Lumaki kami na nasanay sa umaga na naririnig ang mga balita sa radyo at mga patutsada ng mga announcer sa mga pulitiko ng Pinas. Naaalala ko pa
na nagagalit ang lola ko dahil pag nagising na ako sa umaga, nililipat ko na agad sa fm ang radyo. Sino ba namang bata ang nahilig sa am radio? Pero ngayon, naging habit ko na ang makinig sa umaga ng balita sa Pinas. Paggising pa lang sa umaga, bukas na ng PC at connect sa Eradioportal. Madalas, DZRH ang pinakikinggan ko at si Joe Taruc lagi ang announcer sa umaga. Pag nagpupuyat naman ako ng trabaho na napapadalas ngayon, magdamag ding nakabukas ang E-radio. Nadiskubre ko ang chat line ng DZRH na kung saan, halos OFW sa iba't ibang bansa ang nakikinig din habang nagcha chat sa portal. Pwede kang bumati sa chat at babatiin ka rin ng announcer sa radyo, cool di ba? Sa madaling araw, sikat na sikat si Manny Bal dahil yun ang oras na maraming nag cha chat na OFW at tungkol sa pag-ibig ang usapan. Pero mas paborito ko ang 30 minutes Agriculture program ni Sonny Escudero at Rey Sibayan ng 4am-4:30 yata. Nakabisado ko na pala ang program nila dahil sa napapadalas kong pagpupuyat o paggising ng madaling araw ngayon. Pero ang napapansin ko lang, mas nagigising ako pag nakikinig ng radyo sa Pinas kesa pag nagpapatugtog ng MP3 o cd's. Naging habit ko na rin yata ang habit ng matatanda noon. O matanda na rin siguro ako. Na-realized ko rin na nakaka-gising naman talaga ng utak ang mga kagaguhang nangyayari sa bansa natin.
On career news - yung interbyu ko last 2 weeks ago went well pero hindi naabot ang
expectation ko. Ang offer sa kin ay contractual na base sa Pinas and after a few months, babalik dito sa Singapore para mag-work naman sa local firm nila dito. Ok sana pero after a over-detailed computation and few rounds of beer, naisip ko na mas ok pa rin sa akin at sa family ko na mag-stay sa current employer ko.
On business news naman, I signed-up a domain para umpisahan na ang Tanggerz Enterprise. Umpisahan ko muna sa field ko, I'm planning to put-up a company that offers technical and manpower support sa mga firms dito. Medyo dumadami na kasi ang contact ko ng nagpapa-tabing guhit at minsan dahil kulang sa oras, tinatangihan ko na. I'm currently working-out some plans para ma-sustain ang demands ng market dito. (naks! bisnis na bisnis) Kasama na rin ang minor marketing business materials tulad ng brochure, website, etc and kung di ko man mai-register dito, sa Pinas ko na lang ipapa-register pag nagbakasyon kami. Saka ko na lang pag-iisipan ang pagtatayo ng cabaret dito sa Gapor, hehehe. HIK
Wentong lasing, wentong walang wenta, wento ng buhay-buhay, wento ng mga walang wentang tao dito sa singapore, nasa oz na!
Saturday, December 03, 2005
Vitamin R & B
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
7 comments:
sign of old age na yata yan...kasi ganyan din ang lolo't lola ko nun, laging nasa AM.
on ur bisnis ventures...wow, as in napa-wow ako, Tanggerz Enterprise...galing ni fafa...pde ba sumali...
teknikal din ako....mahilig mang-teknikal foul...
kala ko na-confined ka na faffi, tunaw na ang liver sa dami ng alcohol na tinungga. hehe
lalo ka ngang tatanda niyan kung parating nakikinig sa mga karumal-dumal na nangyayari sa ating P.I.
pumasok ka na lang kaya sa pulitika, mas madaling yumaman jan.
Tanggerz Enterprise, huh? magiging illegal recruiter ka fafs??? okey na raket yan. pwedeng mag-apply as sexytary? euros dapat suweldo ha! :D
schönes wochenende! tschuess
siguro, this will the best time for you to apply for PR para mas secure ang business mo if ever you pursue it.
at saka, if you plan to maintain your employment, di ka pwede pauwiin ng basta-basta - should they find abt your business.
my 50 cents!
ok ang tip mo sa DZRH. mamya, subukan ko sa bahay. ok din ang tinayo mong company. TE. siguraduhin mo lang huwag lagyan ng A sa gitna. hehehe. parang nakikinita ko na ang logo ng bago mong company. sama mo kami ni atoy sa pagtayo mo ng cabaret diyan sa Gapor.
tagal kong pinagisipan ang "tabing guhit", sideline pala. hirap talagang kausap ang lasing. hik!
Fafi Kadi!!! mukhang 18 yrs pa rin naman, hehehee
sa cabaret business ko kayo iso-sosyo, hehe.
mmy Lei, miss ko lang Pinas :)
mmy Nhengzkie, pwedeng pwede kang sexytary para marami tayong maging kliyente.
Pre Owen! advance hapi b-day :)
thanks sa paalala at tama ka. Actually, mag-aaply na nga kami ng PR kahit may iba pa akong balak na application sa ibang bansa.
Tong business na to, pang extra lang muna, di pa totohanan.
KU! di mo alam yung DZRH sa internet? Heto yung website nila - www.dzrh.tripod.com
Wag mo nang i-english, baka mabasa ng mga amo, hehehe
TANG-ers...
good luck sa bisnis bentyur mo ha...
Post a Comment