Wentong lasing, wentong walang wenta, wento ng buhay-buhay, wento ng mga walang wentang tao dito sa singapore, nasa oz na!

Thursday, September 22, 2005

Himig, Awit at Kanta

Kagabi, music ang napag-usapan namin ni mrs habang nakahiga sa kama, sa left side sya, sa gitna si Sean at ako sa right side - yan, para ma-imagine nyo ang setting namin sa kama. Mahirap kayang mag-usap ng magkapatong. Ok, balik sa music. Hiniram nya kasi ang player ko para dalhin sa office nila kaya napunta sa mga kanta ang usapan. Iniisip namin kung ano ang theme song namin pero wala kaming maisip kung anong kanta ang inaawit nya sa kin nung nililigawan nya pa ako, hehehe. Puro pinoy alternatives kasi ang collections ko nun panahon na yun gaya ng Parokya, E-heads at iba pa. Kaya wala kaming theme song.

Heniwey, naisip nyo ba kung gaano kahalaga ang music sa buhay natin. Sabi nga nila, maswerte ka pag nag-hit ang kahit isa mong kanta dahil habambuhay nang nasa alaala ng tao ang mga lyrics ng kantang yun. Naisip nyo na ba na sa bawat kantang
mapakinggan natin, may bumabalik na nakaraan, alaala ng isang pangyayari o ng isang tao. Ang galing ano, parang time machine? Heto bigyan ko kayo ng mga sampol ng mga kantang naging bahagi ng buhay ko.

Butchikik at ibang kanta ni Yoyoy - ewan ko kung saan galing ang tape namin nito nung kabataan ko pero tuwang tuwa kaming magkakapatid pag pinakikinggan ito. Hanggang ngayon may koleksyon ako ng mp3 ni yoyoy.

It might be you - first dance with my childhood sweetheart sa JS prom. Naalala ko pa rin kung pano sya napa-aray nung natapakan ko sya kaya natatawa na lang ako pag napapakinggan ko ang kanta na to. May pinadala nga palang picture ang isa kong classmate nung JS prom, Hulaan nyo kung nasan ako dyan, hehehehe.

Image hosted by Photobucket.com

Ok ba? Parang mga pambu ang mga suot ano? (pamburol, hahaha)

How Gee, ewan ko lang kung alam nyo tong dance music na ito. Pagkatapos kasi ng flag ceremony nung 3rd year high school, nasa stage yung principal namin at nagbilang ng 1..2..3. Napasunod ako ng sabi ng HOW GEE at napalakas yata kaya tawanan ang lahat. Napatawag tuloy ako sa office.

Ama Namin (kanta sa simbahan). Math ang subject namin bago mag-lunch nung 4th year HS. Dahil nga sa catholic school ako, bago mag-uwian, magdadasal muna. Umiikot ang dasal by alphabetical order. Sa loob ng isang taon, 5 beses yata magdadasal ang isang student. Kaya nung last na toka ko na, imbes na dasal, kumanta ako ng Ama Namin. Ayun lahat tawanan pati yung teacher, pero sumond pa rin sila sa kanta, hehehe. Binigyan ako ng credit nung teacher.

ForeverMore by SideA...isang masayang simula na natapos sa malungkot.

Marami pang ibang kanta na pag napakinggan ko, bigla na lang bumabalik sa nakaraan.
Kayo ba, anong mga kanta ang naging bahagi ng buhay nyo? Si Don Atoy, alam ko - Bikini mong Itim, nyekekekek.

14 comments:

olive said...

ganda naman ng get-up mo, di ko na experience mag JS syang wala tuloy akong picture na ganyan. dami ko theme songs kay hubby kaya lang di namn nya alm karamihan... anyway basta theme song ko yon para sa kanya.... okay na ba si sean?

Nick Ballesteros said...

Nakakatuwa naman yang JS photo mo. 80s yan ano? Ako maraming kanta na nakahiligan noong kabataan ko kasi 80s ako nag high school.

Tanggero said...

ok ba sa japorms olive? parang nasa play ng romeo and juliet ano? tawa nga kami ng tawa kasi naka-publish yan sa yahoo groups namin.
ang swet nyo naman, dami nyong theme song.

Tanggero said...

Pre Wats, early 90's lang yan. Pero yung mga suot, pang 16th century, nyahahaha

tet said...

haha! san ka ba dyan?! ikaw cguro ung may bigote sa kanan.

tama ka mahalaga ang music sa bawat tao mapa-sawi man o tagumpay.

nixda said...

tingin ko nga rin sa kanan. jologs!!!
ey, geil... saang baol mo hinalungkat 'yan? buti may kulay pa.
naalala ko rin ang parokya ni Edgar, lintek na egay yan... may utang pa sa akin. nasaan na rin kayo yon?

RAY said...

tanggerz out of topic muna ako. para ang labo ng sinasabi nilang wtr. ang pagkakaalam ko kasi pag sinabing wtr dapat para mabigyan ka nito may "offer of employment" ka mula dito. walang sumasagot na tanong ko doon sa grupo. baka naman yong sinasabi nila visitor visa rin at dito sila hahanap ng employment they are taking a lot of risk. sana naman hindi sapagkat pag minamalas sayang lang pera nila.kung sakaling skill nila ay engineer hindi sila makakuha ng trabaho na ganon sila ay nasa casino nilalabag na nila ang provision na nakasaad sa requirements di kahit may trabaho sila hindi pa rin sila qualified yon ang pagkakaintindi ko.may comment ka na pala doon siguro kahapon pero ngayon mas dinagdagan ko laging ang kita ko "offer of employment" ang mahalaga. basahin mo nga at baka ikaw ang makakapagpaliwanag sa akin at ng maklaro.

Tanggero said...

Ei Pen! nakakatawa ang pix ano? Pero mali hula mo, hahahaha.

Neneng! mali! hahahah classic yang pix na yan.
Di nawala ang Parokya at may bago silang album. BF mo ba si chito? heheh

nixda said...

3rd from rechts. Pagtama, treat mo ko sa Oktoberfest, pagpumaltos, bibigyan kita ng isang bariles na bier... pero 'kaw ang kukuha rito. Sama mo si fafa atoy at fafa Dyo! Name what brand u want. Pero may isa pa akong chance, ha! This time, ('tol challenging na to... kslnan mo) ano yong bagong album? meron byan sa SGapo? hope di intsik na version . type kong premyo yan. 'lang papalag!!!

Tanggero said...

wow isang bariles! mukhang pinagmasdan mo yung picture ko sa previous post ko ah, hehehehe.
Sarap dyan sa inyo, beer ang tubig.
Parokya fan ka pala hehehe
Mali nga pala hula mo

nixda said...

waaahhh!!! ang labo naman kc. Sana pinalaki mo. Ene, mini, meine, mo... saan ky siya dito??? 3rd from links? (oy, ginamitan ko na yan ng magnifying glass, he, he).
daya mo, nalalasing muna kasi ang bisita mo dito . Naduduling tuloy ako. Buti sana kong may sounds din itong bar mo para kumpleto ang happenings...
Bonus na sagot kundi, bye-bye-Buwi na ang beuti ko - iyong nakapula!!!

YupkiGirl said...

wow tanggerz, parang na time warp ako sa post na ito. but true, may mga kanta that takes you back in time -- naks. minsan din, perfume or cologne.

Owen said...

tanggers, let's take things at a time.

una, pakopya naman ako ng mg mp3 mong mga OPM (kasama na si yoyoy dun) hehe!

pangalawa, hula ko ikaw yung 3rd from the left.

all time favorite song ko yung "the way you look tonight" i have more 25 versions of the song with me.

Jhun Billote said...

haha...parang hitback ang post mo bro...pabalik. alam mo hanggang ngayun, nasa posession ko pa ang isa sa pinakalumang tape (di pa uso cd noon) ng tito, vic at joey tough hits. pag medyo me araw na gusto mong mabuang...saksak mo lang at panay kalokohan na ang iyong maririnig. pero isa sa possession ko, pinakaluma, at pinakaunang tape na nabili yung Sabotage ng Sabbath...13 anyos pa lang ako nun. dito mo mahahalata na gurang na ako, pero bata pa naman sa puso.