Tagal ko na palang di nakaka-kain ng tsamporado, matingnan nga sa site ni Ma'am Celia kusinera o Ma'am Ting-aling kung meron silang recipe ng tsamporado. YUM!
Ano nga pala english ng tsamporado? CHAMPORADES?
Ang handa nga pala namin last Christmas Eve:
HONEY-GLAZED TURKEY - na pagkahirap ubusin,;
ROASTED BEEF - na pagkahirap nguyain;
SPAGHETTI - na mas ok yatang tawaging kinamatisang noodles;
LECHE FLAN at BUKO SALAD - di na lang hinanda yung garapon ng asukal, prehas din ng lasa;
AFRITADA - kalderata daw yung niluto nila, sabi ng iba, lasang mechado, yung iba naman daw, afritada, kaya nag-botohan,ang nanalo, afritada, okey ngarud;
and my favorite sa lahat - TINAPAY NA WALANG PALAMAN - na sinawsaw sa red wine.
Sarap ng handa namin, nabundat ako sa kabusugan. Sana kayo din :)
Wentong lasing, wentong walang wenta, wento ng buhay-buhay, wento ng mga walang wentang tao dito sa singapore, nasa oz na!
Monday, December 27, 2004
I miss u...Tsamporado!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
9 comments:
(belated) merry christmas, and a prosperous new year to you and ur loved ones!
Uyyy Bossing bongk, welkum bak! salamat at manigong bagong taon din sa iyo!
Pre Tanggers! Maligayang Pasko sa yo at sa family mo!
hello p're watson, salamat salamat! kayo? musta pasko nyo?
salbahe ka p're. magalit ang nagluto niyang spaghetti.
ba't walang palaman yong tinapay na isinawsaw mo sa red wine. hichichic
Salbahe ka talaga. Wala pa akong tsamporado pero ititimbre kita pag meron na.
M're, ahehehik! try mo yun, tinapay na sinawsaw sa red wine, masarap pero madaling makabusog :)
hello ma'am ting-aling! tenk yu tenk yu! di ko kasi alam kung ilang kilong bigas ba ang iluluto sa isang kilong asukal at cocoa powder :)
just blog hoppin' :) i like this blog-post, kakatuwa. hope you're having a grand time in singapore. we visited singapore on a budget & we had a fantastic time! in bisaya, we say TAGAY BAI!
Post a Comment