Wento nga ko tungkol sa Singapore. As we all know, it is a fine city. May fine ka pag dumura o umihi ka sa public, nag-rally ka ng walang permit, nagtapon ka ng basura sa di dapat pagtapunan at gumawa ka ng kung anu-anong kagaguhan. Balita ko nga, makakasingil ka ng S$1000 pag may sumapak sa iyo at ni-reklamo mo sa pulis. Daming bawal pero mostly are with regards to proper public behavior and cleanliness.
Madali lang nilang i-implement ang laws dahil maliit lang ang SG. Malaki pa ang Metro Manila. By Mrt, maiikot mo na ang 4 na sulok. Nasa east ang Changi airport, nasa west ang Jurong (port), di ko alam yung nasa north & south, hehehe. Mababa ang krimenalidad dito kaya sarap buhay ng mga pulis. Nagkalat sa daan ang mga tagalinis, bawat kanto may nagwawalis, may nagtatabas ng mga damo, naghahakot ng basura at bawat sulok ay may upgrading works. Accessible halos ang lahat ng part thru mrt at bus pero syempre, sarap pa rin mag taxi paminsan-minsan.
Rapsa ang pagkain dito, medyo spicy pero ok sa panlasa ng pinoy. Normal ang turo-turo dito, hawker centre ang tawag. Tamad magluto ang mga local kaya most of the time, dun sila kumakain. Ang mga local fav. dito ay Noodles, Chicken Rice, Nasi Lemak, Indian foods like roti prata, murtabak at halo-halong ulam parang kaning baboy. Ipapaliwanag ko sa susunod na entries ang mga local delights dito.
Singlish ang national language. Kailangan, marunong kang maglagay ng "LAH" sa dulo ng bawat sentence mo at dapat alam mo rin magsalita ng 'ALAMAK' at 'WALAWEH'. Pag di mo ginaya ang tono at sentence structure nila, mahihirapan ka nilang maintindihan. Sample:
English: Why can't I open the drawing file?
Singlish: Alamak! da dowing kenat open meh! Why yah!(pagalit)
English: Don't fool around!
Singlish: Don't play play!
Ang mga pasyalan dito ay Sentosa, SG Zoo, Jurong Bird Park, sandamakmak na Malls at wala na! hehehe. Maraming parks dito, one is East Coast park along East Coast beach. By bridge lang kung pupunta ka ng Malaysia at ferry kung gusto mong pumunta ng Batam Island, Indonesia. 3 hours by plane kung uuwi ka ng Pinas pero mas mahaba pa ang itatagal mo sa Airport natin kesa sa byahe. Geylang ang Red light district dito. Sabi nila, may mga aquarium daw dun na may mga sirena sa loob pero di pa ko nakakita, malalaki siguro buntot ng mga yun? Pero masarap dun ha, ang mga pagkain, sabi nila. HIK!
Wentong lasing, wentong walang wenta, wento ng buhay-buhay, wento ng mga walang wentang tao dito sa singapore, nasa oz na!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment