Wentong lasing, wentong walang wenta, wento ng buhay-buhay, wento ng mga walang wentang tao dito sa singapore, nasa oz na!

Wednesday, October 13, 2004

Don't be a fool, man!

Sarap sigurong:

1. Magkaroon ng bahay na may pool with jacuzzi, malawak na garden at may greenhouse na may iba't ibang klaseng orchids at mga halamang may makukulay na bulaklak.
2. May modded-car, lowered, aero-dynamic parts, hi-fi stereo with matching speakers sa compartment, customed racing wheels at fully-black leather upholstered ang upuan.
3. May 2 alagang aso, isang doberman at isang st. bernard.
4. May small business na sufficient enough to provide the everyday necessities.
5. May 10 million pesos fixed-deposit sa bank which will accumulate ng more or less 50 thou pesos a month interest.
6. May licenced 45mm. hand gun for target shooting at personal protection na rin.
7. May game room sa bahay with wine and liquor bar and pool table.
8. Maging vegetarian.
9. May personal assistant at butler.
10.May helicopter at maging licenced pilot nito.

Potrages na yan, ang sarap mangarap! Malamang, uugod-ugod na ko, wala pa sa kalahati ang natupad ko, unless.... maging pulitiko ako, hmmmm!

7 comments:

BongK said...

masarap talaga mangarap, libre pa, yang pangarap mo eh sa totoo lang ay madali mong makukuha ang mga yan. Sumapi ka sa front guerilla unit ng ASG o kaya ng MILF, or pataya ka ng lotto dito sa pinas (malay mo tumama ka).

Yung No. 5 wish mo eh talagang malabong mangyari yan considering the fiscal deficit ng pinas.

Yung No. 6 wish - pag uwi mo ng pinas, punta ka ng Camp Crame for shooting and security escorts

Yung No. 7 and 9, antay kang manalo sa lotto

No. 8 - nasa disiplina mo lang yan, wag ka kasing masyadong matakaw sa "karne"

fionski said...

Ano ito wish list mo?

Tanggero said...

BOSSING, GUSTO KO NGA SANANG GAYAHIN YUNG STYLE MO NA MAGLAGAY NG KANTA SA END OF ENTRY, 'MANGARAP KA' BY WENCY CORNEJO. AGREE AKO SA IYO, WALANG MASAMA SA MANGARAP, MAS MASAMA CGURO KUNG WALA KANG PANGARAP, HEHEHE.

PYONSKI, WILD WISH LIST KO LANG YAN...HINDI NAMAN AKO PAPAKAMATAY SA KAKA-WORK PARA LANG MAGKAROON NYAN. OK NA SA KIN ANG MAPAG-ARAL KO NG MAAYOS ANG ANAK KO. PERO YUNG NO. 2, KUNG SAKALING BIBILI AKO, GANYAN ANG BIBILHIN KO, PERO MALABONG LOWERED KUNG SA PINAS, SAYAD SA HUMPS YUN SAKA SA POT HOLES, HEHEHE.

Tanggero said...

sowee, naka-caps lock pala, ahehehe

Nick Ballesteros said...

Sarap nga ng mangarap hehehe. Kung kukwentahin mo, anlaking panahon ang ginugugol ko sa cubicle kong ito. Sayang di tayo pinanganak na may 'silver spoon' na nakasubo. At least masaya kahit di tayo coño! hehehe.

Tanggero said...

Watson pre, ganda pa rin yung sariling pinaghirapan... mas pinahahalagahan mo ang pinaghirapan mo, pwera na lang kung gastador tulad ko mwhehehe.

hello carol, salamat sa pagdaan ha... si baby S, first day nya sa first school ngayon, trial lang.

cathy said...

P're,

Tama na sa akin ang deposit na tumutubo ng sapat para ikabuhay ko. Tapos, kain,tulog,gising na lang ako.