Two weeks ago, I went around our building and took some photos of the machines that we are going to sell. We have a 4-storey office cum factory building, the 2nd floor is used as office and the rest are for carpentry workshop and storage.
For 3 years working here, this is my first time na napuntahan ko ang bawat sulok ng building. Luma na 'to, tinayo yata to during 70's at di na napa-renovate. Most of the office employess ay di nagpupunta sa factory dahil maalikabok. Part of the 3rd and 4th storey ay ginawang storage area, maraming madilim na sulok at maalikabok. Nagkalat ang mga un-used carpentry machines sa building kaya naikot ko halos ang lahat ng floor. Sa araw, ok lang siguro na mag-ikot sa building pero ewan ko sa gabi. Kung ikukumpara ko ito, parang haunted house sa taas. Madilim, madumi at un-occupied dahil lahat ng workers, sa ground floor na ngayon nagtra-trabaho.
So, kinunan ko na nga ng pictures ang mga dapat kunan. Wala rin sa isip ko ang multo dahil di naman ako naniniwala talaga dun. Natapos ko ang 3rd and 4th floor na walang problema pero pag dating sa ground, may nakunan ako na di ko inaasahan. In-appload ko na agad from the digital camera ang mga pictures at dun ko nga nakita yung isang picture na napuno halos ng mga balls of tansparent light at iba-iba ng diameter. Sa pinaka-gitna ng bawat bilog, may maliwanag na dot. Pinakita ko agad ito dun sa officemate kong weirdo na naka-wentuhan ko tungkol dito at sinabi na nga nya na matagal nya nang alam na may mumo dito sa building. According to him, ang chinese-belief nila tungkol sa bilog na yun ay mga spirits, yung pinakamaliwanag sa lahat, sya raw ang leader. Nakita ko nga na iba-iba ang intensity ng glow at diameter nila. Kung mag-aalay ka raw sa kanila, which he always do, they will guide you and prevent you from accidents. Bubulungan ka pa raw nila ng number na tatayaan mo sa loto. Tadong yun, kaya pala nag-alay agad ng mga prutas at nagsindi ng insenso, humingi pala ng tatayaan sa loto. And one more thing, di raw lahat, pwedeng makakuha ng ganito. Yun lang daw may bukas na 'third eye'. Although di pa rin ako naniniwala, minsan nararamdaman ko kung maganda ang ambiance ng lugar or hindi. Mabigat ang loob ko at madaling sumakit ang ulo ko pag di ko type ang isang lugar.
Anyway, nag-research ako sa internet tungkol dito at ORBS pala ang tawag dun.Heto yung picture na nakunan ko at kayo na bahala kung maniniwala or hindi pero yung ibang picture na malapit sa area, malinaw at walang bilog-bilog. Mukhang nabuksan din ang sense of adventure ko kaya i-try ko pang magmasid sa building namin at maghanap kung may seksing multo dito. Hik!
Wentong lasing, wentong walang wenta, wento ng buhay-buhay, wento ng mga walang wentang tao dito sa singapore, nasa oz na!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
This are just dust, that reflects the flash
Post a Comment