Wentong lasing, wentong walang wenta, wento ng buhay-buhay, wento ng mga walang wentang tao dito sa singapore, nasa oz na!

Wednesday, August 31, 2005

Barkada, alak at sikreto

Tanong sa kin ng wife ko - Ano bang masarap sa alak, ambaho-baho ng amoy, gustong-gusto nyo? Paggising nyo pa, sakit sa ulo ng hang-over. Ang masarap sa alak, hindi yung alak, yung kwentuhan habang tumatagay, yung laugh trip, music trip at kung may ka-table, mas lalong ok, heheh.

Ang karaniwang dialogue ng magbabarkada - "Pare, inom tayo, may problema ko eh."
Aktwali, di naman gamot yung alak sa problema, yung pag-uusap habang nainom ang habol ng may problema. Mas madali kasi sa lalake ang maglabas ng problema kung nakainom. Heto ang sampol ng usapang mag-barkada habang nainom:

Barkada 1: Pare, bigat ng problema ko(tungga at malungkot ang mukha)
Barkada 2: Bakit Pare, tungkol ba sa syota mo, sa pamilya ba o sa trabaho???
B 1: Pare (sabay akbay kay B2) di ko na kaya to, mabigat sa dibdib talaga. Papakamatay an lang ako.
B 2: Ok lang yan Pare (tatapikin sa braso) Cge, ilabas mo problema mo.
B 1: Pare, matagal na tong problema ko, di ko na kayang dibdibin (tungga ulit)
B 2: Cge Pare, kaya mo yan, tutulungan kita sa problema mo.
B 1: Iba ka talaga sa lahat Pare. Kaya di ko maiwasan na mainlab ako sa iyo Pare
(sabay yakap kay B2)
B 2: (nagulat) Ay puta, ibang usapan na yan. (galit) Ibig sabihin, sa dami ng taon
na magkasama tayong natutulog sa kwarto mo, may pagnanasa ka sa kin???
B 1: Pare, tatangapin ko kung babawiin mo na ang pagka-kumpare natin. Wala kong
magagawa, I love u Pare, Pa-kiss??
B 2: (biglang tayo na nakapamewang) Gaga, kadiri ka tita, di tayo talo, darna din ako.

Yan ang problema sa inuman minsan lalo na pag lasing, nagkaka-alamanan ng sekreto, hehehehe.

14 comments:

Mmy-Lei said...

maloloka ako!!! kakatuwa post mo.

sabihin mo ke esmi ang masarap sa alak eh ung me masarap na kwentuhan, tawanan, kantahan at pulutan....

Tanggero said...

Mmy Lei, baka mautot ka dyan, wag mo pigilan.
Mas masarap inuman pag may ka table, nyekekekeke.
Kailangan kasi ni Ka Atoy ng maba-body shot sa tekila nya.

atoy said...

Talagang si Mmy Lei pag sa inuman hindi mauunahan. Nandito ka na naman sa bar ni Tanggerz. May iba pa akong suggestion na pangalan nitong ating inuman.Sa Pusod ng Susong Dalaga. O palapit na ng palapit yan sa Kagubatan ng Paraiso at Lungga ng Ligaya nasa Pusod na kasi. he he he. Diyan ka na lang sa Pagitan ng S.D. magbody shot ako naman sa Pusod para malapit lapit mas maganda yata olive ang ilagay nagulong baka gumulong palapit ng Kagubatan wag lang sa lungga at baka hindi ako makahinga kasi claustrophobic ako. Mas gusto ko pa manisid ng talaba lalot walang red tide. He he he malapit ka na ring maflag.Naumpisahan ko na ating website just in case maflag tayo and I am inviting mmy lei and u tanggerz to cut the ribbon. 4adultsonly.blogspot.com in honor of the suggestion of mmy lei. pindutin mo rin ang links para naman baka may makikita kang sa halip na pahaba ay pahilis ang hiwa. hek hek hek.

atoy said...

isa pa hoy Tanggerz lalo na ngang papatol yang si kumpare kay kumpare dahil hindi ba kadalasan ang napatol sa bakla bakla rin. Kung tunay ka bang lalaki magagawa mo ba ang makipagespadahan sa mga iyan at magpabutas ng iyong pangupo. Never akong makipagespadahan fencing baka pa, yek,yek,yek.

Anonymous said...

Your blog is great. I'm sure you'd be interested in online advertising. It isn't anything special but have a look at online advertising.

DOPS said...

hahahha.....natawa ko dun ah....aba...si my lei ha, heheheh...oi sama ako jan sa sinsabi nyong grupo! hehehe...bat sila lng nainvite, ang lagay ba kung di ako napadpad dito eh di ako maiimbita? aba, iimbitahin ko sarili ko, kala nyo, heheheh...

sige, iinon na din alng ako, hahahha

Tanggero said...

kA Atoy - gusto mo bang makisosyo sa itatayo kong bar, patner tayo :)
Mas madami ka kasing idea sa kin, hehehe

Ayoko nyang fencing o espadahan, matatalo ko, baka di tumirik ang akin, hehehe.

Tanggero said...

Dops, tumatagay ka rin ba? hehehe
mga lashenggero yata naimbita ni Ka Atoy.
Salamat sa comment

Owen FV said...

classic to tol!

o sige, tagay pa! paabot naman ng pulutan jan o!

Tanggero said...

Owen, classic na ba? heheheh

TECHGUY (hinde guapo pero medyo bastos) said...

bilisan ang tagay di baleng tumagal ang nguso sa suso wag lang sa baso....hik

Tanggero said...

Idol Tech, ayos yung tula mo, rhyme sa nguso, baso at suso.
Salamat sa comment, tagay

BernicE said...

hahaha galing! darna!!!

Tanggero said...

Hey Ja, welcome back sa blog ko!
kahawig mo rin si Darna sa photo mo, si angel ha, hindi yung magkumpare, hehe