Wentong lasing, wentong walang wenta, wento ng buhay-buhay, wento ng mga walang wentang tao dito sa singapore, nasa oz na!

Saturday, August 20, 2005

Kwatro-kantos

Heto na ang napakasarap na 4 na TAGay ni Mang Goyong!

APAT NA PINAKADAKILANG PILIPINO:
1. lola ko - sa pagdadalantao sa nanay ko
2. nanay ko - sa pagdadalantao sa kin
3. asawa ko - sa paglalaba ng brip ko ng 4 na taon na walang hinihinging bayad
4. anak ko - sa pagsapok sa kin ng walang malisya

APAT NA PILIPINONG HINAHANGAAN MO SA ANUMANG LARANGAN
1. Manny Pacquiao - sa kagalingan sa pagsalo ng mga suntok ni Morales
2. Fernando Poe - sa galing ng pag-iwas sa bala
3. Lito Lapid - sa galing mangabayo ng babae
4. Chitae - sa pakikipaglips to lips kay Kris Aquino

APAT NA MAGAGANDANG LUGAL SA PILIPINAS NA NARATING MO.
1. Greenbelt nung mid 80's
2. Quad nung mid 80's
3. Bukid sa probinsya namin
4. Tagaytay highlands

APAT NA LUGAL SA PILIPINAS NA GUSTO MONG MAPUNTAHAN
1. Mt. Apo
2. Babuyan Islands
3. Tawi-tawi
4. Quezon Ave sa gabi (di pa ko nakapunta talaga dun)

APAT NA BAGAY NA PAG-NAKIKITA MO NAALALA MO ANG PILIPINAS.
1. Maitim na usok ng sasakyan
2. nagkalat na dumi ng aso
3. Bagoong
4. bakla (nagkalat kasi ang mga bakla sa tin, hehehe)

APAT NA PUTAHENG PILIPINONG PABORITO MO.
1. Pakbet ilokano
2. pritong tuyo
3. lumpiang sariwa
4. lechon

APAT NA SALITANG PILIPINO NA KAILANGAN MO NG TALASALITAAN PAG IYONG NARINIG
1. dayukdok
2. dinayukdok
3. dadayukdukin
4. magpapadayukdok

APAT NA KANTANG PILIPINONG GUSTO MONG MARINIG.
1. Humanap ka ng panget - pang-asar
2. Bikini mong Itim - pang "mahilig"
3. tenk yu! tenk yu! ambabarat ninyo! - pang-karoling
4. Hindi kita malilimutan - pamatay

APAT NA MATATAMIS NA SALITANG O KATAGANG PILIPINO
1. inuyat - Halika na, inuyat ko!
2. makapuno - Ikaw ang makapuno ng buhay ko!
3. pulot - Sintamis ng pulot ang labi mo!
4. gata - Napakinis ng kutis mo at napakaputi tulad ng gata

APAT NA APELYIDO NA PAG IYONG NARINIG NAKAKATIYAK KANG SILA AY PINOY
1. Arroyo
2. Garcillano
3. Marcos
4. lahat ng apelyido ng pulitikong ugok

APAT NA PANGALANG PINOY NA AYAW MONG IPANGALAN SA IYONG ANAK.
1. Tekla
2. Isponklong
3. Bangaw
4. Gloria

APAT NA LARONG PILIPINO NA NALARO MO NA NG BATA KA PA.
1. Tirador
2. Sumpit
3. Syato
4. bahay-bahayan

APAT NA BAGAY NA AYAW MO SA PILIPINAS.
1. gobyerno
2. polusyon
3. traffic
4. masasamang tao

APAT NA BAGAY NA GUSTO MO SA PILIPINAS
1. demokrasya
2. pagkain
3. mahilig maligo ang Pinoy
4. pagkain ulit

APAT NA BAGAY NA GAGAWIN MO KUNG IKAW ANG PANGULO NG PILIPINAS.
1. Mangurakot
2. Mangurakot pa ng madaming pera
3. Kurakutin pa ang lahat ng makukurakot
4. Ipunin ang lahat ng nakurakot at bayaran ang lahat ng utang ng Pilipinas.

7 comments:

Abaniko said...

May nakalimutan ka, panlimang salita: Nagdadayukdukan.

Tanggero said...

oo nga ano, gifted child ka talaga niko, hehehehe

Mmy-Lei said...

hahaha!!!

akala ko kung anong kwatro-kantos na...iba ang nasa isipan ko!

kulang lang kasi sa bilog at kwatro-kantos. *wink*

goyong said...

Wala akong masabi sir iba ka talaga. Mukhang ikaw lamang ang lumaklak ng kuwatro kantos mag-isa Tamang barik na lampas sa malagihay at pasuray-suray.Siguro si KU inabot yong pelikulang Dayukdok at Hayok panahon kasi yon nina Merle Fernandez at Rosanna Ortiz bata pa ako noon hindi ako tangappin sa sinehan sa Lipa wala pa noong Fiesta Mall at Robinson puro sinehang upuan ay kahoy at puro surot.Kung ako ang australian na naginterview masasabi ko lang "Diyos ko Die!"

Tanggero said...

Hello Mommy Lei! tatagay ka ba? heheh

Mang Goyong! sir, nasubukan ko na rin manood ng sinehan na may surot , di aircon at butas butas ang bubong, hehehe.
Di ko rin alam yang mga pelikulang yan, malamang, si ka uro nga ang naka-abot dyan, hehehe

goyong said...

talaga bang hindi ka nakakapasyal sa Quezon Avenue? Kala ko ikaw yong sa isa nahuling customer na napanood ko sa TV Patrol.

Tanggero said...

Hindi pa talaga Mang Goyong, hanggang Cubao pa lang ako, hahahah