nahuli ko rin sa wakas yung butiking nagkakalat sa desk ko at nakiki-inom sa kape ko, nadatnan ko kaninang umaga, nakalutang sa cup. Tinakpan ko agad ng tissue paper at ni-flush sa banyo. Kaya ang ginintuang aral sa blog na ito, WAG LUMANGOY NG LASING. Kung nagtatanong kayo, Yup! gagamitin ko pa rin 'tong coffee cup ko.
On the other news, lilipat na kami ng flat mamayang gabi. Quite spacious at fully furnished na yung flat kaya ok na ok sa aming tatlo. Malapit lang sa bagong work ng wife ko at bagong school ni bardagol. Invited kayo sa 'house colding', hindi 'warming' kasi di masarap ang beer pag di malamig.
Wentong lasing, wentong walang wenta, wento ng buhay-buhay, wento ng mga walang wentang tao dito sa singapore, nasa oz na!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
7 comments:
Mr.Tanggers, tagal mo mo naman nawala. naalala ko tuloy yung mga coffee cups na nawawala sa opis namin dito sa post mo. i'll write a post about it soon.
good luck sa paglipat-flat. kailangan i-bless kaagad sa unang gabi. hahaha
Salamat ka Uro! Medyo busy lang dito sa ofis saka sa pagpre-prepare ng paglipat. Invited ka sa padugo, hahaha
Lokong butiki yon ah. Buti nga sa kanya. hmmp!
Kamusta na ang life-life Tanggers? Sana maging maayos at trouble-free ang paglipat nyo. :)
Good luck sa paglipat! :)
Kadiri butiki!!! Basta i-sterilize mong mabuti yang cup mo ha?! :)
Take care!
ang lesson diyan, kung hindi marunong lumangoy, gumamit ng salbabida. bwahaha
Bago na naman lay-out mo? o ganoon ako katagal di napasyal dito? Sana, maayos kayong nakalipat ni esmi..at uy, me trabaho na pala si esmi..lagot ka ngayon..ikaw na ang magiging dakilang "tigas"..tigasaing..tigasampay..
Hello mommyba! kadiri ba, hehehe. sumarap nga kape ko mula nung lumangoy sya sa cup ko, baka may naiwang aroma.
M're Cat! samahan mo pa ng goggles, masakit yata sa mata ang kape lalo na bagong kulo, mwhehehe.
Ma'am Ting, long time nga ha. Hope u'r fine too. Thanks for the comment.
Post a Comment