Wentong lasing, wentong walang wenta, wento ng buhay-buhay, wento ng mga walang wentang tao dito sa singapore, nasa oz na!

Tuesday, October 18, 2005

Question and Answer Portion

For FafaKadz and Mmy Nengzkie's Tag, heto na po ang utang ko sa inyo.

a. Masama bang tumitig?

Oo, kung duling ka dahil mapagkakamalan kang bakla. Bakit kamo? bigyan ko kayo ng sampol. Nakita mo ang crush mong babae na palabas ng classroom, Inabangan mo at lakas loob na kinindatan. Pero ang akala nun babae, yung kasunod nyang lalake ang
kinindatan mo dahil duling ka nga at lihis ang tingin mo. Kaya tuloy akala nung
crush mo, bakla ka, hehehe.

Masama ring tumitig kung may kasamang padila sa labi ang titig mo. Manyak ang dating
mo pards.

At lalong masamang tumitig kung tumutulo ang laway mo. Di lang manyak ang dating mo, mukha ka pang asong ulol, hehehe.

b. Mayroon ba akong paboritong kanta?

Meron. Ano yun? di ko na sasagutin, di naman tinanong eh, hehehe hik!

5 comments:

nixda said...

hallo....hallo...

nasobrahan yata ang pagligo sa ulan!

PITO po ang dapat mong kantahin, kahit na tunog lasheng pagtitiyagaan (no choice eh) namin!

Magagalit niyan c faffi Kaddi.
ewan lang kong madadaan ninyo 'yan sa maBOTEng usapan!

RAY said...

ako ng lang aling neneng (naalala ko tuloy yong ihawan at turoturo doon sa may kanto ng vito cruz sarap ng mga barbecue doon ni aling neneng) alam ko ibang kantang gusto ni tanggerz.
1.siyempre walang kamatayang paborito sa beer house (bikining itim
2. sa langit walang beer
3. Hapi hapi birthday sa inyo ang inumin, sa yo ang pulutan.....
4. Beeri mo ko beeri mo noon ha, turistang beeriko mo ko sa avenida, ubos ang pera at barya ..
5. Beh Bote nga, beer bote nga, beer isang bote nga
6.GINa na kitang iiwang muli, GIN ko na kayang mag-isa
7. Hagibis: ang inumin ng tunay na lalaki, ay----------(bawal plugging), ang inumin ng tunay na lalaki ay-----------

Tanggero said...

Mmy Nengzkie, anong halo-halo?
7 ba yun, hahaha, sowee. Pero yan naman, nasagot na ni Fafatoy.

Fafatoy, tumbok na tumbok ah. Tambay ka ba kamo sa Vito Cruz? malapit sa karerahan yan di ba? Malakas kasing magsugal sa karera ang tiyo ko, lagi akong sinasama ng tatay ko dun nun bata ako, may cubicle pang nakalaan sa kanila at telescope. Naalala ko nun nanalo yun kabayong pinili ko, may 100 pesos akong balato, laki na nun.

nixda said...

si fafatoy pagagawaan later ng monumento sa vito ... nakapako sa cruz! hehehe (mababatukan na ako nito)

faffi Tanggy, diyan cguro nag-umpisa ang hilig mo sa kabayo.
ba't di ka naging jockey???

100 pisos? tagal na pala noon! ano naman ang nabili mo, 1 case na beer?
naabutan ko ang isang daan 2 Jollymeal.

Tanggero said...

hahahahah Mmy Nengzkie, nakapako ng baligtad.
Wala akong hilig sa kabayo, ako lang ang nangangabayo, nyeknyeknyek