Minsan, bigla na lang nagfla-flash back ang childhood memories. Kanina, may bigla 'kong naalala na mga kalokohan nung mga grade 2 yata ako. Medyo malawak ang bakuran namin sa likuran noon at maraming mga puno ng prutas, kaimito, bayabas, saging at guyabano (how I miss that place) at sa labas naman ng bakuran ay may mga mangga, santol at aratilis. Ang bayabas, buong taon ay di nauubusan ng prutas, madalas ay may dala akong tabo na may asin na aakyat sa puno at doon kakain. Kung di ako nagkakamali, bago naman mag-summer, hinog na ang bunga ng kaimito. May isa pang puno ng kaimito sa harap ng bahay at kalye, aakyat kami ng pinsan ko at doon kakain sa itaas. Nambabato kami ng buto ng kaimito sa mga dumadaan na bata sa kalye at hagikgikan kami ng tawa sa mga aanga-angang batang dumadaan.
Minsan naman, nakasiyahan naming maglaro ng treasure hunting. May nahukay kasing makintab na kulay ginto ang pinsan ko habang naglalaro kami at dahil nga mga bata ay inakala namin may kayaman na nakabaon sa bakuran namin. Kaya hukay-hukay naman kami. Di pa kami nakakahukay ng malalim, mga isang dangkal pa lang yata, may tumunog na lata. Excited naman kami at baka kayaman na nga yun. Nagmamadali kaming naghukay at excited na inangat ang lata ng lumang gatas. Kalawang na ang takip at mabigat. Sabi ng ugok kong pinsan, buksan na namin at baka kayamanan ng Hapon yun. Sinubukan kong buksan pero mahirap. Matagal na raw sigurong nakabaon at titingin-tingin pa sa paligid ang pinsan ko dahil baka raw may nagbabantay na kaluluwa sa kayamanan na yun. Kumuha 'ko ng kutsilyo para ipambukas sa takip ng lata at pilit na binuksan. Dahil excited ang pinsan ko, kinuha nya sa kin ang kutsilyo at sya ang nagbukas. Sa isang malakas na pressure, tumalsik ang lata at tumalsik din sa amin ang laman ng lata. TAE-NANG yan! oo mga kaibigan, tae ang laman ng lata, pasintabi sa mga kumakain. Natatawa ko pag naalala ko ito dahil kitang-kita ko ng tumalsik sa mukha nya ang lusaw na kayamanan. Bunghalit kami sa kakatawa pagkatapos namin maligo at kahit kelan, di na kami naglaro ng treasure hunting.
Wentong lasing, wentong walang wenta, wento ng buhay-buhay, wento ng mga walang wentang tao dito sa singapore, nasa oz na!
Friday, November 26, 2004
Treasure Hunt
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
4 comments:
ey, tanggero bro...kakatuwa naman kwento mo...nakaka-alala ng nakaraan.
halos di tayo siguro nagkakalayo ng mga kwento. noong bata ako, sa bakurang ng mga lolo't lola, maramin rin akong kwento. maluwag ang bakuran at maraming puno (cacao, kaimito, bayabas, mangga, lemon) at mga hayop (manok, pato, baboy). dito sa lugar na ito maraming nagyaring masasaya sa aming magpipinsan.
sana bro, maski isang araw lang, bumalik tayo sa mga oras na iyon at muling matikman ang mga ganung simpleng kasiyahan...
childhood memories are nice to remember, esp the funny ones, they are stories to pass on to our children
Sir Metal, I'd enjoy my childhood kahit na sa lola ako lumaki dahil sa mga kalokohan naming magpi-pinsan bukod pa sa probinsyang kapaligiran na talagang di ko ipagpapalit sa city-life. Kaya hanggang ngayon nami-miss ko ang lugar naming yun dahil sa mga ala-ala.
Hello G! kwento ka naman ng mga childhood memories mo :)
Post a Comment