Wentong lasing, wentong walang wenta, wento ng buhay-buhay, wento ng mga walang wentang tao dito sa singapore, nasa oz na!

Tuesday, May 31, 2005

triplets

whew! natapos din. For 2 consecutive weekends including a holiday last week, i was grinding my ass to work to finish 3 projects. Now I could feel the gravity of being promoted to my position. Ok lang sa akin kung planado ang pag-tra-trabaho ng linggo pero asar na asar ako pag tatawag ng sabado ng hapon at makiki-usap na pumasok ng linggo, sarap i-untog ng 3 beses sa inidoro ng ungas. Wala naman akong magagawa, binabayaran ako para trabahuin ang dapat trabahuin. Hirap namang i-tagalog, pero kailangan baka kasi mabasa, hehehe.

On the other news, miss ko nang kumain ng 3 na ito: balut, bb-q na isaw at chicharong baboy. Naglilihi yata ako, at feeling ko, triplets 'tong nasa shenapupunan ko ah, triplets na bulate, hik!

4 comments:

cathy said...

p're lahat naman yan pulutan eh.
anog gusto mong balut, yong bang may basag o balut sa penoy?

o kya naman balut sa puti o kaya walang balot...ehek.

Tanggero said...

pulutan pa, hik!
M're, gusto ko sa balut, yung masabaw, nyehehe.

Ka Uro said...

lanya taggers, puro pampa-high blood yang hinahanap mo a. mahal din ba ang balot sa sg? dito kasi NZ$2. imagine almost 80 pesos isa! kaya nga kapag bumili kami kung pwede lang pati balat kainin. sayang e. ako rin gusto ko sa balot yung masabaw, na ma-alat-alat. hehehe. o tagay pa!

Tanggero said...

di lang mahal, bugok pa ang balut dito. Mabantot, nyehehehe. Ok na sana yung masabaw, sinamahan mo pa ng maalat, iba tuloy naisip ko