Wentong lasing, wentong walang wenta, wento ng buhay-buhay, wento ng mga walang wentang tao dito sa singapore, nasa oz na!

Thursday, March 24, 2005

tinik sa pwet

andaming tinik sa pwet pain in the ass dito sa mundo. sampol na lang dito sa trabaho, sila yung maraming side comments sa mga solusyon na binibigay mo sa problema. magaling silang mag-analyze pero hindi ng solusyon kundi ng mga butas sa mga binibigay mong solusyon. mga nagmamarunong pero mga wala namang maibigay na kontribusyon. sila rin ang mga mahihilig sumilong sa anino ng matataas para sa proteksyon nila. nakaka-asar lang minsan na ang ibinibigay mong solusyon na para sa ikaaayos at ikaluluwag nila, kokontrahin pa. at ang mas nakaka-asar, wala na ngang maibigay na solusyon, may gana pang magalit. pano ka naman makakatagal sa mga taong ganito. sarap tuloy magmura, tanginangyan, isa pa nga, TANGINANGYAN.

3 comments:

fionski said...

Bakit di mo murahin? Tignan mo ikaw tuloy nanggagalaiti dyan. Cool ka lang. Hehehe.

ting-aling said...

Oh, yang puso mo. Ingats, baka tumaas ang stats mo niyan.. Deadly yan.

Anonymous said...

fionski, namura ko na...dito sa blog, hehehe

Ma'am Ting, lumamig na ulo ko kasi nakita ko na picture mo, hehehe

Tanggers