Kulang ang pagkabata mo pag di mo naranasan mangaroling kasama ang mga kalaro mo. Pinitpit na tansan, tambol na gawa sa lata at plastic sheet, palakpak at padyak! Naalala ko pag nag-umpisa na ang simbang gabi, simula na rin kami ng pangangaroling na magkakalaro. Bago yun, naka-assign na kung sino ang gagamit ng iba't ibang instrumento at kung sino lang ang kakanta. Iba kami eh, di tulad ng ibang mga bata na wala sa tono at walang praktis bago mangaroling, may arrangements ang mga kanta namin, hehehe. Pero ako, laging karakas ang hawak ko. Gawa ito sa maliit na bao ng niyog na nilagyan ng bato sa loob.
Naranasan na namin masigawan ng lasing, madabugan ng pinto at mahabol ng aso. Kaka-asar minsan ang ibang bahay dahil di pa nagsisimula ang kanta, Patawad agad. Ang iba naman, may nakapaskil na sa gate na Merry X-mas, Patawad! Siguro, mga kampon ni Batman. Meron naman, galante at mababait. Iyon ang mga bahay na binabalik-balikan namin ng halos gabi-gabi hanggang mamukhaan na kami ng may-ari. 'Kayo na naman! eto 25c, wag na kayo babalik!' Bukod sa karakas, ako rin ang taga-sigaw sa bandang huli pag barat o patawad ang may-ari ng bahay. 'Tenk U! Tenk U, Ambabarat ninyo! Tenk U!, sabay takbo ng mabilis, hehehehe. Yun ang favorite ko, pagsigaw sabay takbo.
Ang pinaka-masarap sa lahat, ang hatian ng napamaskuhan. Equally divided naman lagi pero maraming reklamo lalo na pag maliit lang ang total.
'Eh di naman sya kumakanta!'
'Eh sintunado naman yang tambol mo kaya masakit sa tenga!'
'Eh ambaho mo kasi, di ka naligo kaya nakasimangot yung may-ari!'
Maya-maya, may suntukan na dyan, hehehe. Meron iiyak, meron tatawa, meron malungkot pero halos lahat ay masaya, dahil meron na naman kaming pambili ng candy sa tindahan.
Wentong lasing, wentong walang wenta, wento ng buhay-buhay, wento ng mga walang wentang tao dito sa singapore, nasa oz na!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
5 comments:
looking back, naranasan ko din yang karoling na yan na tulad ng naranasan mo, yung pag bagsakan ka ng pinto, habulin ng aso, sigawan ka ng hindi ka pa nagsisimulang kumanta and op kors yung hatian ng "kita"
pero tsong, sa naalala ko, wala akong "mabahong" kasama sa pag karoling, aktwali natawa ako sa sinulat mong "eh ang baho mo kase, di ka naligo kaya naka simangot ang may ari" putik na pahagalpak ako ng tawa don ah, parang naimagine ko na mga uhugin kayo nung mga panahong yon hehehehe ang buhay ng batang pinoy ng araw talaga ano? walang kapalit yang memories na yan..
pero tsong ang sarap maging lolo hehehehehehe yipiiii!
hehehe bossing, tignan mo kung anong oras ko sinulat tong entry - 4am. Actually, before 3am gising na ko pero di ko maalala yung napaginipan ko. Busy na ko sa sideline(work) ko ng bigla kong maalala, tungkol nga pala sa x-mas carols. Then nag-flash back na lahat mula pagkabata. Sarap maulit yung feeling noon, na ramdam na ramdam mo ang simoy ng pasko.
Merry Christmas din sayo! Mamya pagkatapos ng office, magsusulat rin ako ng pasko noong dekada sitenta sa baguio. Matanong nga, ano'ng sideline yun? :-)
Sopas the voice of an angel....
Rudolph the red nose reindeer, tsu-wari-wari-rap...
Merry Christmas!
Watson pre, sekretong malupet ang sideline ko, hehehe.
Merry Christmas, Bossing Huse...mukhang maaga kang naka-bonus ha...pa-tsu-wari-wari-wap ka pa, hehehe
Post a Comment