Wentong lasing, wentong walang wenta, wento ng buhay-buhay, wento ng mga walang wentang tao dito sa singapore, nasa oz na!

Friday, November 26, 2004

Alcoholic Vegetarian

Matagal-tagal na kong di nalalasing ha, mga isang araw na yata, ehehehe. Aktuli, di ko na maalala kung kelan ako huling nalasing. Para ngang out of the the system ko na ang pag-inom. Sawa na ko sa sarap ng pag-inom at sa hirap ng hang-over. Minsan nga, nasabi ko kay bayaw na di na ko iinom. Ang sagot sa kin, ulol! heheheh, mami-miss ko raw kasiyahan ng inuman. Di naman talaga ako malakas uminom. Baka akala nyo porke 'Tanggero' ang handle ko, timawa ako sa alak. Madalas akong nagtatagay sa inuman namin dito para makadaya ako ng shot kasi madali akong malasing. Wala lang akong maisip na orig na handle kaya tanggero ang ginamit ko. Mahilig din akong mag-experiment ng cocktails at drink mixes dahil isa sa pangarap ko ay maging bar tender o kaya'y magtayo ng resto-bar, mukhang hanggang pangarap pa rin yun. Isa pa, nanghihinayang ako sa weekend na nuubos lang sa pagtulog pag may hang-over ako imbes na i-enjoy namin ni wife and baby S, takaw tulog pa naman ako pag masakit ang ulo.

Berdey ni bayaw sa 2nd week of december kaya panigurado, laklakan na naman 'to. Ewan ko lang kung makapag-pigil ako. Susundan pa ng holiday season at pagkatapos nun, berdey ko naman. Within one month, daming pwedeng i-selebreyt ng inuman.Tukso,layuan mo ako.

My wife and I will try on vegetable diet. Most of the time kasi, meat ang ulam sa bahay dahil ang mga kasama namin sa bahay ay puro carnivorous. Di naman cut-off totally ang meat, pwedeng small amount na panahog pero hanggat maiiwasan, iiwasan muna namin, Naks, spokening health concious ako. Si wife, di naman talaga tumataba yan kahit anong kain, natural slim ang katawan pero ako, naiipunan ng kunting bilbil at taba sa katawan, nawawala na ang pagka-machonurin ko at parang humihina ang metabolism ko. Most of the time din, laging akong nakatutok sa work (computer), sa office at sa home (sidelines), kaya ang solusyon, healthy diet at more sexercise.

Naghahanap na ng work si wife kaya di na muna 'ko tatanggap ng extra-time-consuming na sidelines, relak muna 'ko. Para more time sa family at more time to get fit.
Inuman na! Hik!





9 comments:

Mec said...

yung lambanog, lagyan mo ng konting Hershey's brown cow... parang baileys na... cheaper pa

yung rhum, kahit tanduay lang, masarap pag kahalo ang dalandan soda

la lang :)

Jhun Billote said...

last na inom ko bro, sa bertdey ng kumpare ko sa antipolo...chivas at fundador nailatag sa amin...yun mga kwagung grupo na katabi namin, empirator at hinaluan ng red bull... 1:1 ang halo...tinanung ko kong para saan yun, sabi, pampatagal daw. eh...pinoy talaga, kung anu-ano na naiisipang mix, tsk tsk...ang lagay eh, gustong makarai ng inom...hehehe.

vegetable...ok yan, bro...bihira na rin ako makakain ng gulay. noong bata ako, araw-araw gulay, weekends kang karne...ilocano kasi ako. nang malipat ako dito sa rizal, ay, puro karne na, weekends, gulay at isda (baliktad)...kaya dito sa lugar ko, dami high blood...

maghanda ka ng masasarap na karne, gulay at isda sa harapan ko...gulay at isda pipiliin ko.

Tanggero said...

Hello Mec, naks! salamat sa tips. Di ko pa nasubukan yang lambanog with hersheys, masubukan nga. Salamat sa comment.

Sir Metal!!! hehehe, lam ko naman tomador ka din. Nasubukan ko na rin yang may redbull, sa vodka naman. Matamis kasi ang redbull kaya ginagamit na ding panghalo. Oo sir, health concious na kahit bata pa, kaya bawas karne muna, ibang karne na lang kakain ko, bwahahahaha! Salamat sa comment sir.

Nick Ballesteros said...

Pre Tanggers! Mula nung ininom ko mag-isa ang 85% ng 1 liter ng J&B, ayaw nang tanggapin ng system ko kahit isang tagay lang ng hard drinks. Stick to San Mig Light na lang ako ngayon.

Siguro di ako masyadong makakainom kahit ngayong December, may bantay na kasi ako ngayon hehehe.

Mainam yan, vegetables. Peborit ko, cauliflower! Masarap na luto naman ang dinengdeng at pinakbet!

Tanggero said...

Lupet mo pala sir Watson, hahaha. Ok yan, good sa health natin yang may bantay. :)

rolly said...

bihirang bihira na kong uminom pero kung birthday mo, call ako. Tagayan mo ko, pre.

Romesez said...

'Kupow! buti't nabuksan ko itng handol ni kasamang tanggero...aber, ako naman e di taal na tagalog - kumbaga e cafamfangit (wag na itanong ang mining). Noon namang kabataan ko e dyin at saka paynapol dyus na nilagyan ng kaunti pang asukal...kaya kapag nalasing ka lalanggamin ultimong kakukukukuhan (sige nga ulitin niyo yan! ha ha ha) mo. Pero peborit ko bir at sa pulutan, inihaw na talong. Hoy, mga tyong di porke sinabi kong mahilig ako sa talong baka akala niyo bading ako ha, kurot ang aabutin niyo...acheche! Kiding asayd, purong matsunurin din naman ako, barakong taal kung tawagin ng yumao kong ama...kung di niyo pa ito nasusubukan, inihaw na talong na isinawsaw sa sukang me sibuyas...madaling makalasing lalo't gastos mo (he he he, dyok dyok dyok)ehe, gawa pala nang lakas ng sipa ng suka (binegar yun hah) at saka sibuyas (kaso mo, mababahoan ang pakner mo sa hininga mo, grabe!. Pero masarap at pampaalis ng lango yung pleyn lang na inihaw na talong. Pwede rin okra, kaso mo medyo me kamahalan na noon sa panahon na iyon. o siya tagay pa "hik".

Tanggero said...

Hello Sir Rolly, lapit na nga berdey ko pero walang barkada na makakasama sa inuman.

Tanggero said...

Hahahha, Bossing Romesez, natawa ko sa comment mo, gulay ang pulutan. Di pa yata namin natry yang inuhaw na talong o okra as pulutan. Yaan mo, pag nag-inuman kami, ihahanda ko sa mga tomador yan. Salamat sa pagdalaw.