Olrayt! bukas na ang pinakamimithi naming holiday. Isang araw lang pero ok na rin. Mas Ok sana kung makakapag-leave ako ngayon pero dehins pwede, daming meetings. Ganito talaga dito, kukunti ang holiday kaya halos kabisado namin ang date. Tuwing Chinese new year lang mahaba-haba ang holiday dito which is 1 week.
Di ko na nga maalala ang pinaka-mahaba kong bakasyon mula nang mag-work ako dito,
yung hihilata lang at walang iisipin.
Naalala ko dati nung bata ako, fiesta carnival lang ang hinihirit ko sa parents ko, pero si Sean, Disneyland Hongkong, hanep! Nakikita nya kasi yung mga advertisements ng grand opening sa September, pero buti na lang fully-booked na. May pinag-iipunan talaga kaming bakasyon para sa next year kaya wala munang extra gastos this year.
Naisulat ko nun na paborito ko ang Lunes, madalas kasi na wala ang mga amo. At pag wala ang mga amo, di mawawala ang mahabang kwentuhan sa Pantry habang humihigop ng kape. Minsan, parang open forum at minsan, puro kagaguhan lang. Kanina, inabot ng isang oras ang usapan tungkol sa kulangot at buhok sa kilikili ng mga babae. Tatagal pa sana ang usapan, nahinto lang dahil may phone call ako. Pag tingin ko sa relo ko, naknang! isang oras pala ang nasayang sa walang wentang usapan na yun. Buti na lang, sinalo nung isang ka-project ko yung meeting this morning kaya libre akong mag-blog, hik!
Wentong lasing, wentong walang wenta, wento ng buhay-buhay, wento ng mga walang wentang tao dito sa singapore, nasa oz na!
Monday, August 08, 2005
Dig it or shave it
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
3 comments:
buti sa yo, naisisingit mo pa ang magblog kahit dami mo meetings!!!
i presume yung topic about the kulangot and buhok sa kilikili will come in later...with details??? hahaha!!! or pwede na rin sa susunod na inuman!
Found your blog. thought say hello.
dont have too much fun! For fun
Im into business logo design. Check out my site if
ya like about business logo design
ganun talaga owen pag addict sa blogging tulad ni ka uro, hehehe.
kwento ko yung detail ng topics namin sa susunod :)
Post a Comment