Wentong lasing, wentong walang wenta, wento ng buhay-buhay, wento ng mga walang wentang tao dito sa singapore, nasa oz na!

Monday, September 19, 2005

3 in 1

Anticipated ko na magiging busy ako this week and the coming weeks, kaya sorry guys kung di ako masyadong makakapag-update.

----------------------------------------

Talaga nga naman in-demand sa tin ngayon ang migration sa ibang bansa, particularly sa New Zealand and Australia. I had a chance to join a group thru Ka Uro, ang Pinoy2NZ. Inspiring ang makasali sa ganitong grupo, very supportive ang lahat at maraming available support documents na makakatulong sa pag-a-apply ng skilled migrant visa sa NZ. Marami nang na-approve at meron din namang mga na-deny. Pero ang bottomline, marami na sa atin ang gustong umalis at halos lahat, experienced professionals and technicians. Di ko lang alam ang magiging impact nito sa economy ng Pinas, although mababawasan ang mga professionals sa atin, dollar remitance naman ang kapalit nito.

----------------------------------------

May fever si Sean last weekend, panic nga si mrs kasi on Red Alert ngayon ang Singapore sa Dengue. Di naman ganung kataas ang lagnat nya pero binantayan pa rin namin ang temperature. Kako, once na tumaas sa 39 deg. ang temperature, dadalhin na namin sa hospital. Buti na lang, bumaba na rin nung Sunday morning at naglaro na buong araw. Nagtataka lang ako sa Singapore, dubbed as cleanest and greenest in SEA, pero lagi pa ring may epidemic - from SARS, avian flu to dengue. Kaya kahit na anong estado ng bansa, basta nature ang kalaban, walang ligtas. Paranoid pa rin si mrs. pagdating sa mga lamok, kaya pagpasok ni Sean kanina sa skul, balot na balot na parang astronaut.

12 comments:

nixda said...

guten tag pre! mahirap talaga pag may sakit ang mga bata, di ka mapakali. ingat lang dahil sa sobrang linis, di sanay ang katawan sa mikrobyo kaya madaling makasagap ng sakit. tulad dito, mas healthy iyong mga kinder na sa farm nakatira.
mas mabuti nga na sa NZ na lang kayo tumira, marami kang katagay doon na alang mga putok. magtayo na lang kayo ng biergarten ni ka atoy. Prost!

Owen said...

nakakapraning nga talaga ang dengue! better to look like an astronaut than be sorry later!

im glad sean is ok now.

RAY said...

ingat!
isa pang nakaambang panganib ngayon sa kalusugan ng mamamayan ay ang bird flu. nakakatakot ang sapantaha dito ng mga health expert. pinanagambahan nila na maaring ito ang susunod na pandemic viral disease na papatay ng milyon-milyong katao.

Tanggero said...

Neneng! tarangya kasing mga lamok yan, bakit dugo pa ang naging pagkain. Kung beer lang ang pagkain nila, tatagayan ko na lang sila, hehehe.

Owen, thanks bro! kaka praning talaga, lapitin pa naman ng lamok si Sean, mamula mula kasi ang balat, sarap kagatin, heheh.

Tanggero said...

Ka Atoy, naalala ko tuloy kwento mo kay boom, kakalungkot talaga.

May warning na nga dyan sa bird's flu, dami na rin namatay dto sa Asia. Sa dami ng sakit at disasters ngayon, parang nagkakatotoo na ang mga propehcy sa bible ah.

Anonymous said...

*hopping*

I hope he's ok now. I have the tendency to believe I'm superhuman at di ako tatablan ng sakit. Hehe. But things like these make me think again.Thanks!~eLa @sundrenched.blogdrive

RAY said...

pinagpost kita ng pricng ng adventure sa queenstown nasa ibaba noong dalawang article tungkol kay campbell. ikaw pala ay interesado rin sa migration yon namang bago kong posting tama sa yo. ishasahare ko yang mga karanasan ko sa pagkuha ng visa. beterano kasi ako diyan sa butas ng katawan at bulsa. may 3visitor visa, may1 work visa and permit at saka resident visa ako sa loob lang ng dalawang taong mahigit.

Abaniko said...

it's good to hear that sean is safe now. nakakatakot nga ang dengue. lagnat lang pero grabe ang threat sa buhay ng bata. kailangan lang talagang mag-ingat.

Tanggero said...

Elow Ela! baka alien ka? hehe
thanks for the comment.

Ka Atoy, nabasa ko nga. Pasyal ako dyan nxt year :)

Niko! thanks sa concern. Nagrereklamo nga kasi baho daw ng perfume nya (mosquito repellent)

Tanggero said...

mukha ngang nakainom ka Gari, hehehe. Salamat sa pagdaan!

Anonymous said...

Nice site!
[url=http://yatjnjkj.com/zysr/ckzf.html]My homepage[/url] | [url=http://beypoqvg.com/oeom/ptyn.html]Cool site[/url]

Anonymous said...

Well done!
http://yatjnjkj.com/zysr/ckzf.html | http://sfyuapyj.com/vdhv/otoe.html