Tumawag this morning yung isa kong tropa, tanggap na sya sa Sydney, ok sa olryt! Aayusin na ang work permit nya and in 1 month, punta na sya dun. Kaka-inggit pero ok na ok rin dahil sabi nya, trial daw ng company yung sa kanya kung ok ang work attittude ng mga pinoy at pag pumasa, magha-hire pa raw ng mga pinoy galing dito sa Singapore at isa ko sa mga first recommendations nya. Alright!
Isa ang Australia sa list ko na pwede kaming mag-migrate, Canada, US maybe at Italy kasi may mga relatives ako dun. Within 2 or 3 years sana, maka-alis na dito. Ano bang magandang basehan kung saan ok na mag-migrate? Iniisip kasi ng ordinaryong pinoy, basta makapag-abroad at maka-alis sa Pinas, ok na. Sabagay, simple lang naman tayo, basta may work at makakain ng maayos ang pamilya, ayos na. Pati nga Iraq, patos-patos na kahit nakabaon sa hukay ang isang itlog este paa. Nabasa ko nga na nasa top ten na ulam ng ordinaryong pinoy ang toyo at mantika. Ano yun, adobong mantika? Kasama din ang Sardinas at Instant noodles. Kaya nagiging utak sardinas ang iba at sinasama sa suicide pati sanggol na walang kamuwang-muwang.
Maganda at mataas ang standard of education sa Australia. Actually, isa ito sa study den ng mga Singaporeans. Mayayabang ang mga local pag graduate dun, akala mo Australians na rin sila eh ambabaho naman ng bunganga pag umaga, hehehe. Honored naman kasi ang degree nila to most part of the world di tulad sa tin, jr. college lang yata ang katumbas ng degree. Nagtataka nga ko, bakit ganun? Bakit di natin maitaas ang standard of education natin? Para ano pa at magpapakahirap ng 5 years eh ang katumbas lang sa ibang bansa nun ay 2 or 3 years. Tinataas nila taon-taon ang tuition fee pero di nila maitaas ang level of recognition ng degree natin. Buti na lang, di pa rin nawawala ang abilidad natin at makikita mong pinoy pa rin ang mga work horses ng mga companies kahit saang bansa.
Hopefully, makapag-migrate kami kung saan safe, maayos ang quality of living, work and environment. Although, gusto ko pa ring umuwi sa ting bayan, saka na lang siguro pag maganda na ang naririnig kong balita at kung sigurado na kong di mag-uulam ng adobong mantika ang anak ko.
Wentong lasing, wentong walang wenta, wento ng buhay-buhay, wento ng mga walang wentang tao dito sa singapore, nasa oz na!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment