Wentong lasing, wentong walang wenta, wento ng buhay-buhay, wento ng mga walang wentang tao dito sa singapore, nasa oz na!

Saturday, September 18, 2004

SOS

Lapit na ko matuyuan ng dugo...ano bang number ng red cross? Maka-order nga ng 5 litrong type AB. Ang kuletttttttt ng batang eto! Ma-injectionan kaya ng traquilizer, hehehe. Ayaw pa matulog, 5pm na pala. Ayan, medyo kumalma na, binigyan ko ng isang sikmura, tinadyakan ko at pinompyang ang tenga, joke lang, dumedede sa kanyang kaharian na gawa sa unan at kumot: Papaaaaaaaaaaa, gawa mo ko bahay, cge na! Wahhhh! Kailangan pa, walang makakatagos na liwanag sa loob, taas ng standard! Di bale, maya maya lang, tulog na to, nilagyan ko ng chivas regal yung dede nya, hikhikhik...Bahay na lang muna kami ngayon, mamaya, tennis na lang ulit kami. Meron na rin syang raketa (21"), binilhan ko kahapon kasi ginagasgas ang raketa ko. Buti na lang walang langaw dito kasi baka manghabol ng langaw to at ipang-hampas ang raketa nya....mwehehe.

Lumalaki na pala ang circle of prends natin sa blog, salamat sa mga entry references ni Fionski and Gulaman Girl and
to Kiwipinay for free HTML tutorial, saka sa mga nag-link sa kin. Ginagawa ko na rin ang aking personalized timplit...lapit na matapos.

Ayaw pa talagang matulog, sinalangan ko na ng vcd, dumedede na, ginawan ko na ng bahay, ayun sinira na, ano pa ba? wrestling na nga lang kami, balian ko ng tadyang...Hik!

1 comment:

Anonymous said...

Looking for information and found it at this great site...
» » »