Bilis talaga ng araw ano? lalo na pag busy, di mo namamalayan ang oras, minsan pakung may deadline, gusto nating pigilan ang oras. Dalawang tabing-guhit ang sinimulan ko last week, revision yung isa nung naunang project at bago yung isa. Nung isang araw ko lang naramdaman ang pagod, 4 hours max lang kasi ang tulog ko bawat araw simula nung sabado bukod pa sa meeting about revisions sa opisina nung cliyente every other day. Sa gabi pa yung meeting, syempre di naman pwede sa araw dahil may regular akong work. Yung ofis pa naman nila, isang oras ang byahe mula sa bahay ko. Nakaka-alis ako ng ofis ko ng 6pm, dadating sa kliyente ng 7pm at discussion ng more or less 3 hours. Kaya pag uwi ko sa bahay, lagpas 10 na. Ngarag na ko nun kaya tulog muna then gising ng 3am para magtrabaho. Natapos ko naman pero kulay kape na yata ang dugo ko sa dami ng nakunsumo kong 3 in 1 coffee. Natatakot nga rin ko, baka magka-prostate cancer ako, 1 week na kasing diet sa ehem, alam nyo na. Di ba, kailangan regular once or twice a week ang change oil para
healthy ang mga alaga ko sa sinapupunan. Di bale, babawi na lang ako ngayong weekend. World War 3 sa bahay kaya walang iistorbo.
May advantages at disanvantages ang pagtatabing-guhit at sobrang trabaho. Isa-isahin natin:
Disadvantage: Lumalaki ang eyebag dahil sa puyat at pagod
Advantage: Feeling ko mas pogi ako sa malat na boses dahil sa puyat
D: Napaparami ang caffeine intake
A: Mas mabilis humaba ang balbas ko kaya mas feeling macho ako.
D: Sira ang schedule ko sa pag wo work-out
A: May pambili ako ng pills na pampa-payat, heheheh
D: Inaantok ako lagi
A: nakak-idlip ako sa bus kaya di ako naiinip sa byahe
D: Humahaba ang shopping lists ng mrs ko
A: Kasama ako sa shopping lists nya
Marami pa pero inaantok na kong magsulat. Bukas nga pala, may inuman sa kabila kaya
madi-disinfect na rin sa wakas ng alcohol ang lalamunan ko. Olrayt! Hik!
PS. Na-receive ko na ang PC galing kay Mmy Nengzki at FafaKadz, scan ko mamaya para mai-post dito, Maraming thanks po! Paki-hintay nyo yung ise-send ko ring PC ha :)
Wentong lasing, wentong walang wenta, wento ng buhay-buhay, wento ng mga walang wentang tao dito sa singapore, nasa oz na!
Friday, November 11, 2005
Huh! Friday na?
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
15 comments:
hindi lang pala kau 'alcoholic',
super workaholic din pala kau. dahil diyan, saludo ako!
magkagayunman, mahalaga pa rin ang kalusugan. :)
wow, daming pang-toma nyan sir!
sige, tabihan mo na si misis! enjoy!
Malaya, i never been alcoholic or addicted to alcohol. Mahina nga akong uminom eh, pero ang inuman ng barkada is one of the simple pleasures specially for us (ofw) dahil nagkakasama-sama kaming mga Pinoy dito. Thanks for the comment.
Owen!...tamang-tama, baka uwi kami ng Chinese new year, may pamasahe.
pag may sideline, may extra pera. oks na oks yan, di ba?
alalay lang! huwag pakasagad. baka mapadali ang pagyaman. nagbabasa ba blog mrs mo? secret huwag mo ideclare lahat mrs mo yong sideline para may 4 the boys tayo. hintay ka namin dito ni ku, o kita kits tayo sa pilipinas pag bumalik ka doon.isasama kita sa highway(tawag sa lipa ayala) kay joey. ok doon, he, he, he.
hallo puppi ... meri krismas ... dagdagan mo naman allowance ko, dami2 mo pl raket. tsaka pc namin ni fuffi Kuddi samahan mo na rin ng Gucci na boots at navigation system para sa chedeng niya para di mawala sa sahara.
nag-ahit ho ba kayo bago bumalik dito? di ko nakilala, kala ko yong bida sa My Bestfriend Joe! hihiHIK
huwahhh, baket wala pa pc ko jan? mali yata mailing address na binigay mo sa akin.... :(
masama masyado busy nakakasira ng s* life ni misis yan, kaw din baka iwasan ka, unless kung dumami ang budget sa pasko....
FafaKadz, sowee, hehehe. Singapore Dollars po ang pera dito, sa Malaysia ang Ringgit, hehehehe. Tara, inuman na, hik.
Niko! ang problema, dumadaan lang sa bulsa ko yung pera, diretso lipad kay kumander.
Fafatoy, uyyy, mukhang masaya dyan sa highway. Di nga rin pa ko nakapasyal dyan sa lipa sa gabi at kunti pa lang ang kilala ko. Kelan ka ba uwi?
Mmy Nhengzkie! hitay mo pc mo ha, may kasamang generator.
Mmy Lei, buo-buo na nga na parang nata de coco, hehhehe.
4 na oras lang na tulog? Sobra naman atang sipag mo. :)
wOw workaholic ka pala..mahirap yan! pero sabe mo nga, advantage eh dagdag sa budget..=)
ako din nagppkapagod ngayon kse xmas na kelangan ng bonus hehehe
BAKA PANGABOT PA TAYO KUNG UUWI KA NG FEBRUARY.Tama papavalentine show tayo. may kubo ka ba sa lumbang? pag hindi kahit sa bodega ng pinsan ko sa bukid namin sa lodlod. dALA KA NG CD LONG PLAYING NA NONSTOP KASI PER SONG PARA DI TAYO LUGI.
Beer? Nakarinig ba ako ng tagay? Tagay na! Have a happy weekend Pre Tanggers!
Hello Ma'am Jet :) mga 5 days lang yan, bumawi na ako ng 12 hours sleep per day simula pa nung weekennd, hehehe.
Hello Pobs, lucky you, may x-mas bonus ka, ako 4 years nang di nakakatikim ng bonus tuwing pasko. Kaya bawi sa tabing-guhit :)
Fafatoy, sana nga magpang-abot tayo, mukhang masaya dyan sa highway at sa lulod :)
hehehehe, napangising-demonyo ako sa idea mo, mukhang may sasayaw na anghel.
Happy weekend PRE WATS!
Post a Comment