Wentong lasing, wentong walang wenta, wento ng buhay-buhay, wento ng mga walang wentang tao dito sa singapore, nasa oz na!

Wednesday, July 27, 2005

Guni-guni - kwentong kababalaghan

May isang igorot na nakasakay ng bus pabalik sa Baguio. Nang nasa baba na sila ng Kenon Road, naramdaman nyang naiihi sya.

Igorot: Manong driver, pakihinto muna ho sa tabi at ako'y naiihi na.
Driver: Wala yan, guni-guni mo lang yan.

Walang nagawa ang Igorot kundi ang pigilin ang ihi nya. Nang nasa gitna na sila ng
Kenon Road, nakaramdam naman sya ng pagsakit ng tyan. Kailangan nya nang ilabas ang
dapat ilabas at hindi nya kayang pigilan kaya lumapit ulit sya sa driver.

Igorot: Mamang driver, masakit na masakit ho ang tyan ko at kailangan kong ilabas ito.
Pakihinto ho muna sa tabi, parang awa nyo na!
Driver: (Di pa rin pinansin ang igorot) Wala yan, guni-guni mo lang yan.

Kaya bumalik ang igorot sa likod ng bus pero di nya na talaga kayang pigilan kaya
pinasabog nya na ang dapat pasabugin. Umalingasaw ang amoy sa loob ng bus.

Driver: Put#@*! Anu yun, ambaho!
Igorot: (nakangiti) Wala ho yun, guni-guni nyo lang yun.

Bweheheheh!

8 comments:

cathcath said...

sira ka talaga p're.

Abaniko said...

gandang joke yan sa inuman tsong ah sabay nguya ng pulutan. hehe.

Tanggero said...

M're, gawa po ako, nyehehe

Tanggero said...

Onga abaniko! pero bat ka puro pulutan, tagay ka muna, hehehe

ting-aling said...

Mwehehehe..lagot ka, hinahanting ka na ng mga Igorot.

Tanggero said...

Ate Ting!!!!!!! it's nice to see you again, hehehe.
Wag ka mag-alala, may alam akong kunting ilokano pag kinausap ako- Dak kil ti ubit mu! heheheh

ting-aling said...

Sira

Tanggero said...

ahaha Ma'am ting, di ko alam ibig sabihin nun