin. Sa Maynila raw gate pag wala ang may ari inuutay-utay kala mo buo pa tapos pag walang nakamalay nakakarga na sa kariton o sa sasakyan. Dadako na naman tayo sa pulitika wag na lang inuman na tayo. Labas ang matatapang, hik me matatapang ga dito.Sinusubukan yata ninyo ako, hik. Magsilabas kayo mga duwag. hik. Mga anak ng tokwa, hik ikaw Tanggerz barako ka ga bakit ka lumabas, hik. Barako ka pala ( sabay kamot sa ulo dahil hindi nakabluff)dalawa na tayo pards,hik, inom tayo,hik. Hik, hik, hik buhay sa mundo bluffan lang ang unang kumisap talo. Pag nakatapat nga lang baka mata mo ay hindi na kumisap at pagmulat mo si San Pedro na ang iyong kausap. Kaya kapag barik, sa tiyan isiksik wag sa ulo kung ayaw mong mata ay tumirik at mapabitin ka ng patiwarik. Hik!

Abaniko said...

napanood ko sa tv noon, pati takip ng manhole, ninanakaw. nahuli yung mga nagnakaw na mag-asawa. sabi nila, magpapakulong na lang sila dahil sa kulungan, may pagkain at di sila nababasa pag umuulan.

nixda said...

...magnanakaw dahil sa matinding pangangailangan, nakakaawa! ang mga bwaya para mas yumaman pa... di pa ako nakakatagay, sukang-suka na ako!!! painom na lang po ng kape, atleast may dahilan ang pagtaas ng BP ko!!!

Analyse said...

hopped from pinoyblog, nakakatuwang nakakaasar nga ang ganyang mga balita, sa sobrang kahirapan na rin kasi..

like that news update, how could i add that on my blog?

Tanggero said...

Hello Bing, thanks for the comment!
e-grooms for matronas, hehehe.

Ka Atoy, naghahamon ka na ng away, di ka pa lasheng, hehehehe.

Tanggero said...

Niko, lalo na cguro kung makita nila ang kulungan dto sa Sg, tig-iisa ng selda at malinis.

Neneng, anong kape ang gusto mo? kapeng barako lang meron dto. Salamat sa pagdaan :)

Tanggero said...

Ser Kadyo, lasheng na nga yan, naghahamon na ng away eh.
Hirap lang sa balita, mas attentive sila sa mga masasama, marami rin namang good news sa tin.

Hi Analyse, thanks for the comment.
I'll comment to your blog about the news feed. :)

Tanggero said...

Ei ChrisH, just put in a MARQUEE SCRIPT on the news feed code.
Thanks for visiting