I got permission from METAL EARS to publish this entry to my blog, salamat sir!
Sampung Utos para sa mga Tomador
1. Huwag makulit habang umiinom.
2. Huwag matakaw sa pulutan. Ito'y pangsapin lang at di panghapunan.
3. Huwag patagalin ang baso sapagkat me naghihintay rin sa susunod na tagay...ika nga, "di baling magtagal sa suso, huwag lang sa baso".
4. Huwag matutulog habang nag-iinom.
5. Di basta umiinom o nakikiinom lang, bumili rin. Sa madaling salita, mag-ambag ka.
6. Ilagay ang alak sa tiyan, huwag sa ulo.
7. Huwag pakalasing, magtira ng pang-uwi.
8. Huwag basta aalis habang nag-iinom, magpaalam naman.
9. Siguraduhing sa bahay ang diretso pag-uwi.
10. Huwag mananakit ng asawa, lambingin lamang ito at kung maari ay suhulan ng maski ano (halimbawa, pansit) para payagan ulit sa susunod na paalam sa pag-iinom.
Iba-iba kasi ang tama at trip ng isang lasing, meron maingay na kala mo taga-bundok, meron tahimik, meron makulit na masarap sapukin at meron namang iba na anlaki ng bodega at malakas mamulutan. Enjoy na lang natin ang inuman, tagay mo na OGAG!
Wentong lasing, wentong walang wenta, wento ng buhay-buhay, wento ng mga walang wentang tao dito sa singapore, nasa oz na!
Thursday, October 28, 2004
10 Commandments for a Responsible Drinker
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
11 comments:
hahahaha...tanggero bro: ako ang unang magtatanung...sa mga naisalarawan mong mga manginginom sa hulihan...san ka dun?...hahaha. teka, pare...tagay mo na!
whehehehe!
tama ang pulutan eh tipirin!
p're,
padagdag.siguruhin mong bahay mo nga ang nauwian mo.
tagay tayo. hic.
Heheh sir metal, ako yung tumatakas sa inuman. Malulupet na tomador kasi mga kabarkada ko, ako lagi ang unang nagtatawag ng uwak pag sila kainuman ko.
Hello gurlie! salamat sa comment...malakas din ako mamulutan, bwhahah!
hehehe anoni! pag kainuman ko bayaw ko, sagana sa pulutan, mas matakaw sa kin yun eh.
M're Cathy! hehehe, dapat ngang siguraduhin yan, siguraduhin din na kwarto mo at di kwarto ni inday napasukan mo, hehehe!
sa mga misis ng tanggero:
- wag maghahanap at kung mahanap wag manggulpi
- wag mag hintay, at kung mag hihintay salubungin ng yapos
- wag magbunganga at kung magsasalita - hinahon lang
- kung maglambing,pagbigyan, panigurado namang tutulugan
- kung may dalang pansit ngitian at sa susunod pabayaan
- kung mabaho paliguan pero kinabukasan
ok ah....
hahaha anoni! malas na lang pag may pagka-terorista ang esmi, siguradong mababato ng pinggan ang laseng.
napakaimportante ng mga utos na ito. maraming kalalakihan ang sumusuway nito kaya ayun, nilalayasan ng asawa. Bugbugin ba naman ang asawa, e bakit di lalayasan. Ang pinakamahirap na kainuman sa lahat yung mainitin ang ulo. Kaya nga umiinom para magsaya, tapos, mapapaaway. Hindi na nakakaulit sakin ang mga ganong kainuman. Nilalayasan ko na lang. MAs masarap pang matulog.
Sir Rolly, daming case na ganyan lalo na sa atin, nagugulpi ng asawang lasing at worst, nadadamay pati ang anak. Epekto kasi pag sobrang lango sa alak pati utak nalalango. Hehehe, tama ka, mas masarap pang matulog kesa problemahin yang mga makikitid ang utak na yan. Tagay mo na Sir.
Thank you!
[url=http://akbjkgig.com/dfce/ubnj.html]My homepage[/url] | [url=http://taifrbdr.com/mpad/irhq.html]Cool site[/url]
Thank you!
My homepage | Please visit
Good design!
http://akbjkgig.com/dfce/ubnj.html | http://hsiiopwi.com/uwje/zuud.html
Post a Comment