Tagal na naming pinag-uusapan ang pag-apply ng permanent residency dito sa Sg at ako lang ang may ayaw. Although alam kong maraming advantages
ang pagiging Pr tulad ng mga subsidy sa pag-aaral, CPF savings at iba pang
government services, wala 'kong balak magtagal dito at manirahan.
Unang-una, napaka-stressful ng buhay dito, mataas ang standard of living kaya mahal din ang basic necessities. Kaya nga mababa ang birth rate dito dahil mahal magpalaki ng anak sa ganitong environment. Dati, 6 ang plano kong maging anak pero ngayon tama na muna ang isa. Iniisip ko palang ang gastos, umuurong na ang semilya ko, hehehe.
Kung napasyal rin kayo dito, mapapansin nyo na mostly ang mga service crew sa mga food court at fast food joints ay mga matatanda. Some of them are retired professionals. Kahit na gusto pa nilang mag-work, they are forced to retirement. Sino nga namang aggressive firm dito ang may gusto ng uugod-ugod na worker. Lalo na kung marami pa ring babayaran na loans, wala silang choice kundi ang mag-work sila kung saan sila tatanggapin.
2nd, napakalimited ng relaxation time and place dito. Bukod sa kukunti ang legal holiday, napakaliit ng Sg at once na napasyalan mo na lahat ng lugar dito, nakakasawa rin. So ang option ay mag-abroad, eh di gastos rin.
3rd, although walang baha, bagyo o lindol, tropical and humid ang tempreature dito. I still crave for cool fresh air to breath every morning. Kung mag-re-retire nga ko sa Pinas, gusto ko sa Baguio o kahit man lang sa tagaytay. Magastos sa aircon pag nasa mainit kang lugar.
4th, sino ba naman ang ayaw sa may sariling bahay at sasakyan. Pwede 'kong bumili ng
bahay dito pero korteng kahon lang makakayanan ko in installment for 25 years. Yung korteng kahon na yun, ka-presyo na ng rest house sa tagaytay. At sa kotse naman, 10 years ko lang magagamit. Ang COE or certificate of entitlement ng mga sasakyan dito ay 10 yrs max lang for each car at kung gusto mong i-renew, napakalaki ng babayaran, so walang choice kundi kumuha ng bagong sasakyan para bago rin ang COE mo. Sa pagkaka-alam ko kasi, hindi transferrable ang coe sa ibang sasakyan.
5th, pag tumuntong ng 17 1/2 yrs old ang anak mong lalake, kailangan nyang mag-training sa army o ang tinatawag nilang National Service. It's part of the contract ng pagiging PR, 2.5 years (fulltime) syang mag-se-serve sa bansa at sa gobyerno. Kaya mas late na nakaka-graduate sa college ang mga lalake kesa sa babae at late na nag-aasawa. At pag-reach nila ng 50's, may anak pa rin silang pinapa-aral.
6th and lastly, ayokong tumanda at masanay ang ilong ko sa amoy putok, baka di magtagal mangamoy putok na rin ako. At mahal ang alak dito, hik!
Wentong lasing, wentong walang wenta, wento ng buhay-buhay, wento ng mga walang wentang tao dito sa singapore, nasa oz na!
Friday, July 29, 2005
To reside or not to reside
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
18 comments:
pre, i share all ur sentiments pero i've applied pr recently and got approved.lucky for me girl ang anak ko so ligtas sa ns.ala rin akong balak tumagal dito pero sayang kasi ung mga benepisyo ng pagiging pr compared sa ep.for the meantime eh ok na muna dito habang nagbabakasakali sa ibang bansa.i'm considering new zealand,australia at canada.sa ngayon ipon muna bago sumugal sa iba.
dagdag ko lang... since ala ka namang balak magtagal dito siguro ok lang din na mag-pr ka. bata pa naman anak mo so by the time na required na syang mag ns eh siguro nakamigrate na kayo sa iba. isipin mo na lang ung mga benefits gaya ng mga nabanggit mo...
hey jon pre! thanks for the comments. yun din ang sabi ni esmi at dun kami nagtatalo. Pero inaalala ko talaga ang NS ng anak ko, black listed sa bansa at may penalty pag di sya nag-NS (correct me if i'm wrong).
At di ko lang nabanggit, 5 years contract ang demand ng company ko pag in-apply nila ko ng PR. Ang sama ano?
hassle talaga yang ns na yan... alala ko tuloy ung rotc nung college halos isumpa ko... imbes na pahinga at nakatambay sa bahay ng sunday eh andun ka nakabilad sa init ng araw at pinaglalaruan ng mga feeling war hero na mga kups na officer... how much more sa local dito na ang ns nila hanggang 40 ata...
dito ka na lang sa nz mag-apply ng pr. :)
lahat ng sinabi mo pansin ko nga yan. ilang beses na din akong napadpad dyan sa sing dahil sa trabaho ko.
sa ibang bansa na lang tanggerz.
Jon! ayoko lang i-compromise ang 2 1/2 yrs ng anak ko for NS, pero malay mo, magluwag sila tungkol sa issue na yun.
Ateng Kiwi!!! papasyal kami dyan baka next year, tignan ko ang situation ng work field ko. Nasa Autralia kasi mostly ang relatives and friends ko. :)
Mari! kaw ba? di pa aalis dyan? Ok lang mag-work dito, pero ang mag-stay, nakaka-kalbo sa stress, hehehe
Mr Tanggers,
eto lang ang ma-a-advice ko, kahit unsolicited. mag-apply ka na rin ng PR while you have the chance at habang bata ka pa. doesn't matter if you'll reside or not. the important thing is you have a choice later in the future should you want to or not. ganyan kasi ang nangyari sa ibang mga kaibigan ko sa Pinas. noon ko pa sila pinag-aaply dito ng PR nung madali pa. nagpatumpik-tumpik pa sila noon kaya ngayon na gusto na nilang mag-apply, iba na ang situation hirap na silang sa requirements. yang mga immigration rules paiba-iba. huwag mong isipin na di mo kailangan ngayon. ang importante may choice ka pati na ang iyong asawa't anak kapag kailangan mo na.
sige pasyal ka sa australia, tapos ituloy mo na rin dito sa auckland. dito naman tayo mag-tagayan.
malapit na :). may tinatapos lang akong chuva ek ek dito.
thanks ka uro for the advice! punta kami dyan next year para ma-assess namin kung saan pinaka-ok na mag-migrate. pasalubungan kita ng champoy, ahehehe
mari! lapit na ba? goodluck din ha!
...great blog, nakakalasing!!! pasyalka dito sa germany p're we have more than 5000 brandsof beer, siguradong HIK of yur layp ang dating...manang biday
Manang Biday! one of my fav. bar dito sa Sg is a German bar - daming klase ng beer. Hopefully, makapunta ko dyan, magsho-shower ako ng beer, hehehe.
Manang Biday! one of my fav. bar dito sa Sg is a German bar - daming klase ng beer. Hopefully, makapunta ko dyan, magsho-shower ako ng beer, hehehe.
...pang-bathub pakamo.papa ko nga 3months dito ayaw pang umuwi dahil hindi pa raw niya na"ramanan amin"...ilokano talaga! sabi ko nga kung mago-open palaako ng biergarten sa la union, lugi negosyo!!!mb
ehhehe manang biday! balita ko nga, kung ilako ang beer dyan, parang candy! - naka-kariton na may bike, parang mobile sari-sari store.
di siguro malulugi beer garden mo kung may bayad ang tikim :)
Post a Comment