Wentong lasing, wentong walang wenta, wento ng buhay-buhay, wento ng mga walang wentang tao dito sa singapore, nasa oz na!

Monday, August 29, 2005

And HE said, "Let there be beer!"

Saturday, after a friends' kid's b-day party, diretso na kami sa haybols nila bayaw. Ok ang pasalubong, chiken Joy from HKG, sarap talaga ng Jollibee. At syempre, di mawawala ang inuman pag nandun kami. Baraha, kwentuhan, beer, laughtrip at soundtrip ang inatupag namin. Tong-its at pusoy hanggang 3AM, kwentuhang lasing habang tumatagay till 5AM, bitin pa kaya lumabas pa kaming 4, naka-ubos pa kami ng 2 ltrs. of tiger beer sa kanto at nag-breakfast na rin dun. Balik sa bahay ng 6:30AM, then kanya-kanya ng pwesto ng tulog sa sala. Nagising ako ng 9AM, iba ang effect ng inuman sa kin this time, di ako makatulog kahit puyat ng magdamag. Sumabay ako ng breakfast nila wife at inom na rin ng kape. Mild lang ang headache ko kaya higa na lang muna at nood ng tv since di naman ako makatulog. Umuwi na rin kami after lunch, shower then saka na ko nakatulog till 7pm.

Iba ang laughtrip namin sa inuman, sakit sa panga. May napagtripan kaming topic tungkol sa isang guy. Hinuhuli namin kasi kung totoo ang chismis at di naman kami nabigo. Lasing na kasi yung isang nakaka-alam kaya huling-huli sa mga reaksyon nya. More or less, nakumpirma namin ang chismis, hehehehe. Pero ok lang naman kung totoo o hindi, napagtripan lang.

I checked my weight, 70++ kg pa rin naman. Kahit na comfortable pa ko sa weight ko,
I plan and target to loose 5-10 kg in a month or 2, makaya kaya? Ang problema wala pa rin akong makitang gym na malapit sa flat namin, yawa! Basta, di ako uuwi sa Pinas na may tyan, kailangan flat ang tyan ko para maraming paglagyan pag nag-inom dun, hehehe.

6 comments:

Beng said...

Tanggero mag diet ka lang at tiyak mag loose ka ng weight :) saan ka nga pala sa atin?

Greetings.
Beng

Anonymous said...

psst san ka ba ngayun?

aaamp dito masarap kumain ng lugaw sa madaling araw pagkatapos ng inuman. o kaya pumunta sa tapsihan. eeeek beeeeer! haha

nung birthday ko til 5am nagiinuman grabe yun natulog ako may araw na :|

Owen said...

tanggero, ang sarap talag ang uminom. kababalik ko lan kahapon and gabi-gabi sa pinas, panay ang San Mig Light! walang paltos yan, gabi-gabi talaga. nasira nga diet ko e, i gained 2 kls in 2weeks time. badtrip!

abt your plan to lose weight, madali lan yan. gym plus badminton ka lang, solve na!

Mmy-Lei said...

tanggerz,

ano magdi-diet ka? nakakasira sa BEERlife yan. bahala ka, ikaw din ma-mimiss mo.

wow tiger beer...yan ang namimiss ko sa sing.

Ka Uro said...

masarap di ba ang tiger beer? meron din kasi dito non, kya lang di ko pa na-try. dapat nga pala ginaya kita na mag-loose ng Kg bago umuwi. may time pa naman, 2 weeks pa ang uwi namin. bukas umpisahan ko na ang exercise.

Tanggero said...

Hello Ma'am Beng, subukan kong mag-diet. Di na ko kakain ng isang timbang rice. Thanks for dropping here :)

Jaja! Singapore ako ngayon, punta ka dito, mura na ticket :)
Belated Happy b-day!

Welcome back Owen! Masarap uminom pag masaya ang wentuhan. Nakahanap na ko ng gym, sana sipagin ako, hehehe. Enjoy ba bakasyon mo?

Mmy Lei, may diet beer ba? heheheh

Ka Uro! may tiger beer pala dyan, tikman mo, nung una di ko rin gusto, matapang kasi sa SMB pero yung an glocal beer dito kaya nasanay na ko. Lapit na pala kayo uwi, enjoy ha!