As usual, meron na namang monday syndrome...katamad pumasok. Medyo masakit ang mga muscles (taba yata di muscles) ko dahil nagplantsa ko ng napakarami kagabi (naka 2 shirts, 2 polo, 2 pants) at naka-on ang aircon. Sinabihan na ko ni A na sasakit katawan ko pag nag-plantsa ko sa kwarto na naka-on ang a/c pero tigas ulo ko eh anong magagawa nya, yan tuloy napala ko, hehehe.
Habang plantsa, nood ulit ako ng Band of Brothers, my favorite movie series. Nakopya ko lang to kay bo paul, orig kaya malinaw. Part 1 & 2 lang ang napanood ko ulit. Maganda talaga, makikita mo ang leadership and teamwork but the real score is you will see how destructive a war is at kung gano kasira ang ulo ng mga taong nagpasimula ng mga gyera. Habang plantsa at nood at si A naman ay may ginagawa sa pc, nagka-kwentuhan tungkol nung panahon ng Hapon. Mga kwento ng lolo't lola ang napag-usapan tungkol sa gyera, na pag may sumigaw ng 'Nandyan na mga sakang!', takot na takot na silang magtatago sa mga lungga nila na hinukay sa lupa. Walang trabaho, walang permanenteng bahay at walang kinabukasan. Ang iniisip lang nila ay kung pano mabuhay ngayong araw dahil di na nila alam mangyayari kinabukasan.
Inisip ko tuloy, pano kaya kung nung panahon ng hapon ako nabuhay? Lalaban kaya ko para sa aking inang bayan? Mag-ge-gerilya kaya ako at mamumundok? Di natin alam, di ko alam. Pero isipin mo ang nangyayari ngayon sa Pinas, lubog sa utang, abusado sa demokrasya, magulong gobyerno. Kung alam mo bang ganito ang mangyayari sa iyong inang bayan, ibubuwis mo pa ba ang buhay mo para sa kanya? Siguro, napapamura na lang ang mga nagpaka-bayani noon, TAENANG YAN, UMINOM NA LANG SANA KO NG LAMBANOG KESA NAKIPAGPATAYAN SA MGA MOKONG NASAKANG, SOLB PA! TIGANG TULOY SA ALAK DITO. hehehe!
Ang alam ko lang ngayon, I'm blessed to be with my wife, my kid and to have this work na pa-blog-blog lang, pa chat-chat, pa surf-surf at petiks petiks. Kaya kahit kakatamad ngayon, pasok na lang. Bayaning OFW naman ako.
Wentong lasing, wentong walang wenta, wento ng buhay-buhay, wento ng mga walang wentang tao dito sa singapore, nasa oz na!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment