Wentong lasing, wentong walang wenta, wento ng buhay-buhay, wento ng mga walang wentang tao dito sa singapore, nasa oz na!

Wednesday, October 12, 2005

Ulan

Overtime ako sa work kagabi, inabot ng alas-onse bago ko napagpasyahang umuwi na. Paglabas ko ng building namin, malamig ang hangin, medyo umaambon at wala na kong nakikita na tao sa paligid.
Tatawag sana ako ng taxi pero dead-bat na rin pala ang handphone ko. Napagpasyahan kong tumambay muna sa labas ng building lobby namin, nagbakasakali na may makasabay papunta sa main road. Buti na lang, gising pa si brownie, yung panggabing gwardya ng building. Nakihingi muna ko ng isang stick ng yosi, pantanggal ng antok at pagod. Maya-maya lang, may nakita na akong naglalakad patungo sa direksyon ng main road. Nagpa-alam na rin ako kay manong guard at nagmamadaling lumabas ng gate. Paglingon ko sa kalye, nawala yung susundan ko. Lakad-takbo na lang ang ginawa ko para maabutan ko sya. Malas talaga dahil medyo lumakas pa ang ambon. Maya-maya lang, nakita ko na yung anino ng sinusundan ko, pero mabilis talaga syang maglakad. Hingal kabayo na ako na may halong kaba. Bigla syang huminto sa may kadiliman at lumingon. Napansin yatang sinusundan ko sya. Dedma na lang ako at tuloy na naglakad pero nandun lang sya at nakatigil. Nang mapatapat ako sa kanya, nagulat ako dahil babae pala at di lang basta babae, maganda at napaka-sexy sa suot nya. Ngumiti lang sya at sabay na kaming naglakad. Walang nagpangahas na nagsalita habang kami'y patungo sa main road, patak lang ng ambon, pagaspas ng dahon sa mga puno at ang hingal-kabayo kong hininga ang maririnig. Nagulat ako ng bigla nya akong hawakan sa kamaysabay ngiti sa akin. Napatitig lang ako at nabighani sa magandang mukha nya. Di ko namalayan tuloy na lumakas na ang ulan at pareho na kaming nabasa. Malapit na kami sa main road pero parang gustong kong itigil ang oras at makasama muna sya. Niyaya ko syang sumilong muna sa may malaking puno dahil malakas na ang ulan, sumunod lang sya. Di ko talaga maiwasang hindi humanga sa kagandahan nya, napatitig ako at nakatingin lang rin sya sa akin. Magkahawak pa rin ang mga kamay namin at di ko na napigilan na ilapit ang labi ko sa mga labi nya. Iniwasan kong pumikit habang magkalapat ang mga labi namin para mapagmasdan ko ang kislap ng kanyang mga mata. Mula sa marahan na paghalik, naging mapangahas ang aming mga bibig. Naging agresibo rin ang aming mga kamay at parehong pinagapang ang mainit na palad sa aming katawan. Naghalo ang lamig ng ulan at init ng aming mga katawan. Matamis ang lasa ng ulan sa kanyang makinis na balat at lalong nakaka-buhay ng dugo ang init ng kanyang hininga. Bigla na lang akong nahimasmasan dahil sa biglang uminit sa pakiramdam ang tubig ng ulan at umalat ang lasa. Nagising na lang ako sa katotohanan na nanlalagkit ang aking mukha at yakap ang unan at kumot na naihian ni Sean.

12 comments:

atoy said...

he, he, he! epekto yan ng nabibitin mong orgasm (sa job). ilabas mo yan , magpakasasa ka (sa ulan) ng hindi ka na na we- wet dreams (tingnan mo nabasa ka tuloy ng ihi o amoy nito, di ba wet dreams yan) nyehehehe. kulang ka siguro tanggy sa................
ligo kaya nangangarap ka ng ulan.

Tanggero said...

heheheh Fafatoy, kulang siguro sa tulog at eng eng. Masyado talagang stressful ang buhay dito sa Sg kaya heto ang effect sa kin, buti nga, di pa naglalagas ang buhok ko.
Anyway, easy lang rin ako sa work life, mabilis makatanda pag seryoso masyado.

racky said...

kala ko pa naman yong multong bakla na... suspense ang dating!
hindi na raw nagbabasa ng abante (intsik version cguro)palusot sa si Sean eh cgurado namang di na siya nagwewewe. Mag-diapers ka uli faffi Tanggy! nyeknyeknyek. ey tawa mo yan, pahiram lang!

Tanggero said...

Mmy Nengzkie, maalat pala ang weewee ano? try mong tikman kung di ka naniniwala, hehehe.

Mmy-Lei said...

hahaha, fafa tanggz, di kaya pinaglaruan ka ni Sean, kasi binuking mo sya sa Blog mo...

pati ba naman sa panaginip...inaabot ka rin ng....cge iligo mo nalang yan....

Owen FV said...

sana managinip din ako ng ganun - minus yung panggising na maalat! hehehe!

Abaniko said...

"umalat ang lasa." yikes! at least ang maliit na ipis alang lasa. hehe.

rachel said...

gulat ako eh... kala ko totoo... hang-kulit naman nito.. hehehe... :D

metal said...

sinasabi ko na nga ba eh...hahaha, umpisa pa lang, nalasahan ko na yung kwento mo. bro, me alam ka bang secret kung papano managinip palagi ng ganyan?

KaDyo said...

Muntik na akong ma carried away hehe. Kulang lang yan sa tagay fafa tanggerz hehe. likot mo naman palang matulog mantakin mo nakarating ka sa may ibaba ni sean.. o baka naman iba ang pinanggalingan mo. Buti na lang at walang arinola sa kwarto nyo, baka kasi mapagkamalan mong nagkakape na kayo nung mysterious lady sa iyong "wet dreams" (di ba umuulan kayo talaga..ano ano iniisip hehe)

fafa paki email nman sa akin ung postal address mo para maipadala ko ung post card ko =)

Ka Uro said...

tanggerz, bitin naman. lam mo minsan i had a similar dream. mas okay nga lang yung akin kasi niya pa ako nung chick sa bahay nila. hay sarap! kelan kaya ako mananaginip ulit ng ganon?

Tanggero said...

Mmy Lei, Owen, Niko, Rachel, Ser Metal, Fafa Kad and FafaUro, thanks for the comments. Sorry for the late reply, medyo busy pa.