Wentong lasing, wentong walang wenta, wento ng buhay-buhay, wento ng mga walang wentang tao dito sa singapore, nasa oz na!

Wednesday, October 06, 2004

Laying eggs

T : Bakit daw dumarami ang bakla sa mundo, di naman sila nanganganak?

S : They're laying eggs daw, mwehehehe! (read:nang-iitlog)

Meron kayang malignong bakla or multong bakla? Anong gagawin mo pag ni-rape ka ng multong bakla?

Disclaimer:
Di ako against sa bakla or homo, this is only a joke. Peace men! errr, women w egg?


Narinig ko na at nabasa ba yung mga sinasaniban ng masasamang espiritu, tikbalang, dwende or mga maligno? Personally, I don't believe it. Pero nung bata ako, bumubulong muna ko ng 'tabi-tabi po nunong punso' bago umihi sa puno or pader, buti nang safe, balita ko pag naka-ihi ka ng nuno, lalaki ang itlog mo, yun eh nung bata pa ko. Ngayon, naghahanap ako ng punso dito, wala kong makita, potrages na yan.

Disclaimer: Naghahanap ako ng punso dahil gusto kong makakita at makahuli ng reyna ng anay.

11 comments:

Cerridwen said...

bakla multo - the other realm has them too?

fionski said...

Gusto mo masubukan ma sabiban ng multo o makulam? Para malaman mo lang ang pakiramdam. Puwede natin gawan ng paraan yan. Hehehe.

BongK said...

asusko, gusto mo lang lumaki itlog mo eh ayaw mo pa aminin, pa-anay-anay ka pa jan hehehehehehehe

Tanggero said...

Hello Cerridwen, dami yatang nagkalat na multong bakla, mwheheh.

nyeheheh Pyonski, charmed ones ka rin pala.

Bossing Bongski, sexcited na ko sa next entry mo, kapana-panabik, asusko, taiwanese yata yun. Isa ka palang pinagpala, hehehe.

fionski said...

Ang babastos nyo! Suso nyo naman pinaguusapan dito!

Ate Sienna said...

may contraption na para lumaki raw ang balls ng lalaki, tanggero. i-search mo sa google, "scrotum enlarger".

sana nga makuha mo na ang mag-ina mo.

Tanggero said...

Ate sienna, paki forward kay bossing bongski yung google search, nyeheheh.
Ty po, nai-apply ko na kahapon ang dependent passes nila, hopefully, lumabas ang result next week.

kiwipinay said...

bakit? maliit lang ba ang itlog mo? yay! ehehehehe....

watson said...

tabi-tabi po .... hehehe. yung tatay ko, ang turo sa amin sa tabi-tabi ay 'bari-bari-bari, bambano ba-i la-ki.' sana tama spelling ko. kasi taga-pangasinan tatay ko, kaya yun ang tinuro sa amin. pero sa baguio kami nakatira. naiintindihan kaya nung mga nuno dun yung tabi-tabi namin sa baguio noon? hmmmm... let's talk it over ...

Tanggero said...

ehehehe ateng kiwi, wala kong sinabing ganyan, tanong mo kaya sa esmi ko, nyeheheh.

watson, dijay di bangers...lolo ko rin rin taga-pangasinan ah, tatay ko naman ilocanized sa nueva ecija...esmi ko naman purong batanguena kaya ang anak namin, tagailogueno(tagalog, ilocano, batangueno).

Rodge said...

patay ka! buking na itlog mo. kung ang isda sa bibig nahuhuli, kaw sa blog. nyehehe