As usual na balita, wala pa rin ang mga dependent passes ni wife and baby S for them to stay with me here. But i have extended their tourist visa for
another month, kaya tuloy ang ligaya.
Malaki na ng improvement ni baby S sa swimming. Last weekend, inalis ko yung maliit na floater nya for both arm, and he can swim! Madali nga lang mapagod pero tuwang-tuwa ang mama nya kahit daig pa sya, heheheh. But for this weekend, pass muna kami sa swimming. Medyo maitim na kami (si babay S medyo, ako super nangitim) at di na cute tignan. Scrotumized na ang kutis ko at konting wrinkles na lang, kutis-scrotum na ko. Sa bath tub na lang muna kami si-swimming, hehehe. Naalala ko tuloy ng first time naming magsabay maligo at nakita nya ang 'tatay ng putotoy' nya, natawa ko sa sinabi nya- "hahaha, papa! may basbas sa beyd! (read: may balbas sa bird). Mamatay ako sa kakatawa nun pero naisip ko din, baka masama na nakakakita ng matured private part ang bata kahit wala pang kamuwang-muwang, kaya mula noon, naka-undie na ko pag sabay kaming maligo with matching 'goggles'. Pinipilit nya kasi akong ipasuot yung goggles ko pag suot nya rin ang kanya, kaya pagbigyan na lang, anlakas kasing umatungal lalo na't nasa banyo kami, ume-echo sa buong apartment ang mala-tarzan na atungal. Kaya mukha akong tanga na nag sho-shower minsan na may goggles, ok na rin, di nalalagyan ng sabon ang mata ko.
Cool talaga ang world wide web, dami kong na namang bagong kilala at mga kaibigan. Ok sa olrayt ang blog at marami akong natututunan. Si wife din, may blog na but still
under construction, it will be more about her and baby S and their everyday activities plus photos. Kaya abangan nyo na lang ang kulitan nilang mag-ina sa araw-araw dito sa Singapore.
Hayyy!, kakatamad na naman mag-work kaya pa-blog-blog na lang muna. Turuan ko kayang
mag-blog ang boss ko?
Wentong lasing, wentong walang wenta, wento ng buhay-buhay, wento ng mga walang wentang tao dito sa singapore, nasa oz na!
Friday, October 29, 2004
EXTENDED!!!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
10 comments:
p're,
nakagoggles ka na rin lang naman, gumamit ka na rin ng salbabida. To be safe you know.(sabay igkas ng leeg).he
he hic
M're, hehehe! salamat sa suggestion pero baka di ko masabon yung nasa dako paroon pag nag-salbabida ako,
mahirap abutin, hehehe.
sabi ng ibang psychologist, mabuti raw na nakakasabay ng mga magulang na maligo ang mga anak.
I looked up a link that might interest you: http://www.drspock.com/article/0,1510,6246,00.html
ganyang ganyan nagsimulang mag swimming mga anak ko. Ang gagaling ng lumangoy ngayon. As a matter of fact, nasa training team ng swimming yung bunso ko.
Ganda rin ng blog mo. kakaaliw.
Hello Ate Sienns,
Ngayon ko lang nabasa yang tungkol sa paliligo kasama ang parent and thank you po sa (very imformative) link.
Nagiging curious na nga sya sa kung anu-anong bagay dahil masyado na syang observative.
Sir Rolly,
Salamat po sa pag-comment! yan din pangarap ko sa anak ko, maging athletic and health-wise, it's good for them na ma-train ng bata pa and it's their decision kung sasali sila sa mga competition later. Ako kasi, tirador at bahay-bahayan ang sport ko nung bata pa ko, hehehe.
Sundan niyo na si Sean.
things that parents do for their kids, even to weak goggles inside the shower...who would you do that for? :) looking forward to ai's blog, keep us updated... love your new blog look !
Fions, di pa pwedeng sundan ngayon, meron pa si mama ai ('ai' means love in chinese), baka next week pwede na, hehehe.
Hello G, thanks for the comment.
Pre, kudos sa new template mo. Gleng gleng!
salamat Pre watson! yan ang patunay ng petiks sa opisina, hahaha!
Post a Comment