Wentong lasing, wentong walang wenta, wento ng buhay-buhay, wento ng mga walang wentang tao dito sa singapore, nasa oz na!

Tuesday, July 05, 2005

Kapeng Barako

Di talaga ako mahilig sa kape pero lapitin ako ng babae at bakla kape. Nung college days, karaniwan lang ang pagpupuyat sa paggawa ng mga drawing plates namin kaya wala akong choice kundi mag-kape para di makatulog. Minsan na di ako nagkape, nakatulog ako sa ibabaw ng plate ko. Ang nangyari, natuluan ng laway, ok lang sana kung patak lang, kaso hinde eh - bumaha ng parang sa Espanya, hehehe. Kaya no choice kundi ulitin.
Nang mag-work na ko, nauso naman ang mga coffee bar sa Pinas. Syempre, makiki-uso
at makikitambay kasama ang barkada, frapuccino's at kung anu-anong frape's ang nakahiligan ko nun. Pero alam kong masama ang kape pag napasobra kaya medyo bawas sa intake - 1 tall size cup lang isang araw, hehehe. Naalala ko tuloy nung minsan nagpasama ang boss ko, gusto raw nyang i-try ang starbucks kasi medyo bagu-bago pa nun. Nagulat sya ng i-serve sa kanya ang kape nya na nasa cup na sing-laki ng pitsel. Kinabukasan, pupungas-pungas ng pumasok, di raw sya nakatulog dahil isang pitsel daw ang caffeine na dumadaloy sa dugo nya, hahaha. Gusto ko na talagang iwasan ang kape pero na-kasal naman ako sa isang Batanguena (ala eh!) at syempre, pag Batangas ang usapan, di mawawala ang kapeng barako. Sa umaga pa lang, magigising ka na sa amoy ng kapeng barako. Sino ba naman ang tatanggi sa fresh na fresh na kapeng barako, nakaka-2 cup pa nga ko sa umaga. Nakaka-addict kasi ang amoy, parang amoy ng babaeng bagong hugas, nyehehe.
Ngayon naman dito sa Singapore, uso sa mga company ang 'tea lady'. Tea lady ang tawag
pero di lang tea ang tinitimpla nila, inpak, mas marami ang portion ng kapeng tinitimpla nila kesa sa tea. Fresly brewed coffee din ang ginagawa nila at nilalagay sa thermos pot, kaya no hustle ang pagkuha ng kape. Ang style ko naman ngayon, instead na creamer and sugar ang ihalo ko, milo ang kahalo ng kape ko, ang tawag ko dito - kopilolo - kapeng hinalo sa milo. Pag ni-try nyo yan, magiging lapitin kayo ng butiki.

6 comments:

Ka Uro said...

sa totoo lang di pa yata ako nakatikim ng kape barako. sabi nga nila masarap daw. ano bang pinakamalapit na lasa sa mga commercial instanct coffees? yung kape with milo masarap nga yon.

naalala ko na-adik din ako sa cappuccino. (tama ba spelling?). di ba may bula-bula yon sa taas at nilalagyan pa ng marshmallows. problema may bigote ako. nung inumin ko dumikit yung isang marshmallow sa bigote ko. kakahiya, nasa meeting pa naman kami. kaya ngayon inahit ko na ang bigote ko.

Tanggero said...

Ka uro! meron nang instant kapeng barako from batangas, ine-export na rin nila yung product na yun. Yaan mo, pasalubungan kita pag namasyal kami dyan.
Baka whip cream yung dumikit sa bigote mo, hehehe. Bigotilyo ka pala, kaya pala lapitin ng chicks!

Tanggero said...

Ka uro! meron nang instant kapeng barako from batangas, ine-export na rin nila yung product na yun. Yaan mo, pasalubungan kita pag namasyal kami dyan.
Baka whip cream yung dumikit sa bigote mo, hehehe. Bigotilyo ka pala, kaya pala lapitin ng chicks!

Nick Ballesteros said...

Tanggers! Gusto ko rin yung kape with milo! Nagkaroon rin ako ng experience sa Starbucks na di maganda. Naglibre isa naming kasama. Eh libre, kaya bili kami ng grande size! Lunch time yun. Dinala na namin sa opis yung kape kasi di maubos-ubos. Ayun padgating ng hapon, pakiramdam ko, nahihilo ako at parang bumilis tibok ng puso ko na ewan. Grabe pala ang caffeine overload!

Tanggero said...

Pre Watz! masarap ngang mag kape sa starbucks pag libre, hehehe.

Anonymous said...

yun nga la-ang, paubos na ang kapeng barako sa batangas :(

ala eh batangenya pala si misis mo! kabayan ko! :-)