Wentong lasing, wentong walang wenta, wento ng buhay-buhay, wento ng mga walang wentang tao dito sa singapore, nasa oz na!

Monday, June 27, 2005

Supsop master

Weekend was fine...nag-bowling kami ng sabado ng gabi hanggang
1am. Naka-165 points lang naman ako, (ehem) yabang ko kasi yan ang highest point na nagawa ko, hahah.

Sunday, sinundo ulit kami para mag-grocery sa Tekka Mall, di hamak na mas mura kasi dun at sariwa ang mga seafoods at doon lang medyo kumpleto ang panluto. Bulalo lang sana ang bibilhin ko pero naubusan na kaya alimango na lang at snail - request ni esmi.

Ginataan ko yung suso at nagsup-supan kami ng gabi. Nakisupsop din si baby S pero di naman makahigop, hanggang sabaw lang. Tawa kami ng tawa sa dinner kasi nilalagyan ko ng tono ang pagsupsop ko, hehehe. Alam nyo bang sikat sa french cuicine ang snail - marami silang luto tulad ng 'Risotto aux Escargots' or snail risotto at 'Escargots de Bourgogne' or Snails in shell au Gratin. Ang french name ng ginataang suso ko -
Escargots supsop de musicale.

Aalis this weekend si esmi for company outing kaya maiiwan kami ni baby S. Mag-a-apply ako ng childcare leave sa friday para mahaba din ang weekend ko. May 2 days per year kasing childcare leave na pwedeng i-claim pag may anak kang 7 yrs old and below dito sa Sg. Mag-camping din kami ni baby S pero sa loob lang ng bahay, hehehe.

6 comments:

Ka Uro said...

mr tanggers,
sarap sumupsop. miss na miss ko na talaga ang sumupsop... ng kuhol na ginataan na may maanghang na sili. buti pa jan may kuhol. tagay pa nga.

Tanggero said...

Ka Uro! for 4 years , ngayon lang ulit ako nakatikim ng ginataang kuhol. Dami ng $2, di namin naubos ni esmi.
Miss mo na ang sumupsop? baka iba na ang sinusupsop mo dyan? nyahah

Tanggero said...

Brad Badz! di mo ba kaya ang amoy dun, hehehe. Merong papaitan, gusto ko nga rin sanang bumili kaya lang di ako marunong magluto nun. Thanks for droppin'

ting-aling said...

Kumusta and home alone?

Anonymous said...

sabi nga nila okay daw sa tekka market. di pa kami nakapasok dun pero siguro one of these days, daan kami.

paborito ko naman ang carrefour and cold storage.

Tanggero said...

Hi Tin! minsan lang kami dun pumunta, sakit kasi sa ilong, hehehe. Sa Carrefour din kami halos nag-gro-grocery. :)