Wentong lasing, wentong walang wenta, wento ng buhay-buhay, wento ng mga walang wentang tao dito sa singapore, nasa oz na!

Saturday, July 30, 2005

Craving

I crave for:

1. Indian Mango with ginisang bagoong
2. Pakbet Ilocano o 'Inabraw"
3. Lumpiang Sariwa
4. Relyenong Bangus
5. Flat tops
6. Stork
7. Sago at gulaman juice
8. Inihaw na mais w/ Dairy Cream sa Baguio
9. Macaronni spaghetti sa Elementary skul canteen
10. Puto bumbong at bibingka special sa gilid ng simbahan
11. aratilis
12. bayabas at atis sa likod ng bahay
13. chicharon bulaklak sa sementero
14. buko juice sa sementeryo
15. lugaw sa goto king
16. banana q
17. balut sa peryahan
18. pritong itlog ng pugo na may balot na kulay orange na harina
19. cassava cake sa canteen
20. lahat ng pagkain sa Jollibee
21. Pandesal na may butter at isasawsaw sa kape.
22. Papaitan sa Bus stop ng Baliwag Transit sa Baliuag, Bulacan

Naglilihi yata ako o homesick lang?

12 comments:

Ka Uro said...

tanggers,
natawa naman ako sa post mo. hindi lang yung pagkain ang hinahanap mo. meron pang kasunod na "..sa sementeryo", "..sa peryahan". sabagay malapit na naman ang nov 1. natatandaan ko masarap din mag-inuman doon sa mga tingahan sa harap ng sementeryo, tapos liligaw-ligawan mo yung tindera. hahaha.

dagdag ako sa list mo, ha? wala kasi ang mga ito sa NZ
ripe manggo (yung kalabaw o piko)
kuhol
taba ng talangka
bangus
tilapia
galunggong
san miguel
san miguel
san miguel
san miguel

Tanggero said...

hey jon, gifted child ka pala, hehehe

Tanggero said...

ka uro, meron naman lahat dito nyan pero mahal. I just bought 3 bottles of SMB for SGD3 each, more or less 100 pesos, kaasar ano, pero sarap pa rin kahit mahal.

Tyler's Mummy said...

Feek kong kainin ang:

banana cue
fishball at tempura sa kalye kasi may kasamang alikabok kaya mas masarap!
sinegwelas at rambutan
peach mango pie ng Jollibee
Goldilocks na polvoron at egg pie
buko pie
Pure Foods Tender juicy hotdogs

yum, yum, yum. Gusto ko na tuloy umuwi ng Pinas...

Tanggero said...

hi aucklandbabe! ang isa sa nakaka-miss talaga sa Pinas ay yung mga nakasanayan nating kainin. Tara, uwi na tayo!

Nick Ballesteros said...

yung itlog na orange, kwek-kwek yata tawag dun? Haven't tasted it yet.

Uy, yung inihaw na mais na may margarine at asin! Natuwa ako dun. Kasi noong working student ako sa St. Louis, pag breaktime, bibili kami ng ganun. Eto pa. Yung banana q at camote q, pinapalagyan rin namin ng margarine! Rapsa!

Abaniko said...

ang beer, nasaan?

Owen said...

ako rin di ko pa natitikman ang kwek-kwek (as per watson).

pero kakain talaga ako sa jollibee pag-uwi ko next week. kalimutan muna ang BMI at kumain ng chicken joy!

nakaka-homesick ang post mo!

xciovolk89 said...

ei... nice site... daan daan... kip it up! wapak! nyway im at http://bokalist.blogspot.com, hope yu cud come.

Tanggero said...

owen! enjoy sa bakasyon mo pre!

bokalista pre, salamat sa pagdaan

Anonymous said...

takaw mo naman. gusto ko number 1 saka 13.

Tanggero said...

mari, takaw talaga ko, kung pa nga yan listahan, hehehe