Back to regular programming...after a few days on the hot seat, everything is back to normal. Heto lang naman ang masarap sa trabaho ko, kahit paminsan-minsan na tambak ang gagawin, after that, petiks na naman. Bukod sa unlimited ang kape at internet, wala ring sumisita kahit 10 beses pa akong magpabalik-balik sa banyo sa loob ng isang oras. Kaya nga ko tumagal ng 4 na taon dito sa kumpanyang ito kasi masarap tumambay at umidlip sa banyo, heheheh.
May "tabing-guhit" (translate nyo sa english) na naman ako. Maliit lang naman, cguro matatapos ko ng 2-3 overnights. Puyatan na naman pero oks lang kasi malapit na rin naman ang weekend. Tamang-tama, pandagdag sa pambibili ko ng laptop. Medyo mabigat kasi sa pc ko yung bagong version ng softwares na gamit namin. I need at least P4 2.++ghz processor, 1GB memory at ok na video card para no hustle ang takbo ng mga programs. Kung abot sa budget, centrino na ang kukunin ko.
Speaking of "tabing-guhit", heto ang madalas kong pagkunan ng extra salapi. Although
di naman regular ang mga "nagpapatabi", may mga contacts na ko dito. Ganyan lang naman kahit saang trabaho, dapat may mga connections tayo para di tayo nawawala sa circulation ng business. Madali lang namang mag-penetrate (Fafa Atoy, ibang penetration naman ang nasa isip mo, hehehe) sa mga firms dito at kahit saan bansa cguro, puro referrals lang. Patunayan mo lang na magagawa mo yung standard na gusto nila, after that, sila na ang tatawag sa iyo at ire-refer ka pa nila sa ibang firms. Isa nga sa natutunan kong business ethics nila dito - you should know how to appreciate their generosity. Kaya everytime na ma-receive ko ang bayad nila, i give something in return, madalas pizza, hahaa. Kaya yun, natutuwa yung mga boss at nagiging kaibigan ko pati yung ibang staffs nila. Baka nga kung lilipat ako ng ibang kumpanya, isa sa mga contacts ko ang mapasukan ko. Pero wala pa kong balak umalis dito, baka kasi pag lumipat ako, di na ko "makapag-tabi", sayang din ang extra
salapi. Dami na rin akong naging pakinabang sa mga naging "tabi" ko - nakabili ako ng pc, nakapagpa-opera ako ng sinus, ilang beses akong nakabili ng ticket pauwi sa Pinas at nakabili ng kung anu-ano pa na di nagagalaw ang savings namin. Yung ibang pinagka-gastusan ko, di ko na sasabihin, baka mabatukan lang ako.
Kaya di ako naniniwala na tyaga at sipag lang ang kailangan para maging successful, dapat marunong din tayong makisama. Kaya Fafa Atoy, libre mo na kami nila Fafa Kadyo, Fafa Dops at Fafa Uro at pagbakasyunin mo kami sa hacienda mo dyan sa Otago, hehehe.
Wentong lasing, wentong walang wenta, wento ng buhay-buhay, wento ng mga walang wentang tao dito sa singapore, nasa oz na!
Thursday, September 29, 2005
Extra Salapi
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
16 comments:
honga naman, sipag, tyaga at abilidad ang kailangan para maging succesful di ba tanggy? baka naman gusto mo kaming padalhan ng pizza dito after ng tabing-guhit. ika nga eh, share your blessings.. ahihihi... sa amin kaya walang magpapa tabing guhit? guhit lang pala kaya ko yan.... hehehe
sarap naman ng trabaho mo tanggers. sana umunlad ka pang lalo at magpaulan ka ng grasya sa lahat ng mga kaibigan.
alam mo ba ang gumuit ng bahay dito ng hipag ko ay architect na pinoy na base din diyan dati sa singapore. ala na yata siya diyan ngayon. at may nabasa akong complement ni Lee Kuan Yew sa talento nating mga pinoy special mention pa nga ang architect at sabi niya mas imaginative daw at artistic ang mga pinoy arch.
fafa Tanggy (ay, bumigay ka na rin?) sa iyo na lang yang extra, sa amin na ang salapi, hehehe! Susunduin ko si fafa kadyo, dadaan kami dyan para bisitahin ang mga leon mo then tutuloy tayo sa isla ni fafa atoy bago mag-holiday sa Pinas. What a trip!
Isang tanong lang, diretso ba naman ang mga guhit kung parati ka dito sa bar mo?
Nasaan na ang pizza?Pronto...
Buon giorno. Arrivederci!
wow mukhang lucrative ang mga tabing guhit mo ha!
aba, dapat kong matutunan ang mag-tabing guhit din! parang ang saya!
sipag at diskate bro...tama ka, para sa future habang bata, kayod lang.
bro...pautang, hehehe. gud luck sa yo dyan... nawa'y lahat ng guhit ay mapasa-atin.
fafa tanggz, sa buhay ngayon, kelangan na talaga ang abilidad bukod sa sipag at tyaga para umasenso.
Konting ingat lamang sa iyong tabing guhit. nawa'y wala sanang mainggit at ipagkanulo ka.
ang tawag dito sa amin nyan ser ay gilid. masarap pag merong gilid lalo na kapag nagbabayad ang mga nagpapagilid.
ang mga nagrerefer naman ay may gantimpala rin, kung minsan pera...minsan babae or kadalasan pagkain.
malaking tulong sa atin ang ganitong trabaho...nabibili natin ang gusto o di kaya nababayaran natin ang mga utang.
matanong ko ser, ano ba ang uri ng iyong ginigilid at baka pwede tayong magkasosyo..hehehe.
Olive! cge pizza party tayo! :)
Aba Niko! minsan-minsan lang yang tabing guhit. Kaya minsan minsan lang din ang pizza, hehee
Fafa Atoy, almost all of the big shot archt'l firms dito, may pinoy.
Pero these days, competitive na rin ang mga local at ibang nationalities, mostly Autralian grads kaya maganda ang educ. background.
Ang alam ko, pinoy ang nag-design ng bahay ng anak ni Lee Kuan Yew.
Fafa Kadyo, malamang pasukin ko rin yan pagbebenta ng tocino pag may nakita akong supplier dito. Mahal kasi ang mga Pinoy products dito lalo na ang purefoods at swift hotdogs. Gusto mo sosyo tayo? hehe
Mama Neneng, bakasyon kayo dito sa Gapor, magdala ka lang ng isang bariles ng beer ha, hehee.
Diretso guhit ko kahit lasheng.
Yupki! actually bawal 'to, hehehe.
Pre Owen! masaya talaga kasi di pa ko nakakasingil, iniisip ko na kung ano bibilhin ko, hehehe
Ser Goryo! uso dito yan, per project basis kasi, nakakatipid ang company.
Gusto ko rin sanang mag macho dancer kaya lang baka ma-changi prison ako at may kasamang hagupit sa pwet. Saka di ako macho, machunurin lang.
Ser Metal, hehehe. pag may tyaga, may sinigang na baka, sarap!
Mmy Lei!!! mabuhay si mmy Lei, hehehe. Sikretong malupit ang pagtatabi dito at wala naman akong naamoy na hudas sa paligid ko.
Musta ka?
Ser Jeff! oo nga nabasa ko nga sa post mo. Uso rin yan dyan kasi may mga barkada 'kong nandyan na busy din sa paggi-gilid.
Tama ka, pasa-pasa lang ang mga gilid, syempre, hati-hati din.
Marunong kang mag-AutoCad? Mostly, Archt'l/Interior drawings ang tabi dito, meron ding 3d rendering.
Wow! dami pla "see" sa tabing guhit, hehehe...
sa akindito di pwede mag gilid kase wala din magigilidan, istrikto pa, hehehe..well pwera na lng kung magtututor me ng english, eh di rin me sanay sa ganon, bka mapahiya lng, heheheh...
oo nga, fafa Atoy! sana makabisita kami jan, sagot ni fafa tangz heheh kase dami sya "see"...
Post a Comment