Wentong lasing, wentong walang wenta, wento ng buhay-buhay, wento ng mga walang wentang tao dito sa singapore, nasa oz na!

Friday, September 02, 2005

The Bomb

Kanina, mix fruits lang ang lunch ko at lime juice ang panulak (ok ba sa diet?). 2nd time ko nang lunch 'to this week, mahirap pag nasanay talaga sa rice at ang side effect sa kin, inaantok ako. Di naman ako masyadong nagugutom kasi isang basket na prutas ang kinakain ko, hahaha. Ang isa pang side effect sa kin, after one hour, cguradong magtatawag ng meeting sa kubeta ang sikmura ko. Masarap sanang mag-banyo kung walang istorbo kaya lang minsan, tulad kanina, sabay-sabay na puno ang 3 cubicles sa toilet. Para tuloy may paligsahan ng torotot sa banyo, yawa. Ang hirap pigilin lalo na pag pumutok na ang panubigan, pagpapawisan ka talaga ng malapot. Kaya ang style ko, bawat iri, sasabayan ko ng flush, para di masyadong marinig, naka-5 flush yata ako, hehehehe. Nauna na kong lumabas ng banyo, baka mamatay ako sa taas ng carbon monoxide level sa loob.

Image hosted by Photobucket.com


On the lighter news, nag-umpisa na kahapon ang COMEX 2005. This is one of the biggest annual exhibition of Digital, IT and Consumer Electronics here in Singapore. They're selling the widest and newest range of products with huge discounts. Masarap pumunta dun kasi bukod sa mga bagong gadgets, maraming promo girls na tuwad ng tuwad :) Just in time din, nasa budget ko ang pagbili ng bagong celphone. Kaya kung magagawi kayo dito sa Sg, drop by to Suntec City Exhibition Center, this event will be up until Sunday.

12 comments:

watson said...

Oooh. Sale! Sarap mamili! Lalo na kapag may pera!

Mukhang healthy living ka na ah, Pre Tanggers!

Owen FV said...

uy salamat sa tip, ang tagal ko nang hinihintay ang IT Exhibit ulit. gotta check it out tomorrow.

seryosohan na tong diet na to! ako pass muna ako ngayong september. hehehe! namiss ko masyado ang chicken rice, in a week 3 times ko na sya sa lunch.

Tanggero said...

hehehe Wats, iniiwasan ko rin yang mga ganyang sale pero this time, nataon na may bibilhin ako kaya punta ko dun mamaya.

Owen, punta rin ako dun mamaya, sana makabangga kita, hehehe.

Di naman seryosohan tol, try ko lang baguhin unit-unit eating habit ko, lakas makataba ng pagkain dito, sasarap kasi eh :)

Abaniko said...

Dapat exercise din para pumayat. At wag nang uminom ng beer. Pero di ko yata kaya ang pangalawa. Good luck na lang sa diet mo Tanggers.

Tanggero said...

Yup Niko, I'll be going back to gym next week.
Yang beer and alcohol stuff, occasional lang yan. Mahal ang bisyo dito.

atoy said...

Tanggerz makakapagcomment na sana ako ng matino hiniritan mo pa ng mga sales lady na patuwad-tuwad naalala ko tuloy noong isa kong uwi sa Singapore Airlines panay ang yuko ng stewardess kaya ako naman tuwang-tuwa kasi "nalaki ang kita" kahit ako ay nakaupo lamang sa bawat yuko nila lalo na pag inilalagay sa pinakaibaba ang mga gamit na cup ng tea at mga tira-tira at basura.Gaganda pa naman stewardess nila maliit nga lang puro 35 b hindi kagaya sa ibang airline na maglalangoy ka sa laki.

Tanggero said...

kaya pala gustong-gusto mong sumakay sa Sg Airlines, maganda naman talaga ang service nila.

pObs said...

eheh effective ba maging frUitarian?!

haah natawa naman ako sa banyo incident, anyway pg nasanay ka i guess di mo na kailangan magrUsh sa loo! =)

leah said...

dengit! na-miss ko yung COMEX! pero buti na lang otherwise puro gastos ulet...hehe.

i saw you've got me in your links pero medyo outdated po yung url...until i decide what to do with my upsaid account, i'm at http://leah.marikit.net

and i'll link you na rin...

Tanggero said...

Pobs!!!! fruitarian pala tawag dun ano? kaya pala fururut ng fururut, hehehehe.

Hi Leah! ok lang na mamiss mo yun, magastos lang at siksikan na parang palengke nung nagpunta ko.

Nakakalimutan ko lang i-update ung link mo kaya dumadaan pa ko kay Christine papunta sa blog mo:)
Willup date ur link na.

Yupki said...

hey tanggers, khop khun khaa sa greetings mo sa blog ko.

isang advantage living next door to the office, pag nagwelga ang tiyan, pwedeng umuwi and do your thing in the comfort of your toilet.

napanood mo ba ang notting hill? may isang minoy character doon na fruitarian. naalala ko ang scene. ka-date kasi siya ni hugh grant at sinabi nya na fruitarian nga siya at ang kinakain lang niya ay prutas na nahulog lang sa lupa, take note, never na pinipitas kasi murder yon.

i think i'll watch notting hill tonight :)

have a nice weekend!

Tanggero said...

Naalala ko nga yung fruitarian na ka-date ni Hugh G sa Notting Hill, heheheh. Masarap panoorin yan pag may kasama :)
Meron kayang fruitarian na cannibal?