Wentong lasing, wentong walang wenta, wento ng buhay-buhay, wento ng mga walang wentang tao dito sa singapore, nasa oz na!

Tuesday, November 23, 2004

Torete

Kaka-inis, kaka-asar, kaka-torete! Ewan ko ba kung pano ang posisyon ko ng pagtulog kagabi at paggising ko, may naipit na ugat sa batok ko. Meron na naman akong stiff neck. May sumpong si wife kagabi at sigurado, pag may sumpong yun, mahahawa na ako at mas malala pa. Kaka-init kasi ng ulo yung pagod sa trabaho at sa kakalakad ng mga sideline, tapos pag uwi mo, susungitan ka pa. Pag ganyang sitwasyon, mas umiinit pa ang ulo ko. Pag nagsalubong na ang kilay ko, sumasabog na ang kung anu-anong toxic sa utak ko. Kaya siguradong World War 3 na naman. Ewan ko ba kung ano na naman ang problema nun sa buhay nya kaya ang ginawa
ko imbes na patulan ko, tinulugan ko pagkatapos kumain. Ayun, sinumpa yata ako at paggising ko ng 4am, may stiff neck na ko. Tatapusin ko sana ang mga revisions ng sidelines ko pero kunti lang natapos ko at nakatulog ulit ako.

Heto ko ngayon, maghapong inat ng inat dahil hindi ako komportable sa pag-upo. Buti di pa sumasakit ang ulo ko, malamang mamaya. Di ko pa rin nakaka-usap ang boss ko tungkol sa sick leave ko. Kanina lang pumasok after 2 weeks na nasa China at umalis agad kaninang tanghali. Ah basta, naka-schedule na yung doctor ko sa Pinas para sa surgery ko. I'll do it by hook or by crook. Feeling safe naman ako sa company namin kasi kaka-renew lang ng 2 years ang Pass ko. Ang problema lang, baka di ako
makapag-claim, di bale na lang. And guess what, 10 days daw ang kailangan ko bago ako payagang bumalik ng doctor ko. Ayus!

10 comments:

Cerridwen said...

Jock could be PMS -just give her a break :) for the stiff neck, I find those massager helpful, a nice warm deep in the tub soaking your whole body up to your neck...and 500mg of Vicodin hehehe...hope you feel better tomorrow *hugs*

heartcaptures said...

baka naghihintay lang si misis na makausap ka. minsan kasi ang mga bagay na di nasasabi, nadadaan sa dabog at pagsusungit. hehe.

sana mawala rin yang stiff neck mo. hirap rin si habiduds ko when he gets that almost every year ha. (o di ba may timing pa?)

ingat po! (:

Nick Ballesteros said...

Does this mean babalik ka sa Inang Bayan for ten days? Yehey! Inom tayo habang under medication ka!

ting-aling said...

Ayan, minsan kasi ang mga lalaki hindi marunong umintindi..alam mo p're, (yikes..natututo na rin ako)..ako kung minsan ganoon din..ang hinihintay ko eh konting "Hello Mahal, kumustang araw mo? O ba't parang kunot yata ang noo mo?".(sabay haplos sa buhok o kaya sa shoulders, o kaya kahit saan mo gusto-hehe). Kala mo ba madaling mag-stay sa bahay? Hindi, uy! Nakakabagot din lalo na kung makulit ang inaalagaan mo. At saka kung kaya mo, huwag mong tutulugan ang problema..buti ka nga pinatulog eh. Ako, di ko pinapatulog ang asawa ko hangga't di namin naayos ang aming problema. Bahala siyang mapuyat..ako madali akong mag-call-in sick..'kala niya -huh! Minsan lang dumadalaw, nanermon pa ano?

Anonymous said...

hindi kaya kinulam kaya niya?
biro lang.hehehe

BongK said...

yan ang isa sa mga "perks" ng may asawa (yung pakitaan ka ng bad mood hahahahaha, pero pag humupa na ang bad mood eh labing labing ulit kayo hehehehehe) biro lang pare

sana ay magkita kita tayo sa pag uwi mo sa disyembre kaso ang kinakatakutan ko eh baka ipadala ako sa Jakarta (putang buhay to oo, kung kelan pa pasko at bagong taon), aktwali ako na nga talaga ang ipapadala ng opisina namin (eto naman ang isa sa mga "perks" ng single--yung ibala sa kanyon kahit anong oras o okasyon ng panahon)

magandang araw sir!

Jhun Billote said...

ey, tangger bro: di kaya naglalambing lang si misis?...pag bumulong yun ng "manhid"...baka nga...hehehe. pero ok yun, pag mainit ang ulo ng isa, tahimik na lang, wag ng sasalubungin ang galit...baka sumabog pa. minsan siguro kausapin mo rin, malay mo baka me gumugulo rin sa isip nya.

Tanggero said...

Hi G!...nah, not a pms, kakatapos lang nun, alam ko. Fot his stiff neck, mas masarap kung tao ang magmamasahe, natural massager, natural heat :)

Hello Tin! Ganun talaga yun, minsan may topak kahit di ko alam ang dahilan, ayaw magsalita. Ganun din naman ako minsan, aheheh. Hirap may stiff neck, para 'kong robot na may kalawang sa leeg. Ty po!

Hehehhe P're Watson, under-negotiation pa...abangan na lang kung papayagan. Pero pag natuloy, inom kayo, ako pulutan.

Hello Ma'am Ting...hehehe, mababaw ako kasi pagdating dyan. At pag sinungitan ako ng di ko alam ang dahilan,
pati ako nahahawa sa kasungitan. Kaso nga lang, iyakin si mrs., alam nya kahinaan ko. Di ko rin alam kung ano gusto nya, mag-work o mag-stay na lang sa bahay, di nagsasabi eh. Hay babae!

Anoni...malamang tinusok ng karayom ang batok ko, sakit eh.

Bossing Bongk...ahehehe, nasanay din ako sa pagkabinata na walang nangingi-alam, lumaki rin akong independent kaya minsan hirap intindihin. Under negotiation pa ang bakasyon ko, may bagong project eh, tignan natin kung ano desisyon ng boss, medyo matagal kasi ang 2 weeks. Alam mo na inchik, "ako luki wala kita".

Sir Metal, heheheh, hiwalay kung hiwalay - ang puti sa de color. Ewan ko ba, part siguro ito ng tinatawag nilang 7 year itch at nasa 3rd year palang kami, nangkupo!

ting-aling said...

Maiba ako ha Kuyang pogi..yung url ko naiba. www.worldclasscuiscene.blogspot.com na siya..pakibago ha. Salamat at meri krismas!

Tanggero said...

Ok Ma'am Ting-aling ganda, naks, hehehehe. Post ka naman ng pix nyo po.