Wentong lasing, wentong walang wenta, wento ng buhay-buhay, wento ng mga walang wentang tao dito sa singapore, nasa oz na!

Tuesday, April 12, 2005

PAMAMAALAM

Tagal na rin pala nating magkakilala, parang kelan lang ano? Dami na rin nating napag-usapan, naging magka-bahagi na rin tayo ng personal na buhay at syempre ng mga kalokohan. Alam mo na nga yata lahat ng sikreto ko, hehehe.
Pero ganun yata talaga ang buhay, may UMPISA at may KATAPUSAN.
Wala na kong magagawa, talagang kailangang tapusin ko na. May kanya-kanya naman siguro tayong buhay kaya wag ka nang magka-interes na hingan ako ng paliwanag. Mas maganda nga sigurong wag ka ng mag-COMMENT dito dahil baka magdalawang-isip pa ko.
Pero di na, final na talaga ang desisyon ko, hanggang sa muling pagkikita na lang uli kaibigan. Paalam kaibigang brief! luwag na ng garter mo at malaki na butas mo at higit sa lahat, di na matanggal sa clorox ang mantsa mong kulay yellow-orange.

10 comments:

Ka Uro said...

tarantado ka talaga mr tanggero. muntik pa akong maiyak sa post mo a. hay, maloloko ako sa yo.

Tanggero said...

hahaha ka uro, kala ko muntik kang mautot?

mari said...

may umaaway sa yo? tara, upakan natin. :)

Tanggero said...

kape na lang tayo mari :)

Anonymous said...

double meaning na naman po?

Tanggero said...

anonymous, nosi po kayo? walang double meaning, pero may hidden code. hulaan mo kung ano.

Anonymous said...

naku magpawpaw ka nga tangero, kawawa nman si brief mo naninilaw hehehe...

carol

Tanggero said...

oh carol! di ko alam magpawpaw, hahaha. yan mo, tinapon ko na yun.

cathcath said...

p're.
tsee, akala ko ano. hekhekhek

Tanggero said...

ehehe m're cat!