Hayyyy! it's nice to be back! tinamad kasi kong mag-blog, mas masipag akong magbasa at makichismisan sa blog ng iba kesa magsulat dito...sabagay, di naman talaga ko magaling magsulat, di rin ako magaling magsalita...pero gustong gusto kong mag share ng mga ideas. Pinalitan ko na rin ang title ng blog ko, para naman 'universal' kuro kuro na ang mailagay ko dito, di lang naman puro alak ang laman ng kukute ko.
Ambilis ng araw, namputcha! 2 months mahigit palang bakante tong blog ko. Daming nangyari, daming maganda, daming di maganda. Pano ba masimulan ang wento?
Morning ritual:
Gigising ako ng 7:30, si A nakaligo na kikilitiin ang paa ko para magising, diretso sa banyo, shower, tutbras, bihis. di na ko kumakain ngayon ng bf, lekat, nananaba na ko mula ng dumating sila 2 months ago. Dami kasing magluto pati sa umaga kaya heto namamaga na pisngi ko, medyo lang naman. Si baby S, magigising na yan habang nagbibihis kami, mmag dra dra minsan, iwan daw sya?, minsan makulit na, hahanapin ang mga laruan na napaginipan nya, minsan, umaga pa lang, pawis na ko kakahanap ng mga laruan o kung anu-ano na yan, eh medyo spoiled kaya yan, kung ano ang gusto, yun ang masusunod. Di bale na makulit, pasok na rin naman ako sa ofis, kulitin nya lola nya, bwehehehe! As usual, late na naman sa ofis, hayyy!
Wentong lasing, wentong walang wenta, wento ng buhay-buhay, wento ng mga walang wentang tao dito sa singapore, nasa oz na!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment