Wentong lasing, wentong walang wenta, wento ng buhay-buhay, wento ng mga walang wentang tao dito sa singapore, nasa oz na!

Friday, September 10, 2004

CUERVO!

Matagal-tagal na rin akong di nakaka-inom ha. Last saturday, tinulungan kong maghakot ng mga bigay na gamit sa bahay ang tropa kong si Vince. Lumipat kasi sila dahil walang grilles ang mga bintana nila, delikado sa mga anak nya at ayaw namang palagyan ng may-ari. Ayun lumipat sila pero unfurnished, walang kagamit-gamit kaya nanghingi na lang sila sa mga kakilala. Pinaki-usapan ko si bebsi kung pwedeng makigamit ng pick-up nya, pumayag naman. Nakahakot kami ng 3 kama. Pinakain nya kami ng dinner sa kanila at binigyan kami ni bebe ng isang Jose Cuervo Tequilla....okhey sa olrayt! Kaya this saturady, malamang babanatan namin yun.
For quick and easy serving, lemon and salt lang ang katapat nyan, sarap na di ba? Mas okay kung may body shot pero wala naman pwedeng i-body shot, body shot mo si dubyana, gusto mo?
Pero kung gusto mong medyo maiba naman, try this:

eng gri dyents:

1 ounce Taquilla
1/2 ounce strawberry schnapps or any strawberry juice(tapangan kunti ang timpla)
lime/lemmon and salt

Rub rim of glass with a rind of lime/lemmon and dip in salt. Shake ingredients with ice and strain into cocktail glass. SWABE!

No comments: