Wentong lasing, wentong walang wenta, wento ng buhay-buhay, wento ng mga walang wentang tao dito sa singapore, nasa oz na!

Friday, August 12, 2005

Cruisin

Feeling senti ngayon, 8 compilation ng cruisin' cd's ang nasa player ko. Nakakatamad tuloy, parang ansarap humilata sa kama, magbasa ng book habang nakikinig ng music, may fruit cocktail na kinakain, may juice na iniinom at naririnig ang agos ng tubig sa labas habang sumasabay sa hangin ang puting kurtina ng bintana. At and pinaka-importante, may 2 seksing masahista sa likod at paa ko.

Lahat naman siguro tayo, may dream house ano? Ang sa akin, gusto ko maliit lang. 2 bedrooms with balcony at open concept na living room, dining at kitchen at may
skylight para natural ang lighting effects. Ang mga ilaw mostly ay wall-mounted at warm lights para relax ang dating. Sa balcony, may jacuzzi, overlooking ang pool at may japanese garden. Gusto ko ng pitched-roof para may attic, nandun ang work area at library.

Sya nga pala, gawa na ang construction plan nyan, pera na lang ang kulang. Toilet pa
lang ang kaya kong ipatayo sa ngayon kaya babye muna, work muna ko.

5 comments:

Owen FV said...

Ang galing! Yan ang tinatawag na visualization - one step towards realization! Di mo mamamalayan, one day you're having a dip in your jacuzzi! keep on..........

Anonymous said...

Thanks for the excellent Blog site you've provided.
Some Advise And Informatiom About Auto Part.
Looking For Auto Part Facts And Information ?

Snake in Fall said...

Nice blog, but it is quiet here. Welcome to mine:

http://xiping.blogspot.com
http://usa-pet.blogspot.com/
http://joke-humor.blogspot.com/
http://china-usa.blogspot.com/

Have a good day!

gari said...

inuman pa natin iyan ng sa gayon ang iyong visualization ay maging reality sa isang hallucination. he he he

Tanggero said...

Owen! medyo magaling ako sa visualization kasi kasama sa work ko yan, ang hirap ako, sa realization, hehehe

Gari! hehehehe nagha-halucinate na nga yata ko, tagay pa nga!