Wentong lasing, wentong walang wenta, wento ng buhay-buhay, wento ng mga walang wentang tao dito sa singapore, nasa oz na!
Friday, December 31, 2004
Thursday, December 30, 2004
Bakla
ANECH ANG LIKE NYO? CURL, STRAIGHT OR HADA? AHAHAHAY! NAMIS-ALIGN YATA ANG MATRES KOW!
Tuesday, December 28, 2004
Love Poem for my wife
Lunch.......I can't eat, because of you.
Dinner......I can't eat, because of you.
Bedtime.....I can't sleep, because I'm hungry.
Monday, December 27, 2004
I miss u...Tsamporado!
Tagal ko na palang di nakaka-kain ng tsamporado, matingnan nga sa site ni Ma'am Celia kusinera o Ma'am Ting-aling kung meron silang recipe ng tsamporado. YUM!
Ano nga pala english ng tsamporado? CHAMPORADES?
Ang handa nga pala namin last Christmas Eve:
HONEY-GLAZED TURKEY - na pagkahirap ubusin,;
ROASTED BEEF - na pagkahirap nguyain;
SPAGHETTI - na mas ok yatang tawaging kinamatisang noodles;
LECHE FLAN at BUKO SALAD - di na lang hinanda yung garapon ng asukal, prehas din ng lasa;
AFRITADA - kalderata daw yung niluto nila, sabi ng iba, lasang mechado, yung iba naman daw, afritada, kaya nag-botohan,ang nanalo, afritada, okey ngarud;
and my favorite sa lahat - TINAPAY NA WALANG PALAMAN - na sinawsaw sa red wine.
Sarap ng handa namin, nabundat ako sa kabusugan. Sana kayo din :)
Back to Work
Friday, December 24, 2004
Thursday, December 23, 2004
Space Between
went to the toilet, pee, wash hands, looked at the mirror, nothing unusual except for the eyebugs, then went back to my 6 sq. meter kingdom, then wondered why do i have eyebugs, suddenly i remembered, it's nearly the end of the year and it's nearly my birthday again. so much to think about, why bother to think about my birthday. but if a magic genie will grant my wish, it would be a day long stay in a fancy hotel room and i'll sleep all day to get rid of this eyebugs :)
About the title: wala lang, yan lang ang music sa player ko habang sinusulat ko 'to.
Christmas Bonus
Tuesday, December 21, 2004
Iba't-ibang klase ng pagluto ng TUYO
BALBAKWA. My peyborit, iprito ang TUYO sa mainit na mantika, pag luto na, hinaan ang apoy at buhusan ng suka na may sili. Hanguin at lamunin.
ANYHOW NA TUYO. Ilagay ang TUYO sa pre-heat oven at hanguin pag medyo sunog na.
INIHAW NA TUYO SA NAGBABAGANG ULING. Ihawin ang TUYO sa nagbabagang uling.
TUYO-CROWAVE. Pag walang mapaglutuan, iluto sa microwave.
Miss ko na TUYO, makabili nga mamaya sa Lucky Plaza.
Next recipe: Iba't ibang klase ng pagluto ng DAING NA ISDA.
Monday, December 20, 2004
Busy and bored
Friday, December 17, 2004
Tuesday, December 14, 2004
Whatahweekend
Camping-out will definitely be our new-found hobby, kaka-relax at enjoy ang nature trip. Marami rin activities like biking (I brought my bike and kid's bike), fishing, kite-flying, roller-blading, kayaking at bb-q. Pwede rin humilata buong hapon and magkamot ng itlog enjoy the magnificent creation of God. Minus point nga lang pag umulan tulad ng nangyari last sunday morning. That is why I need a much bigger and better tent for the family. Para kasi kaming mga basang sisiw na nung umaga. Pictures will be posted soon.
It's good to get in touch with long-lost friends and classmates and thanks to the power of the internet. First was email, then chat and now the Friendster. Kakagulat nga minsan, bigla na lang may mag-a-add and be surprised that he or she was one of the past classmate. So what's next after this technology. Maybe, a satellite tracker? 3d hologram phones or chatrooms? Maybe a chip inserted into one's brain that can contact a person by telepathy? Wow, my ideas should be patented or pathetic?
Sometimes, I wonder about the complexity of life. Fpj, a movie icon in Phil, died
and mourned by many Filipinos. Oh yes, i clearly remember his characters in his movies. The blacksmith who become a superhero and fight Lizardo, the evil villaine to death with his magical sword, the cue master who battled his enemies in billard table and fist fight, the Tondo-boy who fearlessly fight the big gangster of his town and many more. And now, I think the elected Vice-president is more mournful than anybody in the world because if Fpj won the previous election, he should be now the President, a fast-track promotion. But sorry for him, it's now too late to support FPJ for his campaign. May he rest in peace!
Only this year that I become adventurous to the local foods here. I craved for different tastes, that is why I tried Indian's, Thai's,Korean's, Malay's and Chinese's women delicacies and next stop, will be japanese foods. Surely, I'm no fan of rare crustacean but let's see if my stomach can bare with me. I planned to bring my wife to one of the japok resto here, so hope we enjoy the food. Harigatto Haik!
Saturday, December 11, 2004
Weekend Menu
We're heading to the beach this afternoon and will camp there overnight, nice! Just in time to relax and unwind, eat some bb-q and drink booze with friends. I need this.
Baby S was sick for the past few days, good thing he's ok now, back to normal him, charged with superpowers and energy that never drains-out, super-likot but still sweet. It's hard to see him sick, guess every parent knows the feeling. He don't want to take his medicines so we have to facilitate it the hard way. I have to hold him and wife have to force him to take it by using an injection(w/out syringe). He misses going to school.
Bo lost his false teeth this morning and it's nowhere to find. He said he just put it on the dining table but somebody may have trashed it. The house was put upside down this morning just to find that 1 piece jacketed-tooth and he can't go to work because he looks like chita-eh na walang ipin sa harap. We gave him alternative solutions like corn-bits, styro-foam, bubble-gum, cut-rubber slipper, I don't know if he still went to work. But I guess that makes our day.
I can't go back this december for my surgery for some reasons. I'll just postponed it on early january or the chinese new year to have a longer vacation. arrivederci!
Friday, December 10, 2004
Tuesday, December 07, 2004
My Sacrifice - CREED
It's been awhile, where should we begin?
Feels like forever
Within my heart a memory
A perfect love that you gave to me
Oh, I remember
When you are with me I'm free
I'm careless, I believe
Above all the others we'll fly
This brings tears to my eyes
My Sacrifice
We've seen our share of ups and downs
Oh how quickly life can turn around
In an instant
It feels so good to realize
What's in yourself and within your mind
Let's find peace there
When you are with me I'm free
I'm careless, I believe
Above all the others we'll fly
This brings tears to my eyes
My Sacrifice
I just want to say hello again
I just want to say hello again
When you are with me I'm free
I'm careless, I believe
Above all the others we'll fly
This brings tears to my eyes
Cause when you are with me I am free
I'm careless, I believe
Above all the others we'll fly
This brings tears to my eyes
My Sacrifice, My Sacrifice
I just want to say hello again
I just want to say hello again
My Sacrifice.
Tuesday, November 30, 2004
Jurong Bird Park
FUTURE PHOTOBLOGGER
AT THE LORY LOFT
TEASING THE HORNBILL
Friday, November 26, 2004
Treasure Hunt
Minsan, bigla na lang nagfla-flash back ang childhood memories. Kanina, may bigla 'kong naalala na mga kalokohan nung mga grade 2 yata ako. Medyo malawak ang bakuran namin sa likuran noon at maraming mga puno ng prutas, kaimito, bayabas, saging at guyabano (how I miss that place) at sa labas naman ng bakuran ay may mga mangga, santol at aratilis. Ang bayabas, buong taon ay di nauubusan ng prutas, madalas ay may dala akong tabo na may asin na aakyat sa puno at doon kakain. Kung di ako nagkakamali, bago naman mag-summer, hinog na ang bunga ng kaimito. May isa pang puno ng kaimito sa harap ng bahay at kalye, aakyat kami ng pinsan ko at doon kakain sa itaas. Nambabato kami ng buto ng kaimito sa mga dumadaan na bata sa kalye at hagikgikan kami ng tawa sa mga aanga-angang batang dumadaan.
Minsan naman, nakasiyahan naming maglaro ng treasure hunting. May nahukay kasing makintab na kulay ginto ang pinsan ko habang naglalaro kami at dahil nga mga bata ay inakala namin may kayaman na nakabaon sa bakuran namin. Kaya hukay-hukay naman kami. Di pa kami nakakahukay ng malalim, mga isang dangkal pa lang yata, may tumunog na lata. Excited naman kami at baka kayaman na nga yun. Nagmamadali kaming naghukay at excited na inangat ang lata ng lumang gatas. Kalawang na ang takip at mabigat. Sabi ng ugok kong pinsan, buksan na namin at baka kayamanan ng Hapon yun. Sinubukan kong buksan pero mahirap. Matagal na raw sigurong nakabaon at titingin-tingin pa sa paligid ang pinsan ko dahil baka raw may nagbabantay na kaluluwa sa kayamanan na yun. Kumuha 'ko ng kutsilyo para ipambukas sa takip ng lata at pilit na binuksan. Dahil excited ang pinsan ko, kinuha nya sa kin ang kutsilyo at sya ang nagbukas. Sa isang malakas na pressure, tumalsik ang lata at tumalsik din sa amin ang laman ng lata. TAE-NANG yan! oo mga kaibigan, tae ang laman ng lata, pasintabi sa mga kumakain. Natatawa ko pag naalala ko ito dahil kitang-kita ko ng tumalsik sa mukha nya ang lusaw na kayamanan. Bunghalit kami sa kakatawa pagkatapos namin maligo at kahit kelan, di na kami naglaro ng treasure hunting.
Alcoholic Vegetarian
Matagal-tagal na kong di nalalasing ha, mga isang araw na yata, ehehehe. Aktuli, di ko na maalala kung kelan ako huling nalasing. Para ngang out of the the system ko na ang pag-inom. Sawa na ko sa sarap ng pag-inom at sa hirap ng hang-over. Minsan nga, nasabi ko kay bayaw na di na ko iinom. Ang sagot sa kin, ulol! heheheh, mami-miss ko raw kasiyahan ng inuman. Di naman talaga ako malakas uminom. Baka akala nyo porke 'Tanggero' ang handle ko, timawa ako sa alak. Madalas akong nagtatagay sa inuman namin dito para makadaya ako ng shot kasi madali akong malasing. Wala lang akong maisip na orig na handle kaya tanggero ang ginamit ko. Mahilig din akong mag-experiment ng cocktails at drink mixes dahil isa sa pangarap ko ay maging bar tender o kaya'y magtayo ng resto-bar, mukhang hanggang pangarap pa rin yun. Isa pa, nanghihinayang ako sa weekend na nuubos lang sa pagtulog pag may hang-over ako imbes na i-enjoy namin ni wife and baby S, takaw tulog pa naman ako pag masakit ang ulo.
Berdey ni bayaw sa 2nd week of december kaya panigurado, laklakan na naman 'to. Ewan ko lang kung makapag-pigil ako. Susundan pa ng holiday season at pagkatapos nun, berdey ko naman. Within one month, daming pwedeng i-selebreyt ng inuman.Tukso,layuan mo ako.
My wife and I will try on vegetable diet. Most of the time kasi, meat ang ulam sa bahay dahil ang mga kasama namin sa bahay ay puro carnivorous. Di naman cut-off totally ang meat, pwedeng small amount na panahog pero hanggat maiiwasan, iiwasan muna namin, Naks, spokening health concious ako. Si wife, di naman talaga tumataba yan kahit anong kain, natural slim ang katawan pero ako, naiipunan ng kunting bilbil at taba sa katawan, nawawala na ang pagka-machonurin ko at parang humihina ang metabolism ko. Most of the time din, laging akong nakatutok sa work (computer), sa office at sa home (sidelines), kaya ang solusyon, healthy diet at more sexercise.
Naghahanap na ng work si wife kaya di na muna 'ko tatanggap ng extra-time-consuming na sidelines, relak muna 'ko. Para more time sa family at more time to get fit.
Inuman na! Hik!
Wednesday, November 24, 2004
Women get itchier than men after seven years
THE seven year itch does exist, according to a new survey on the state of marriage in Britain, but women get itchier than men.
It paints a picture of modern marriages as the reverse of traditional stereotypes, with women fantasising more than men about leaving.
The MORI poll of nearly 1,000 married adults for the Reader’s Digest was hailed by relationship experts as an insight into changing roles.
When asked “have you ever wished you could just wake up one morning and not be married any more?”, one in five wives said yes, as opposed to one in seven husbands.
The first five years of marriage and those who had reached their golden wedding anniversary were the most stable, with only one in ten spouses during these periods answering yes.
But at six to nine years after the wedding there was a peak in people wanting an escape, with a third of married people at that stage answering yes.
Women at all ages were still about a third more likely than men to say that they wished not to be married.
Twice as many wives as husbands, at around one in seven, also said that they wanted to “live on my own for a while”. Again, the biggest danger period for this feeling was around seven years, along with the first year of marriage.
By contrast a third of men, slightly more than women, said that they wished they could spend more time with their spouse, and men aged under 34 were particularly worried about not seeing enough of their wives.
Men were also more likely than women to say that they wished they could ask their partners to be more affectionate, and talk more about their sex life.
Denise Knowles, a relationship counsellor for Relate, said that the findings were a snapshot of an institution in flux.
“What we’re beginning to see is an pendulum swing, with lots of men wanting to talk about emotional things, while women become less family orientated,” she said.
“Women held the emotional balance, but now they have more opportunity to get out. At the same time there is increasing insecurity for men, so it is not surprising they want the security of marriage.”
There is, however, an optimistic note. While six per cent of husbands and wives dreamt of having an affair, double that said that they aspired to own a dog. By the time a couple were middle-aged, the wish to own a dog was nearly five times greater than the temptations of a lover.
“This is an excellent sign, because a dog represents a life of stability and roses around the door. It’s really romantic stuff,” said Ms Knowles.
BY HELEN RUMBELOW
Tuesday, November 23, 2004
Torete
Kaka-inis, kaka-asar, kaka-torete! Ewan ko ba kung pano ang posisyon ko ng pagtulog kagabi at paggising ko, may naipit na ugat sa batok ko. Meron na naman akong stiff neck. May sumpong si wife kagabi at sigurado, pag may sumpong yun, mahahawa na ako at mas malala pa. Kaka-init kasi ng ulo yung pagod sa trabaho at sa kakalakad ng mga sideline, tapos pag uwi mo, susungitan ka pa. Pag ganyang sitwasyon, mas umiinit pa ang ulo ko. Pag nagsalubong na ang kilay ko, sumasabog na ang kung anu-anong toxic sa utak ko. Kaya siguradong World War 3 na naman. Ewan ko ba kung ano na naman ang problema nun sa buhay nya kaya ang ginawa
ko imbes na patulan ko, tinulugan ko pagkatapos kumain. Ayun, sinumpa yata ako at paggising ko ng 4am, may stiff neck na ko. Tatapusin ko sana ang mga revisions ng sidelines ko pero kunti lang natapos ko at nakatulog ulit ako.
Heto ko ngayon, maghapong inat ng inat dahil hindi ako komportable sa pag-upo. Buti di pa sumasakit ang ulo ko, malamang mamaya. Di ko pa rin nakaka-usap ang boss ko tungkol sa sick leave ko. Kanina lang pumasok after 2 weeks na nasa China at umalis agad kaninang tanghali. Ah basta, naka-schedule na yung doctor ko sa Pinas para sa surgery ko. I'll do it by hook or by crook. Feeling safe naman ako sa company namin kasi kaka-renew lang ng 2 years ang Pass ko. Ang problema lang, baka di ako
makapag-claim, di bale na lang. And guess what, 10 days daw ang kailangan ko bago ako payagang bumalik ng doctor ko. Ayus!
Friday, November 19, 2004
Weekend Getaway
Baby S : Mama, rinig mo mumo kagabi. It's like a wild boar.
Mama : Hindi mumo yun, hilik ng papa yun.
Kite Flying
Baby : (isip) Hmmm, itatali ko sa buntot ng kite para di lumipad sa sky.
Biking
I'm the future extreme bike champion (pose!)
BB-Q
Baboy : Aray ang init! nauubos na mantika ko!
Chix wings : Puro ka reklamo, ako nga nasunog na balat ko,ouch! I need some burn ointment!
Mga Tirador ng Pringles sa Kalye
S : Pare, sarap ng pringles ano?
K : Oo pare, pero bakit dito tayo sa gilid ng daan kumakain?
S : Para pag may dumaan na sexy, kita agad natin.
Friday, November 12, 2004
Devotional Love
Mag-ina sa Banig by Nestor Leynes (1960)
SA UGOY NG DUYAN
Music by Lucio San Pedro
Lyrics by Levi Celerio
Sana'y di magmaliw ang dati kong araw
Nang munti pang bata sa piling ni Nanay
Nais kong maulit ang awit ni Inang mahal
Awit ng pag-ibig habang ako'y nasa duyan
Sana'y di magmaliw ang dati kong araw
Nang munti pang bata sa piling ni Nanay
Nais kong maulit ang awit ni Inang mahal
Awit ng pag-ibig ako'y nasa duyan
Sa aking pagtulog na labis ang himbing
Ang bantay ko'y tala
Ang tanod ko'y bituin
Sa piling ni Nanay
Langit ang buhay
Puso kong may dusa
Sabik sa ugoy ng duyan mo Inay
Sana narito ka Inay
Sana'y di magmaliw ang dati kong araw
Nang munti pang bata sa piling ni Nanay
Nais kong maulit ang awit ni Inang mahal
Awit ng pag-ibig hang ako'y nasa duyan
Happy Birthday 'Ma, love you!
Wednesday, November 10, 2004
Tinubuan ka ngunit Kulang!
Super busy ako ngayon kaya di masyadong nakakapag-update, but still, I check the blogs on my list everyday. It is some kind of taking my daily dose of medicine, hehehe (or blog adik na yata?). Aside from busy office works, busy din sa sideline. I have to finish everything this week and clear it from my system. Almost a month ko nang ginagawa ito and burn-out na 'ko. BUT!!! There's another moonlight, though, a smaller project and maybe, I can clear it in a week time. It is good that this sidelines are coming-in, just in time.
I had a check-up last monday with an ENT specialist regarding my nose problem. I knew then that I needed an operation to take out the Nasal Polyps and this is the first time that I saw the internal part using an endoscope. Ipapasok yung chord na may camera sa nostrils at makikita mo sa tv ang pinasukan nito kaya nakita ko ang sandamukal kong kulangot, hehehe, juk lang, naglinis ako ng ilong bago pumunta dun. Di naman masakit, pero kakatakot pa rin lalo na sa nakita ko. My nose is blocked by a benign polyps and it is blocking 60-70 % of my airflow. Polyps are not cancerous but can be a health hazzard (restless sleep, mouth-breathing, headaches, runny nose, etc). At kaya nga pala ko nagpa-check-up ay dahil desidido na kong magpa-opera ASAP. PERO, mukhang mabibitin pa rin. Tumataginting na S$6K or less than 200K pesos ang estimate ng doctor. I checked on my insurance and it will only cover a very small percentage. Lekat na yan, walang silbing insurance. Kaya no choice at mauubos din ang pinagputahan sideline ko ng ilang gabi, hehehe. I was asked by the company to inquire on public hospital, pero i doubt it. The ENT doctor already told me that there are chances of recurrence lalo na pag di maayos ang pagkaka- aalis ng polyps and ayoko na rin ng pabalik-balik that at the end of the day, pareho din ang magagastos ko. Medyo mahal talaga dito sa Gapor ang medical expense kaya ang alternative ko, sa Pinas ako papa-opera. Anyway, day surgery lang naman toits, means, pwede ring umuwi agad at the same day. Wala ring magiging visible na sugat dahil tatanggalin nila thru nostrils yung polyps kaya walang epekto sa aking kyut na mukha.
I already have an ENT contact in Makati Med but I'm still looking for the best schedule. I might be in Manila on early December and the most is 1 week akong papayagang mag-sick leave kaya hokey sa holrayt! May albularyo kayang makakagamot nito?
Sunday, November 07, 2004
Saturday, November 06, 2004
Shark Attack!!!
Thursday, November 04, 2004
Wednesday, November 03, 2004
Century Egg
Kagabi, tinatanong ni wife ko, bakit daw antagal kong pumuti samantalang si baby S, maputi na ulit (for info po ulit, nangitim kami dahil kaka-
swimming every weekend). Eh pano naman kasi, sa itlog ko sya nakatingin, maitim naman na talaga yan dati pa, hehehe, joke lang. Di ko rin alam ang sagot, pareho naman kami ni baby S na lagi lang nasa loob ng bahay, ako sa opis. Naghihilod naman akong mabuti pag naliligo, dove cream soap pa nga ang gamit kong sabon at kuskos pa ng labakara (tama ba word ko?). Teka nga, papaputi ako tapos pag nag-swimming, iitim ulit? Labo yata nun. Nagiging concious tuloy ako, makapabili nga ng likas papaya soap, tumalab kaya? hehehe.
Pinag-uusapan din namin kung time na para sundan si baby S, 3 years old na kasi.
Bakit ganun, andaming dapat isa-alang-alang? Isipin ko pa lang ang gagastusin sa edu. plans, diapher, gatas, regular check-ups, etc., umuurong na ang semilya ko. Baka nga mabaog na 'ko dahil umaatras na ang semilya ko sa kaka-isip ng gastusin, eheheh. Samantalang ang ibang tao sa atin, anak na lang ng anak. Ewan ko ba,
kung sino pa ang naghihirap, sila pa ang masisipag mag-anik anik (word courtesy of bakla sa kanto), pagkatapos nun, hahayaan na lang lumaki sa lansangan. At sisihin ang gobyerno kung bakit wala silang makain, hehehe. Labo yata nun, sabi ko nga, lagyan na lang ng 24 hours tv screen sa mga lansangan sa Pinas para may ibang libangan ang tao imbes na magkulong sa kwarto. Dito sa Singapore at sa ibang parte ng mundo, sila pa ang babayaran ng gobyerno para mag-anak lang sila. Pero syempre, the rest of the responsibility, sa kanila na kaya wa epek pa din.
Kaya ang desisyon, wag na munang sundan si baby S. It maybe a good decision for us dahil may mga plano pa kami. Isa pa nga lang, medyo mahirap nang mag-budget kahit pa
sabihin na kumikita ako ng maayos. It is better to think responsible ika nga. Besides, bata pa naman kami, sana nga lang tumigas pa 'to after 5 years, hehehehe.
Pero pangarap ko pa ring magka-anak ng isang basketball team. At pag nanalo ako sa lotto, do-doblehin ko ang basketball team, para mging soccer team, Ayus!
Monday, November 01, 2004
Equate Good News from Bad News
Good news always comes first before bad kaya Good News muna.
Good news - approved na ang dependent pass ni baby S which means he will stay with me here in Sg for as long as I work here, yahooooooooo! ang saya! I can now enroll him to playschool dahil every morning na lang sya na nagsasabi na gusto nya nang mag-school. He always wandered around the house with his backpack and trolly bag and when you ask him where he is going to, his answer would be 'To school!. The visa is
valid for 2 years and renewable.
Bad news - my wife's pass is still under review, they acknowledge the application only last week and may take 2-3 weeks for processing. I pressume that it will be approve too because they approved my son's.
Good News - Malapit nang matapos sa wakas ang sideline ko. Makakatulog na ulit ako ng mahimbing at makakapag-relax tuwing weekend.
Bad News - Di kami makaka-uwi this Christmas dahil ubos na ang leave ko.
Good News - Lahat kami dito magpa-pasko kaya masaya na rin, hehehe.
Bad News - Dec. 25 at Jan. 1 lang ang holiday dito, di ko na nga napi-feel ang spirit of Christmas ng 3 years. Di kasi ako umuuwi pag pasko, bukod sa mahal ang ticket, magastos sa Pinas (dami ko pinagtataguan na inaanak).
Good News - Magbabakasyon kami next year, either US or Australia, looking forward to it.
Bad News - Kailangang magtipid para may budget sa bakasyon.
Good News - Sarap ng gising ko at almusal ko.
Bad News - Inaantok na naman ako dito sa office. Makatulog muna nga sa toilet cubicle.
Friday, October 29, 2004
EXTENDED!!!
As usual na balita, wala pa rin ang mga dependent passes ni wife and baby S for them to stay with me here. But i have extended their tourist visa for
another month, kaya tuloy ang ligaya.
Malaki na ng improvement ni baby S sa swimming. Last weekend, inalis ko yung maliit na floater nya for both arm, and he can swim! Madali nga lang mapagod pero tuwang-tuwa ang mama nya kahit daig pa sya, heheheh. But for this weekend, pass muna kami sa swimming. Medyo maitim na kami (si babay S medyo, ako super nangitim) at di na cute tignan. Scrotumized na ang kutis ko at konting wrinkles na lang, kutis-scrotum na ko. Sa bath tub na lang muna kami si-swimming, hehehe. Naalala ko tuloy ng first time naming magsabay maligo at nakita nya ang 'tatay ng putotoy' nya, natawa ko sa sinabi nya- "hahaha, papa! may basbas sa beyd! (read: may balbas sa bird). Mamatay ako sa kakatawa nun pero naisip ko din, baka masama na nakakakita ng matured private part ang bata kahit wala pang kamuwang-muwang, kaya mula noon, naka-undie na ko pag sabay kaming maligo with matching 'goggles'. Pinipilit nya kasi akong ipasuot yung goggles ko pag suot nya rin ang kanya, kaya pagbigyan na lang, anlakas kasing umatungal lalo na't nasa banyo kami, ume-echo sa buong apartment ang mala-tarzan na atungal. Kaya mukha akong tanga na nag sho-shower minsan na may goggles, ok na rin, di nalalagyan ng sabon ang mata ko.
Cool talaga ang world wide web, dami kong na namang bagong kilala at mga kaibigan. Ok sa olrayt ang blog at marami akong natututunan. Si wife din, may blog na but still
under construction, it will be more about her and baby S and their everyday activities plus photos. Kaya abangan nyo na lang ang kulitan nilang mag-ina sa araw-araw dito sa Singapore.
Hayyy!, kakatamad na naman mag-work kaya pa-blog-blog na lang muna. Turuan ko kayang
mag-blog ang boss ko?
Thursday, October 28, 2004
10 Commandments for a Responsible Drinker
I got permission from METAL EARS to publish this entry to my blog, salamat sir!
Sampung Utos para sa mga Tomador
1. Huwag makulit habang umiinom.
2. Huwag matakaw sa pulutan. Ito'y pangsapin lang at di panghapunan.
3. Huwag patagalin ang baso sapagkat me naghihintay rin sa susunod na tagay...ika nga, "di baling magtagal sa suso, huwag lang sa baso".
4. Huwag matutulog habang nag-iinom.
5. Di basta umiinom o nakikiinom lang, bumili rin. Sa madaling salita, mag-ambag ka.
6. Ilagay ang alak sa tiyan, huwag sa ulo.
7. Huwag pakalasing, magtira ng pang-uwi.
8. Huwag basta aalis habang nag-iinom, magpaalam naman.
9. Siguraduhing sa bahay ang diretso pag-uwi.
10. Huwag mananakit ng asawa, lambingin lamang ito at kung maari ay suhulan ng maski ano (halimbawa, pansit) para payagan ulit sa susunod na paalam sa pag-iinom.
Iba-iba kasi ang tama at trip ng isang lasing, meron maingay na kala mo taga-bundok, meron tahimik, meron makulit na masarap sapukin at meron namang iba na anlaki ng bodega at malakas mamulutan. Enjoy na lang natin ang inuman, tagay mo na OGAG!
SUBMARINE
eng ri dients :
a shot of gin or vodka or tequilla
half a glass of beer
preparation:
Pour gin/vodka/tequilla into a shot glass (make sure the shot glass is clean). Submerge the shot glass into a half-filled-beer glass (or just enough to submerge the shot glass). Observe the alcohol as it mix with the beer and produce some bubbles. Shot it man!
Thank you to Edward aka. Unstoppable sa Submarine, nalasing mo ko dun pre!
Tuesday, October 26, 2004
Black Popcorn!...anyone?
Been busy this last few weeks, arghhh, sakit sa ulo. I don't know if my headache is because of work pressure, or eyesight problem, or because of my sinusitis.
I tried to have enough sleep, actually more than enough, but still, i feel so restless. And my eyes, my lovely abused eyes, hehehe, are complaining because of too much exposure on computer. And my ever beautiful bloody nose, are always stuffed because of my bloody sinusitis. I already scheduled my self to have an operation next year to do whatever the specialist can do to make my nose more useful.
I hope to finish my sideline soon, maybe a week or 2 and I'm out of that project.
I miss waking up in the morning weekend with relax mind and not worrying about anything. Yerterday (Monday), I was absent. I thought I could finish and submit the first phase, but I ended up playing with my kid, watching tv and done nothing but to eat popcorn that I experimented to cook on microwave, hahahah. Last time, I cooked it in a frying pan and it burnt to hell. This time, I tried to cooked it in microwave and voila! it popped! The first try was good, I put some butter and some bits of corn on a microwavable bowl, and after a few minutes, it popped. It was fun that I experimented the 2nd time with some sugar and it became a black popcorn, bwahahaha. Try it, it tasted like coal, bwahahaha (I only tasted one).
Anyway, until now, I haven't receive the results of the dependent passes of my wife and baby S and I wonder why it took so long to process that. There was someone who called me last week from the Ministry of Manpower, asking me to fax a copy of our marriage certificate, the heck, I already submitted it together with the application form and now they must have misplaced it, but to make the talking short, I re-faxed it. It's ok though, to know that they are on the process in reviewing the application but it's almost a month now. Hayyy, until now, we don't know if they can stay here with me or will go back to Pinas. My wife has been here since last Nov. and worked but baby S went back to Pinas last Feb. and returned here last July. He's been travelling alone, hehehehe joke!
Sometimes, it is just too tiresome and put me on the thinking that maybe it is much better if I just setup a small business in Pinas and live a simple life. But everytime I read or hear a news from Pinas, sigh!, nevermind the pressures here, I am loaded with enough armour to face them. I better stay and do the work they're paying me to do, than being on the frontline in our homeland's war. Hik!
Saturday, October 23, 2004
Sky Captain and the World of Tomorrow
At first, I thought we had chosen a wrong movie. The cinematography was done in a classic-style colored movie and was like watching a cartoon-to-movie film. But it turns out to be a full-action-adventure-fiction film with the likes of superheros thing. I did not see any dull moment because almost everything was set in a fast-pace story-telling. I'm not much of a movie critic but my personal rating for this movie is 4 out of 5 stars.
"It's like a film that escaped from the imagination directly onto the screen, without having to pass through reality along the way."
RATING : A / Chicago Sun-Times-Roger Ebert
Friday, October 22, 2004
Babae sa Bintana
Wife: Ano binabasa mo? (coming from my back)
Me: Baguio vacation house, may multo daw.
Wife: San? (tingin sa monitor)
Me: Tignan mo, wala akong makita eh.
Wife: Wala naman ah, MAY NAKADUNGAW LANG SA BINTANA!
Me: (kinilabutan)Ha! nakita mo, bat di ko makita?
Wife: Alin? yung nakadungaw?
Me: Oo, yan daw yung multo! Eh bat di ko makita? (tumayo ang buhok sa tyan at batok)
Wife: (takbo sa kama) Wahh! wag mo ko tinatakot ng ganyan! (kinilabutan na rin) Meron naman talagang nakadungaw sa bintana eh.
Me: Di ko nga makita, ikaw nakita mo agad. Ibig sabihin, madali kang makakita ng multo, Awoooooo! (Nagbiro na lang ako para di halatang natakot, hehehe. Pero kinilabutan talaga ako dun ha.)
Remember the movie "Mga kwento ni Lola Basyang"?, the 'haunted house' episode was shot on a real haunted house in our town. When we were still kids, it gives us a nervous shivery apprehension everytime we pass by that house. HAPPY HALLOWEEN!
Tuesday, October 19, 2004
Tenk u! tenk u! ambabarat ninyo, Tenk u!
Naranasan na namin masigawan ng lasing, madabugan ng pinto at mahabol ng aso. Kaka-asar minsan ang ibang bahay dahil di pa nagsisimula ang kanta, Patawad agad. Ang iba naman, may nakapaskil na sa gate na Merry X-mas, Patawad! Siguro, mga kampon ni Batman. Meron naman, galante at mababait. Iyon ang mga bahay na binabalik-balikan namin ng halos gabi-gabi hanggang mamukhaan na kami ng may-ari. 'Kayo na naman! eto 25c, wag na kayo babalik!' Bukod sa karakas, ako rin ang taga-sigaw sa bandang huli pag barat o patawad ang may-ari ng bahay. 'Tenk U! Tenk U, Ambabarat ninyo! Tenk U!, sabay takbo ng mabilis, hehehehe. Yun ang favorite ko, pagsigaw sabay takbo.
Ang pinaka-masarap sa lahat, ang hatian ng napamaskuhan. Equally divided naman lagi pero maraming reklamo lalo na pag maliit lang ang total.
'Eh di naman sya kumakanta!'
'Eh sintunado naman yang tambol mo kaya masakit sa tenga!'
'Eh ambaho mo kasi, di ka naligo kaya nakasimangot yung may-ari!'
Maya-maya, may suntukan na dyan, hehehe. Meron iiyak, meron tatawa, meron malungkot pero halos lahat ay masaya, dahil meron na naman kaming pambili ng candy sa tindahan.
Friday, October 15, 2004
Back to the future
Wednesday, October 13, 2004
Don't be a fool, man!
1. Magkaroon ng bahay na may pool with jacuzzi, malawak na garden at may greenhouse na may iba't ibang klaseng orchids at mga halamang may makukulay na bulaklak.
2. May modded-car, lowered, aero-dynamic parts, hi-fi stereo with matching speakers sa compartment, customed racing wheels at fully-black leather upholstered ang upuan.
3. May 2 alagang aso, isang doberman at isang st. bernard.
4. May small business na sufficient enough to provide the everyday necessities.
5. May 10 million pesos fixed-deposit sa bank which will accumulate ng more or less 50 thou pesos a month interest.
6. May licenced 45mm. hand gun for target shooting at personal protection na rin.
7. May game room sa bahay with wine and liquor bar and pool table.
8. Maging vegetarian.
9. May personal assistant at butler.
10.May helicopter at maging licenced pilot nito.
Potrages na yan, ang sarap mangarap! Malamang, uugod-ugod na ko, wala pa sa kalahati ang natupad ko, unless.... maging pulitiko ako, hmmmm!
Tuesday, October 12, 2004
Scent of a teen spirit
Sunday, October 10, 2004
Saturday, October 09, 2004
The James Bond Martini
The James Bond martini appears in his very first book (by Ian Fleming), Casino Royale. In chapter 7, we read:
"A dry martini," he said. "One. In a deep champagne goblet."
"Oui, monsieur."
"Just a moment. Three measures of Gordon's, one of vodka, half a measure of Kina Lillet. Shake it very well until it's ice-cold, then add a large thin slice of lemon-peel. Got it?"
Lillet is a type of Vermouth that you can still find in many stores. Gordon's is a gin. Where most martinis are made with gin, and vodka martinis are just made with vodka, Bond wildly mixes them both up.
A TRICK:
By shaking it, you make the drink cold, which is key for most vodka drinks to taste well. It also mixes the vodka and gin well, giving it a good texture.
The next time you're mixing drinks, try making one shaken and one stirred. See if you can taste the difference!
Wednesday, October 06, 2004
Laying eggs
S : They're laying eggs daw, mwehehehe! (read:nang-iitlog)
Meron kayang malignong bakla or multong bakla? Anong gagawin mo pag ni-rape ka ng multong bakla?
Disclaimer:
Di ako against sa bakla or homo, this is only a joke. Peace men! errr, women w egg?
Narinig ko na at nabasa ba yung mga sinasaniban ng masasamang espiritu, tikbalang, dwende or mga maligno? Personally, I don't believe it. Pero nung bata ako, bumubulong muna ko ng 'tabi-tabi po nunong punso' bago umihi sa puno or pader, buti nang safe, balita ko pag naka-ihi ka ng nuno, lalaki ang itlog mo, yun eh nung bata pa ko. Ngayon, naghahanap ako ng punso dito, wala kong makita, potrages na yan.
Disclaimer: Naghahanap ako ng punso dahil gusto kong makakita at makahuli ng reyna ng anay.
Monday, October 04, 2004
Rare, medium-rare or well-done?
The 3 of us went on swimming the following day together with kylie (my niece) and her yaya. Baby S is improving on his swimming skills. He's not afraid anymore on going to the adult pool, floating and maneuvering his direction only with the help of the small floaters in his arms. Now, I can leave him floating at the center of the pool while I'm doing my laps. I'm very proud to see him improving his skills, maybe sooner or later, I can play tennis and basketball with him already. My wife is also learning how to swim, although she just started, she already have mastered one swimming style, the talaba style, hehehe. I know she'll learn soon as long as she's not too complexion-paranoid (takot umitim). She end up complaining about her now 2-toned skin because the contrast of the covered part of her skin and the uncovered sun-tanned skin is too obvious, heheh. Anyway, we really enjoyed the swimming.
The whole sunday afternoon was just about eating, watching tv, sleeping, playing and eating some more. We planned to go out for sunday mass and malling but it rained hard in the late afternoon, so we turned-up to be all sleeping until night. Woke up for dinner and after that, worked on my sideline with my wife till midnight.
And ended my weekend with a glass of red wine. Hik!
Saturday, October 02, 2004
Joke time!
Isang araw, may iminungkahi si Jose sa asawa niyang si Luisa. "Para tayo'y makaipon ng pera, bibigyan kita ng piso para sa iyong alkansiya, tuwing magse-sex tayo."
"Sige," sagot ni Luisa.
Pakaraan ng ilang linggo, napagkasunduan nilang buksan ang alkansiya. Lumabas ang mga lilimahin, sasampuin at mga bente pesos na kasama ng mga pipisuhin.
"Luisa", tanong in Jose, "saan galing ang lahat ng perang yan? Tuwing magse-sex tayo ay piso lang ang ibinibigay ko,"
"Aba," sabi ni Luisa. "Akala mo ba, lahat ng lalake ay kasing-kuripot mo?"
Babae kinakalabit ang mister sa hating-gabi.
Misis: Love, wala na akong panty ngayon.
Mister: (nagising) Tulog ka na love, bukas ibibili kita
Kring, kring.........
AMO: Inday sagutin mo ang telepono baka kabit yan ng Sir mo!!!
INDAY: Si Ma'am talaga o.....pinapaselos ako!!!
Dermatologist to a patient.
DERMA: Miss, may good news ako sa inyo. Hindi na kayo tutubuan ng tigyawat.
MS.: Talaga po doc?
DERMA: OO, dahil wala ng space sa mukha ninyo..
BOYasked: Dad, ano gawa mo mommy ? (nahuli nakapatong)
DAD replied: Gawa isa pa baby para kalaro mo, may tawag pa KUYA sa iyo.
BOYsaid: DOG-STYLE na lang kayo Dad, Gusto ko TUTA eh !
Aw! Aw! Aw!
Thursday, September 30, 2004
Sunrays on my face
Monday, September 27, 2004
On Sausages and their nicknames...
Why do some or most women give nicknames to the male genital of their partners? Funny isn't it but this is true? Maybe, psychologically speaking, it is their means of territoriality or a way to guard their territory. Parang bang hayop na iniihian ang mga teritoryo nila, hehehe.
Bigyan ko kayo ng mga examples:
1. JUNIOR, a small equivalent of the male, ito rin cguro ang pinaka- common na nickname used by them. Di bastos pakinggan at lalakeng-lalake.
i.e. 'Lingon ka na naman ng lingon dyan, pipitikin ko jr. mo!'
2. AGILA or EAGLE. Wow! gandang nickname pero ginamit lang to dahil may itlog ang agila at hindi dahil kasing lakas ng agila ang dating nila.
i.e. 'sweatheart! Paliguan mo na si agila para malaro ko na!'
3. PEDRO. Karaniwang gamit ng probinsyana na pagtawag. Promdi talaga ang dating.
i.e. 'Ala eh, galit na naman yang si Pedro, di ba napapagod yan?'
4. COBRA. Malakas ang dating nito, siguro, hugis cobra ang ulo, hehehehe.
i.e. 'Ay, galit na si cobra, parang tutuklawin ako! ahahahay!'
5. MANOY. Mala-eddie Garcia ang dating.
i.e. 'Patay kang bata ka, galit na si manoy!'
added by bloggers:
6. JUNJUN, active, sporty, vigorous, yummy at mapula (by BongK)
7. MY BEST FRIEND, friendly daw kase (by G)
8. POTOTOY, pambata yata toits, heheh (by Aileen)
9. BIRDIE, ibon na may itlog, mwhehe (by Ai)
10. ETITS, simple daw pero rock!, bwhahaha! (by Fionski)
Did you watch 'How to lose a guy in 10 days'? She nicknamed her partner's 'Princess Sophia', hehehe. Only then I'd known that it is common for women to give nicknames to their partner's private part. My wife call mine as NgorkNgork, ampangit noh? She get it from my snoring. How about you, how do they call yours or theirs? Tell me and I'll add them on the list.
Orbs
For 3 years working here, this is my first time na napuntahan ko ang bawat sulok ng building. Luma na 'to, tinayo yata to during 70's at di na napa-renovate. Most of the office employess ay di nagpupunta sa factory dahil maalikabok. Part of the 3rd and 4th storey ay ginawang storage area, maraming madilim na sulok at maalikabok. Nagkalat ang mga un-used carpentry machines sa building kaya naikot ko halos ang lahat ng floor. Sa araw, ok lang siguro na mag-ikot sa building pero ewan ko sa gabi. Kung ikukumpara ko ito, parang haunted house sa taas. Madilim, madumi at un-occupied dahil lahat ng workers, sa ground floor na ngayon nagtra-trabaho.
So, kinunan ko na nga ng pictures ang mga dapat kunan. Wala rin sa isip ko ang multo dahil di naman ako naniniwala talaga dun. Natapos ko ang 3rd and 4th floor na walang problema pero pag dating sa ground, may nakunan ako na di ko inaasahan. In-appload ko na agad from the digital camera ang mga pictures at dun ko nga nakita yung isang picture na napuno halos ng mga balls of tansparent light at iba-iba ng diameter. Sa pinaka-gitna ng bawat bilog, may maliwanag na dot. Pinakita ko agad ito dun sa officemate kong weirdo na naka-wentuhan ko tungkol dito at sinabi na nga nya na matagal nya nang alam na may mumo dito sa building. According to him, ang chinese-belief nila tungkol sa bilog na yun ay mga spirits, yung pinakamaliwanag sa lahat, sya raw ang leader. Nakita ko nga na iba-iba ang intensity ng glow at diameter nila. Kung mag-aalay ka raw sa kanila, which he always do, they will guide you and prevent you from accidents. Bubulungan ka pa raw nila ng number na tatayaan mo sa loto. Tadong yun, kaya pala nag-alay agad ng mga prutas at nagsindi ng insenso, humingi pala ng tatayaan sa loto. And one more thing, di raw lahat, pwedeng makakuha ng ganito. Yun lang daw may bukas na 'third eye'. Although di pa rin ako naniniwala, minsan nararamdaman ko kung maganda ang ambiance ng lugar or hindi. Mabigat ang loob ko at madaling sumakit ang ulo ko pag di ko type ang isang lugar.
Anyway, nag-research ako sa internet tungkol dito at ORBS pala ang tawag dun.Heto yung picture na nakunan ko at kayo na bahala kung maniniwala or hindi pero yung ibang picture na malapit sa area, malinaw at walang bilog-bilog. Mukhang nabuksan din ang sense of adventure ko kaya i-try ko pang magmasid sa building namin at maghanap kung may seksing multo dito. Hik!
Thursday, September 23, 2004
Lion City
Madali lang nilang i-implement ang laws dahil maliit lang ang SG. Malaki pa ang Metro Manila. By Mrt, maiikot mo na ang 4 na sulok. Nasa east ang Changi airport, nasa west ang Jurong (port), di ko alam yung nasa north & south, hehehe. Mababa ang krimenalidad dito kaya sarap buhay ng mga pulis. Nagkalat sa daan ang mga tagalinis, bawat kanto may nagwawalis, may nagtatabas ng mga damo, naghahakot ng basura at bawat sulok ay may upgrading works. Accessible halos ang lahat ng part thru mrt at bus pero syempre, sarap pa rin mag taxi paminsan-minsan.
Rapsa ang pagkain dito, medyo spicy pero ok sa panlasa ng pinoy. Normal ang turo-turo dito, hawker centre ang tawag. Tamad magluto ang mga local kaya most of the time, dun sila kumakain. Ang mga local fav. dito ay Noodles, Chicken Rice, Nasi Lemak, Indian foods like roti prata, murtabak at halo-halong ulam parang kaning baboy. Ipapaliwanag ko sa susunod na entries ang mga local delights dito.
Singlish ang national language. Kailangan, marunong kang maglagay ng "LAH" sa dulo ng bawat sentence mo at dapat alam mo rin magsalita ng 'ALAMAK' at 'WALAWEH'. Pag di mo ginaya ang tono at sentence structure nila, mahihirapan ka nilang maintindihan. Sample:
English: Why can't I open the drawing file?
Singlish: Alamak! da dowing kenat open meh! Why yah!(pagalit)
English: Don't fool around!
Singlish: Don't play play!
Ang mga pasyalan dito ay Sentosa, SG Zoo, Jurong Bird Park, sandamakmak na Malls at wala na! hehehe. Maraming parks dito, one is East Coast park along East Coast beach. By bridge lang kung pupunta ka ng Malaysia at ferry kung gusto mong pumunta ng Batam Island, Indonesia. 3 hours by plane kung uuwi ka ng Pinas pero mas mahaba pa ang itatagal mo sa Airport natin kesa sa byahe. Geylang ang Red light district dito. Sabi nila, may mga aquarium daw dun na may mga sirena sa loob pero di pa ko nakakita, malalaki siguro buntot ng mga yun? Pero masarap dun ha, ang mga pagkain, sabi nila. HIK!
Wednesday, September 22, 2004
That Sef Gonzales Case
Try to compare it to Nida Blanca's case or many other cases that involves high profile people. Bullshit, Isn't it? I wonder why is that blindfolded woman statue still on the justice supreme court? They should change it with the most stinky shit
statue in the world. Pardon my word, but I need to release it one more time, BULLLLLLLLLL SHITTTTTTTTTT! Try it, feels good.
The Land of Oil and Soysauce
Isa ang Australia sa list ko na pwede kaming mag-migrate, Canada, US maybe at Italy kasi may mga relatives ako dun. Within 2 or 3 years sana, maka-alis na dito. Ano bang magandang basehan kung saan ok na mag-migrate? Iniisip kasi ng ordinaryong pinoy, basta makapag-abroad at maka-alis sa Pinas, ok na. Sabagay, simple lang naman tayo, basta may work at makakain ng maayos ang pamilya, ayos na. Pati nga Iraq, patos-patos na kahit nakabaon sa hukay ang isang itlog este paa. Nabasa ko nga na nasa top ten na ulam ng ordinaryong pinoy ang toyo at mantika. Ano yun, adobong mantika? Kasama din ang Sardinas at Instant noodles. Kaya nagiging utak sardinas ang iba at sinasama sa suicide pati sanggol na walang kamuwang-muwang.
Maganda at mataas ang standard of education sa Australia. Actually, isa ito sa study den ng mga Singaporeans. Mayayabang ang mga local pag graduate dun, akala mo Australians na rin sila eh ambabaho naman ng bunganga pag umaga, hehehe. Honored naman kasi ang degree nila to most part of the world di tulad sa tin, jr. college lang yata ang katumbas ng degree. Nagtataka nga ko, bakit ganun? Bakit di natin maitaas ang standard of education natin? Para ano pa at magpapakahirap ng 5 years eh ang katumbas lang sa ibang bansa nun ay 2 or 3 years. Tinataas nila taon-taon ang tuition fee pero di nila maitaas ang level of recognition ng degree natin. Buti na lang, di pa rin nawawala ang abilidad natin at makikita mong pinoy pa rin ang mga work horses ng mga companies kahit saang bansa.
Hopefully, makapag-migrate kami kung saan safe, maayos ang quality of living, work and environment. Although, gusto ko pa ring umuwi sa ting bayan, saka na lang siguro pag maganda na ang naririnig kong balita at kung sigurado na kong di mag-uulam ng adobong mantika ang anak ko.
Monday, September 20, 2004
Let's talk about sex on Monday
Pagkatapos magpahinga, makikipaglaro ng kunti sa chikiting at maglilinis ng mga gamit. Linis muna ng hi-fi, electric fan at mga laruan na nakakalat sa sala at tapon ng mga basurang naipon. Sa init ng panahon, tumagaktak na ang aking pawis. Habang sakay ng elevator pababa para itapon ang mga basura, nakasabay ko ang 2 seksing koreana na kapitbahay namin, swerte, mukhang mag-swi-swimming. Ngitian lang,nanlamig naman ako at natuyuan ng pawis. Pag-bukas ng pinto, pina-una ko muna sila. Plastic lang pala ang ngiti dahil pagkalabas nila, narinig ko yung isa na nagsabi ng 'yuck!', kaya naman pala, ambaho ng dala kong basura, bwhahaha! Nandun nga pala yung mga tira-tirang pagkain sa ref kaya maamoy na.
Binilisan ko ang pagtapon ng basura at akyat ako agad. Niyaya ko ng swimming si baby S, takbo naman agad sa cabinet nya at nagpalit ng pang-swimming. Ako naman, palit ako ng trunks, yung medyo masikip para bakat, hehehe. Pagbaba namin sa may pool, nandun yung 2, nampucha, kakasilaw ang mga legs na nakababad sa ginintuang araw. No pansin kunwari, dinala ko si baby S sa may wading pool, ako naman ay nagshower. Napansin ko, sumulyap sa kin yung isa habang nag sho-shower ako. Napangiti na lang ako. Si baby S, busy na rin sa mga dala nyang laruan kaya punta na ko sa pang-adult na pool. Pasikat ako kunwari, nag-dive ako ng pang-olympics, direcho sa ilalim, sisid ng matagal at pag-angat sa tubig, langoy ng mabilis. Pagdating sa dulo, bwelo ulit sabay langoy pabalik, pasikat talaga. Pahinga kunwari dahil hingal kabayo na ko, tingin-tingin din kay baby S.
Nakita ko, tumayo silang 2, mukhang lalangoy na, nagharutan, nagbasaan, nagkilitian. Napagmasdan ko tuloy ang mga katawan, nakakagigil talaga, parehong naka-2 piece. Maya-maya, naaksidenteng natanggal yung bra ng isa, hanep men! whew!. Nagpahabol yung isa, pero nag-dive na lang sa tubig un isa. Tawanan silang pareho habang ako naman, namumutla na. Nagulat na lang ako ng biglang tanggalin din nun isa ang bra nya, sabay dive sa tubig. Syet! Bakit nangyayari sa kin to? Sisid sila pareho, sinuot ko agad ang goggles ko sabay sisid din, kitang-kita ko, nagyayakapan at naghahalikan sa ilalim yung 2. Ano ba naman yan? Ahhhh! ayoko na, di ko na lang papansinin, lalangoy na lang ako. Pero nanunukso yata talaga, pag-angat ko ng tubig. eksakto pang natapat sa ulo ko yung bra nun isa. Tawanan sila, pinapanood pala nila ko. Nagkatinginan sila at ngitian na tila nanunukso, bigla na lang silang sumisid at pag-angat, may mga panty sa kamay nila. Omegosh! Nanigas na ang dapat manigas, naglaway na ang dapat maglaway, ang init! kahit nakababad ako sa tubig. Maya-maya, sumisid ulit sila at sa natatanaw kong anino nila sa ilalim ng tubig, papalapit sila sa akin.
Heto na, wala ng atrasan to! Di ko na kasalanan kung pagnasaan nila ang matipuno kong katawan, tao lang rin ako. Ipapatikim ko lang naman sa kanila kung ano ang kakayahan ng isang magiting na pinoy at kung gaano kaeksperto ang mga kalalakihan sa larangan ng pagniniig (salamat kay xerex). Isusumpa ko na pagkatapos nito, may mga ngiti sa labi nila at hindi na makakalimutan pa sa tanang buhay nila. Habang papalapit ang mga anino sa ilalim ng tubig, di ko na talaga napigilan ang pag-alsa ng mga ugat at pag-init ng aking tenga. Unti-unti ko nang naramdaman ang paggalaw ng tubig at maya-maya pa, may biglang humawak sa aking paa. Mahigpit at tila gustong
iangat sa ibabaw ng tubig. Namalayan ko na lang, kinikiliti ang mga paa ko sabay yugyog sa akin...'Huy! 7:30 na, maligo ka na at male-late ka na naman!' Nampucha! lunes na naman pala. Hay buhay!
Sigurado, may batok na naman ako sa mrs. ko pag nabasa nya to.
Saturday, September 18, 2004
SOS
Lumalaki na pala ang circle of prends natin sa blog, salamat sa mga entry references ni Fionski and Gulaman Girl and
to Kiwipinay for free HTML tutorial, saka sa mga nag-link sa kin. Ginagawa ko na rin ang aking personalized timplit...lapit na matapos.
Ayaw pa talagang matulog, sinalangan ko na ng vcd, dumedede na, ginawan ko na ng bahay, ayun sinira na, ano pa ba? wrestling na nga lang kami, balian ko ng tadyang...Hik!
Friday, September 17, 2004
Iba't ibang klase ng pagtawa sa Blog
Hehehe : normal na tawa ng mga di normal
Bwahahaha : tawang demonyo at mukhang demonyo
Hihihi : tawang pa-cute kahit di cute
Harharhar : tawang nang-aasar
Hekhekhek : tawa ng aswang at nang-aaswang
Bwehehe : tawa ng kambing at amoy kambing
Hikhikhik : tawa ng lasing na ang pulutan ay butiki
Mwahaha : tawa ng joklang bading
Mwehehe : tawa ng naiihing bakla
Puuuut! : tunog ng pinigilan na tawa
Hakhakhak : tawa ng taong nakalunok ng kulangot
Rexona, Sabon, Tutbras at Lotion
Tingin-tingin ka sa paligid, pag may taong tulala, malayo ang tingin, malalim ang iniisip, tatanga-tanga at laging natitisod sa daan, malamang kasali yan sa grupong TMAP at nag-iisip kung ano ang kulang sa kanya, kung may mali ba sa hitsura nya, badbreath kaya, tok-pu?...wala naman sana. Sa ugali kaya? Balahura ba sya sa gamit,
Nagger ,seloso, reklamador o baka naman napaka close-minded na tao? Wag mo lang asarin baka kagatin ka nyan, matindi ang rabis ngayon nyan.
To be fair, masarap naman mag-isa ha. Magagawa mo ang gusto mo. Di na kailangang magpa-alam, walang makiki-alam, walang limitations, walang magre-reklamo at higit sa lahat pwede kang maglandi, hik! Wala ka na rin bibilhing regalo, puro sa iyo na lang. Wala ng hustle para mag gift-wrapped at mag-isip kung anong ireregalo mo. Hirap pa namang maghanap ng special na regalo para sa minamahal.
Sabi nila, nakakatuyot daw ang walang minamahal. Tigang ika nga...sa pagmamahal. Nakaka-baog daw, sus, anong ginagawa ng iyong kamay, gamitin mo, you can try different stroke and style...use it and push it to the limit...yeah baby yeah! Teka, baka iba ang iniisip mo, what I mean is you can work hard and be busy, try painting siguro. For sure, di mo maiisip na nag-iisa ka.
Dadating din naman ang araw na hindi ka na mag-iisa. Matatagpuan mo rin ang taong nararapat mong mahalin at mamahalin ka. Pero sana naman sa pagkakataong iyon, matuto ka ng umunawa at magparaya. Maligo ka na lagi at magpa-bango, wag kalimutang mag-rexona, mag-tutbras at higit sa lahat mag-lotion ka sa kamay, baka puro kalyo na ang over-used mong kamay. HIK!
Wednesday, September 15, 2004
Do you want to be a Doctor?
Woman : Doc, bakit nyo ho sinara agad? Bababa rin ho yata yung bata.
Doctor: (shocked and terrified) I knew her, she was my patient and just died this afternoon. Have you noticed the red tag on her left hand? We put it to indicate that a patient is dead. (still shaking with fear)
Woman: Doc!(in a soft and shiverring voice) Tulad po ba nito?
I Envy...
I think it is in the blood of most of us that still crave for more even we had more than enough. Yes, we have our own diffent principles, but at the end it, it is still a self-centered egoistic principle. We still want to feel our own SELF-fullfillment.
I envy those who achieved inner bliss, those who worked for others not for themselves, those who offered everything and left nothing for themselves and those who have no worries. I envy a child's laughter, simple but true.
Tuesday, September 14, 2004
DEATH CLOCK
If you do, click here:
http://www.deathclock.com/
Ahit Pogi
lumago
ginupit
inahit
nasugat
gumaling
poknat
Isang mahiwagang parte ng ating katawan ang BUHOK. Nagtataka ko minsan dahil bigla ko na lang mapapansin, UYYY MAY BUHOK PALA KO DITO!....kung saan saan na lang tumutubo. Kahit sa lugar na di mo inaasahan, meron ka na lang makikita o mahihipo bigla. Kakapagtaka di ba?
May nakikita kong malago ang buhok sa tenga, minsan ang sexy sexy ng babae pero may bigote sa kilikili at minsan ang haba ng buhok sa ilong naglalambitin ang mga kulangot.
Kung ang halaman, lumalago dahil sa fertilizer, malamang ganun din ang buhok. Kaya paki-check kung meron kang buhok sa butas ng p#%* ...panigurado, sagana yan sa organic fertilizer!
Monday, September 13, 2004
Monday the 13th
Habang plantsa, nood ulit ako ng Band of Brothers, my favorite movie series. Nakopya ko lang to kay bo paul, orig kaya malinaw. Part 1 & 2 lang ang napanood ko ulit. Maganda talaga, makikita mo ang leadership and teamwork but the real score is you will see how destructive a war is at kung gano kasira ang ulo ng mga taong nagpasimula ng mga gyera. Habang plantsa at nood at si A naman ay may ginagawa sa pc, nagka-kwentuhan tungkol nung panahon ng Hapon. Mga kwento ng lolo't lola ang napag-usapan tungkol sa gyera, na pag may sumigaw ng 'Nandyan na mga sakang!', takot na takot na silang magtatago sa mga lungga nila na hinukay sa lupa. Walang trabaho, walang permanenteng bahay at walang kinabukasan. Ang iniisip lang nila ay kung pano mabuhay ngayong araw dahil di na nila alam mangyayari kinabukasan.
Inisip ko tuloy, pano kaya kung nung panahon ng hapon ako nabuhay? Lalaban kaya ko para sa aking inang bayan? Mag-ge-gerilya kaya ako at mamumundok? Di natin alam, di ko alam. Pero isipin mo ang nangyayari ngayon sa Pinas, lubog sa utang, abusado sa demokrasya, magulong gobyerno. Kung alam mo bang ganito ang mangyayari sa iyong inang bayan, ibubuwis mo pa ba ang buhay mo para sa kanya? Siguro, napapamura na lang ang mga nagpaka-bayani noon, TAENANG YAN, UMINOM NA LANG SANA KO NG LAMBANOG KESA NAKIPAGPATAYAN SA MGA MOKONG NASAKANG, SOLB PA! TIGANG TULOY SA ALAK DITO. hehehe!
Ang alam ko lang ngayon, I'm blessed to be with my wife, my kid and to have this work na pa-blog-blog lang, pa chat-chat, pa surf-surf at petiks petiks. Kaya kahit kakatamad ngayon, pasok na lang. Bayaning OFW naman ako.
Sunday, September 12, 2004
Saturday, September 11, 2004
Hangin ng Buhay
lunok
inom
giniling
umusok
lumabas
puuuut!
hikab
tulog
hilik
gising
puuuut!
Sa pag-utot, mararamdaman mo ang buhay na dumadaloy sa iyong ugat at ang ginhawa sa bawat pagdurusa. Ipanalangin mong sa bawat minuto at oras ng araw, ikaw ay palaring mautot sapagkat sa pagkakataong mahinto ito, patay ka na pre.
lahat ng tungkol sa UTOT
Friday, September 10, 2004
CUERVO!
For quick and easy serving, lemon and salt lang ang katapat nyan, sarap na di ba? Mas okay kung may body shot pero wala naman pwedeng i-body shot, body shot mo si dubyana, gusto mo?
Pero kung gusto mong medyo maiba naman, try this:
eng gri dyents:
1 ounce Taquilla
1/2 ounce strawberry schnapps or any strawberry juice(tapangan kunti ang timpla)
lime/lemmon and salt
Rub rim of glass with a rind of lime/lemmon and dip in salt. Shake ingredients with ice and strain into cocktail glass. SWABE!
luv u....mahal
Thursday, September 09, 2004
School Days are Coming...
He will start his studies here in Singapore, english is the spoken language and I don't know if he can cope with it easily. His playschoolmates will be chinese and indians and he barely speak english. Well, he knows the basics and the teacher told my wife that it doesn't really matter for firstimers. We're excited and at the same time nervous. Soon, he will start his own life, handle his own problems, experience the highs and lows and there's only one thing for sure, I will always be in his side.
Tuesday, September 07, 2004
Em Bek!
Ambilis ng araw, namputcha! 2 months mahigit palang bakante tong blog ko. Daming nangyari, daming maganda, daming di maganda. Pano ba masimulan ang wento?
Morning ritual:
Gigising ako ng 7:30, si A nakaligo na kikilitiin ang paa ko para magising, diretso sa banyo, shower, tutbras, bihis. di na ko kumakain ngayon ng bf, lekat, nananaba na ko mula ng dumating sila 2 months ago. Dami kasing magluto pati sa umaga kaya heto namamaga na pisngi ko, medyo lang naman. Si baby S, magigising na yan habang nagbibihis kami, mmag dra dra minsan, iwan daw sya?, minsan makulit na, hahanapin ang mga laruan na napaginipan nya, minsan, umaga pa lang, pawis na ko kakahanap ng mga laruan o kung anu-ano na yan, eh medyo spoiled kaya yan, kung ano ang gusto, yun ang masusunod. Di bale na makulit, pasok na rin naman ako sa ofis, kulitin nya lola nya, bwehehehe! As usual, late na naman sa ofis, hayyy!
Monday, June 14, 2004
TANDUAY (Rhum-Cola)
Tanduay Rhum
Coke
Ice yelo
Medyo matamis pag hinalo sa coke, tama ba yung narinig ko na nagiging mataas ang acidic content ng rhum pag hinalo sa coke...urban legend!
sarap naman eh, matamis pero swabe ang tama!
Seafoods masarap na kasabay na pulutan dito, wow wee! Masarap yun kinilaw na isda o kaya buttered prawn, syet nakakapaglaway! pero kung may pritong GG, okna rin...hehehe!
Nauso ESQ bata pa ko eh, wala kong maalala na kwento tungkol dito maliban sa pag-iipon ng bote para itinda sa magbobote, singkwenta o piso yata isang bote ng ESQ, pero pag may basag sa nguso, rejected! hehehe, isa to sa pinagkakaperahan ko nun bata pa ko, mga lasenggero kasi tiyuhin ko
Saturday, June 12, 2004
GIN-TONIC
eng-gri-dyents:
Gin (bilog or gilbey's)
Tonic water or sprite
lemmon lime or kalamansi
slice of apple
Mix 1 part of gin to 1/2 part of pure lime juice...add tonic water or sprite to taste...kung gusto mong medyo matapang konti lang, then put a slice of apple, pampatanggal ito ng pait and add ice...ahhhh! refreshing!
Natikman ko 'to, 7 yrs old pa lang yata ko...kaya nga ungas tatay ko eh.
GIN-POMELO
eng-gri-dyents:
Gin (bilog)
Pomelo juice powder
Ice yelo with water
2 ang paraan ng paggawa nito...karaniwan yung tinitimpla ang pomelo juice then ihahalo yung gin...cocktail(buntot ng manok?) ika nga...matamis kaya peyburit ng mga babae!
Pero may isang teknik na konti lang ang nakaka alam...bawasan ng isang tagay ang gin (bilog) at ilagay ang pomelo powder sa loob ng bote ng gin mismo...alugin hanggang matunaw ang powder sa loob ng bote at Itagay!...Mas swabe 'to kasi di ka iihi ng iihi sa kakainom ng marami.
Ok ba?
GIN with a TWIST
Gin (bilog)
2-3 pcs. Kalamansi
Ice cold Water (tyeyser)
Pigain ang kalamansi sa Gin at Itagay! Pulutan???...hmmmm! chicks, ehehehe! Mani pwede na o kahit anong chichirya.
Flashbacksssss...
Naalala ko tuloy one time nun college...napagtripan tumagay ng bilog pagkatapos ng lunch...It was a humid and sleepy afternoon...Langya! pawis kilikili ko sa ininom namin, bakat pa naman sa t-shirt ko, dyahe sa mga chikababes...pero lakas magpagising ng dugo.
Aral: Laging maglagay ng deodorant sa kilikili.
Friday, June 11, 2004
BEER-GIN
May naalala tuloy akong wentong walang wenta tungkol dito...ang aking pers taym, bwakanabetch! Nag-ROTC kasi ko nung hay iskul, 3rd year ako nun, 4th year yun mga opisers...Niyaya akong uminom ng mga opisers at ang inumin,....BEER-GIN!
Lekat! ang lakas tumagay ni Ma'am at napansin ko ding nilalasing ako....kaya pala ah, may pagnanasa...Nagkunwari syang lasing na at ako ang pinaghatid...shapul! hehehe...wat a gud pers taym ekspiryens! Gusto nyo pa bang ituloy ko ang wento o lasing na kayo?
GIN-CALI
eng-gri-dyents:
gin (bilog o kwatro kantos)
Cali shandy
Ice yelo
preparations:
Mix 1 part gin to 2 parts of cali shandy...put ice and WALAH!
Manamis-namis to mga tol, kaya pwede sa mga chikababes, pero pag tumama...
wow wow wee! Masarap na pulutan dito ay yung maaalat tulad ng mani, chicharon o asin kung walang pulutan.
Fact of the day: alam nyo ba na mabisang breath deodorant ang gin???Tagayin mo lang o ipang-mumog...bango na ng breath mo...amoy chico!
Pers Lesson!
GIN-BULAG
eng-grid-yents:
Gin (bilog o kwatro kantos)
Ice cold Water
Ice yelo
preparations:
walang preparasyon, itagay lang ng itagay at gawing chaser ang ice cold
water...masarap na kasamang pulutan ang chicharon na may sawsawang
sukang maanghang...ahahahay! naglalaway ako
Bakit tinawag na gin-bulag...di ko rin po alam.
HIK!
Sa wakas, may sarili na kong BLOG! teka, ano bang mapapala mo sa pagbasa dito, isa lang masasagot ko parekoy! WALA!
Cge cge....i'll try my best para maging honest and funny tong blog site kong ito...ang at the same time, TAGAY NA! hik!
Alam nyo mga parekoy, dito sa singapore, mawawala ang bisyo nyo. Hindi dahil sa good influence ang mga tao dito (akshule, bad influence sila dahil dami nilang bad breath at bad odor...nyeee!) kundi dahil ang mahal ng YOSI at ALAK dito ...wahhhh!
Kaya heto ako ngayon, heto po ang pinagkaka abalahan...Pag umuuwi nga kami ni bayaw, kahon kahon na gin ang binibili, hahahaha. Mas miss namin gin kesa sa mga imported na alak.
Isa sa mga ipa-publish ko nga pala dito sa BLog ay ang iba't ibang klase ng pagtimpla ng alak...okis? kaya tara na mga parekoy, Tagayan na!