Wentong lasing, wentong walang wenta, wento ng buhay-buhay, wento ng mga walang wentang tao dito sa singapore, nasa oz na!

Wednesday, November 03, 2004

Century Egg

Kagabi, tinatanong ni wife ko, bakit daw antagal kong pumuti samantalang si baby S, maputi na ulit (for info po ulit, nangitim kami dahil kaka-
swimming every weekend). Eh pano naman kasi, sa itlog ko sya nakatingin, maitim naman na talaga yan dati pa, hehehe, joke lang. Di ko rin alam ang sagot, pareho naman kami ni baby S na lagi lang nasa loob ng bahay, ako sa opis. Naghihilod naman akong mabuti pag naliligo, dove cream soap pa nga ang gamit kong sabon at kuskos pa ng labakara (tama ba word ko?). Teka nga, papaputi ako tapos pag nag-swimming, iitim ulit? Labo yata nun. Nagiging concious tuloy ako, makapabili nga ng likas papaya soap, tumalab kaya? hehehe.
Pinag-uusapan din namin kung time na para sundan si baby S, 3 years old na kasi.
Bakit ganun, andaming dapat isa-alang-alang? Isipin ko pa lang ang gagastusin sa edu. plans, diapher, gatas, regular check-ups, etc., umuurong na ang semilya ko. Baka nga mabaog na 'ko dahil umaatras na ang semilya ko sa kaka-isip ng gastusin, eheheh. Samantalang ang ibang tao sa atin, anak na lang ng anak. Ewan ko ba,
kung sino pa ang naghihirap, sila pa ang masisipag mag-anik anik (word courtesy of bakla sa kanto), pagkatapos nun, hahayaan na lang lumaki sa lansangan. At sisihin ang gobyerno kung bakit wala silang makain, hehehe. Labo yata nun, sabi ko nga, lagyan na lang ng 24 hours tv screen sa mga lansangan sa Pinas para may ibang libangan ang tao imbes na magkulong sa kwarto. Dito sa Singapore at sa ibang parte ng mundo, sila pa ang babayaran ng gobyerno para mag-anak lang sila. Pero syempre, the rest of the responsibility, sa kanila na kaya wa epek pa din.
Kaya ang desisyon, wag na munang sundan si baby S. It maybe a good decision for us dahil may mga plano pa kami. Isa pa nga lang, medyo mahirap nang mag-budget kahit pa
sabihin na kumikita ako ng maayos. It is better to think responsible ika nga. Besides, bata pa naman kami, sana nga lang tumigas pa 'to after 5 years, hehehehe.
Pero pangarap ko pa ring magka-anak ng isang basketball team. At pag nanalo ako sa lotto, do-doblehin ko ang basketball team, para mging soccer team, Ayus!

11 comments:

ting-aling said...

Uy, naki comment ako doon sa guwapo mong anak, puwede ba makicomment ulit ako ngayon? Anyway, talking thru experience, masarap magka-anak ng bata-bata ka pa. Ako 24 noong nag-asawa. Nagka-anak agad at the age of 25, nasundan pa agad after six months. Ngayon, tinedyer na sila so bago ako mag 50 malamang wala na sila sa amin. In other weirds--puwede na kaming mag cruise ni honey--hehe. There is never a right time ika nga. Yung iba, gustong magka-anak, di naman nagkaka-anak kahit ano pang gawin nila. Also, parang mga kapatid ko lang sila. Marami pa ring nagkakamali..oh ha..

Tanggero said...

Hello ma'am ting!!!
Wow, kainggit naman kayo ni husbandry mo. Baka masundan pa ulit yung bunso nyo ha? aheheheh.
Yup, I agree though iba na buhay po ngayon kesa noon. Mas ok na rin cgurong i-settle ko muna ang future ng son ko bago ulit magdagdag.

Mec said...

huyst

ang anik-anik is baklang word for kakikayan accessories... at nde for babies :)

anyway, am sure the world is happier that you haven't decided to add another child to its population, not that you don't have the right to, or should feel guilty for wanting to... basta feel ko lang, happier sya :)

Nick Ballesteros said...

Reminds me of the time my wife and I visited his ailing uncle who was being cared for by their katulong and his wife. Sabi nung wife, dalawa lang naging anak nila. Nanghihinayang sila kasi parehong nasa abroad, ni anino nung dalawa di na nila nakikita. Ni-'hi' ni-'ho' wala ata. Sana daw naging mas marami anak nila para sana may naiwan man lang para dumalaw sa kanila kahit paano.

Tapos biglang dating yung ibang kamag-anak nila na kasama mga apo na nila at naki-grand reunion picture-picture na rin ako. Sumaya din sila kahit paano nung araw na yun.

Kami, limang magkakapatid, at masaya naman. Gusto ko sana mga 3 o apat, sana ...

Tanggero said...

Hello Mec!!! yun ba ang anik anik, kala ko anak anak, hahahah. Buti naman happy si mother nature sa desisyon namin, hehehe. Salamat sa comment.

Gurlie!!! aga ka nga nag-anak noh? inggit ako, hahaha.
Tama ka, kaya nga agree ako sa 2-child policy na proposal sa senate. Pero syempre, makikigulo na naman ang simbahan. Hayyyy din!

Pre Watson!!! Depende po kasi yan sa status ng buhay, kung kaya bang magpa-aral at magpakain ng maayos, ok lang na maraming anak. Pero may punto ka, sarap pa ring maraming mag-aalaga sa iyo pagtanda. Yan kasi ang kultura sa tin, pero sa ibang bansa, home for the aged ang bagsak ng mga matatanda.

Tanggero said...

Hello Kikay!!!
Hanggang ngayon, against ang catholic church tungkol sa mga bagay na yan. At nakikihalo pa rin sila sa mga pulitiko sa tin. Kaya hindi maipasa-pasa yang 2-child policy kasi mawawalan sila ng botante sa eleksyon.
Yaan mo Kikay, praktis ako ng tantra at mantra para di kumuluntoy tong akin, pero yoko nyang nasa post mo, mukhang masakit. Kay bossing bongk mo i-offer, hehehe.

fionski said...

Nyemas natawa ako don sa sinabi mong sa itlog mo nakatingin si Ai. Hehehe.

Tanggero said...

Pssst Fionski, juk lang yun, baka ma-imagine mong maitim nga yun, hindi totoo yun, hehehe.

rolly said...

isipin mo ngang maigi ang mga ganyang bagay. Mahirap na pag kasubuan na. Anyway, for all it's worth, maganda rin sigurong mabigyan mo ng kapatid yung anak mo kasi malungkot din ang nag-iisa. Wala siyang kalaro, walang makaka-asaran, walang aalalay kung kailangan niya.. things like that. Di bale na yung parte na pag tumanda na siya e magsasarili na siya at maiiwan uli kayong mag-asawa.

Tanggero said...

Sir Rolly, salamat po sa comment. Gusto pa naman namin magka-anak pa pero di pa siguro ngayon.

Anonymous said...

hehe funny, just hoppin by. cool site, keep it up :)