Wentong lasing, wentong walang wenta, wento ng buhay-buhay, wento ng mga walang wentang tao dito sa singapore, nasa oz na!
Tuesday, November 30, 2004
Jurong Bird Park
FUTURE PHOTOBLOGGER
AT THE LORY LOFT
TEASING THE HORNBILL
Friday, November 26, 2004
Treasure Hunt
Minsan, bigla na lang nagfla-flash back ang childhood memories. Kanina, may bigla 'kong naalala na mga kalokohan nung mga grade 2 yata ako. Medyo malawak ang bakuran namin sa likuran noon at maraming mga puno ng prutas, kaimito, bayabas, saging at guyabano (how I miss that place) at sa labas naman ng bakuran ay may mga mangga, santol at aratilis. Ang bayabas, buong taon ay di nauubusan ng prutas, madalas ay may dala akong tabo na may asin na aakyat sa puno at doon kakain. Kung di ako nagkakamali, bago naman mag-summer, hinog na ang bunga ng kaimito. May isa pang puno ng kaimito sa harap ng bahay at kalye, aakyat kami ng pinsan ko at doon kakain sa itaas. Nambabato kami ng buto ng kaimito sa mga dumadaan na bata sa kalye at hagikgikan kami ng tawa sa mga aanga-angang batang dumadaan.
Minsan naman, nakasiyahan naming maglaro ng treasure hunting. May nahukay kasing makintab na kulay ginto ang pinsan ko habang naglalaro kami at dahil nga mga bata ay inakala namin may kayaman na nakabaon sa bakuran namin. Kaya hukay-hukay naman kami. Di pa kami nakakahukay ng malalim, mga isang dangkal pa lang yata, may tumunog na lata. Excited naman kami at baka kayaman na nga yun. Nagmamadali kaming naghukay at excited na inangat ang lata ng lumang gatas. Kalawang na ang takip at mabigat. Sabi ng ugok kong pinsan, buksan na namin at baka kayamanan ng Hapon yun. Sinubukan kong buksan pero mahirap. Matagal na raw sigurong nakabaon at titingin-tingin pa sa paligid ang pinsan ko dahil baka raw may nagbabantay na kaluluwa sa kayamanan na yun. Kumuha 'ko ng kutsilyo para ipambukas sa takip ng lata at pilit na binuksan. Dahil excited ang pinsan ko, kinuha nya sa kin ang kutsilyo at sya ang nagbukas. Sa isang malakas na pressure, tumalsik ang lata at tumalsik din sa amin ang laman ng lata. TAE-NANG yan! oo mga kaibigan, tae ang laman ng lata, pasintabi sa mga kumakain. Natatawa ko pag naalala ko ito dahil kitang-kita ko ng tumalsik sa mukha nya ang lusaw na kayamanan. Bunghalit kami sa kakatawa pagkatapos namin maligo at kahit kelan, di na kami naglaro ng treasure hunting.
Alcoholic Vegetarian
Matagal-tagal na kong di nalalasing ha, mga isang araw na yata, ehehehe. Aktuli, di ko na maalala kung kelan ako huling nalasing. Para ngang out of the the system ko na ang pag-inom. Sawa na ko sa sarap ng pag-inom at sa hirap ng hang-over. Minsan nga, nasabi ko kay bayaw na di na ko iinom. Ang sagot sa kin, ulol! heheheh, mami-miss ko raw kasiyahan ng inuman. Di naman talaga ako malakas uminom. Baka akala nyo porke 'Tanggero' ang handle ko, timawa ako sa alak. Madalas akong nagtatagay sa inuman namin dito para makadaya ako ng shot kasi madali akong malasing. Wala lang akong maisip na orig na handle kaya tanggero ang ginamit ko. Mahilig din akong mag-experiment ng cocktails at drink mixes dahil isa sa pangarap ko ay maging bar tender o kaya'y magtayo ng resto-bar, mukhang hanggang pangarap pa rin yun. Isa pa, nanghihinayang ako sa weekend na nuubos lang sa pagtulog pag may hang-over ako imbes na i-enjoy namin ni wife and baby S, takaw tulog pa naman ako pag masakit ang ulo.
Berdey ni bayaw sa 2nd week of december kaya panigurado, laklakan na naman 'to. Ewan ko lang kung makapag-pigil ako. Susundan pa ng holiday season at pagkatapos nun, berdey ko naman. Within one month, daming pwedeng i-selebreyt ng inuman.Tukso,layuan mo ako.
My wife and I will try on vegetable diet. Most of the time kasi, meat ang ulam sa bahay dahil ang mga kasama namin sa bahay ay puro carnivorous. Di naman cut-off totally ang meat, pwedeng small amount na panahog pero hanggat maiiwasan, iiwasan muna namin, Naks, spokening health concious ako. Si wife, di naman talaga tumataba yan kahit anong kain, natural slim ang katawan pero ako, naiipunan ng kunting bilbil at taba sa katawan, nawawala na ang pagka-machonurin ko at parang humihina ang metabolism ko. Most of the time din, laging akong nakatutok sa work (computer), sa office at sa home (sidelines), kaya ang solusyon, healthy diet at more sexercise.
Naghahanap na ng work si wife kaya di na muna 'ko tatanggap ng extra-time-consuming na sidelines, relak muna 'ko. Para more time sa family at more time to get fit.
Inuman na! Hik!
Wednesday, November 24, 2004
Women get itchier than men after seven years
THE seven year itch does exist, according to a new survey on the state of marriage in Britain, but women get itchier than men.
It paints a picture of modern marriages as the reverse of traditional stereotypes, with women fantasising more than men about leaving.
The MORI poll of nearly 1,000 married adults for the Reader’s Digest was hailed by relationship experts as an insight into changing roles.
When asked “have you ever wished you could just wake up one morning and not be married any more?”, one in five wives said yes, as opposed to one in seven husbands.
The first five years of marriage and those who had reached their golden wedding anniversary were the most stable, with only one in ten spouses during these periods answering yes.
But at six to nine years after the wedding there was a peak in people wanting an escape, with a third of married people at that stage answering yes.
Women at all ages were still about a third more likely than men to say that they wished not to be married.
Twice as many wives as husbands, at around one in seven, also said that they wanted to “live on my own for a while”. Again, the biggest danger period for this feeling was around seven years, along with the first year of marriage.
By contrast a third of men, slightly more than women, said that they wished they could spend more time with their spouse, and men aged under 34 were particularly worried about not seeing enough of their wives.
Men were also more likely than women to say that they wished they could ask their partners to be more affectionate, and talk more about their sex life.
Denise Knowles, a relationship counsellor for Relate, said that the findings were a snapshot of an institution in flux.
“What we’re beginning to see is an pendulum swing, with lots of men wanting to talk about emotional things, while women become less family orientated,” she said.
“Women held the emotional balance, but now they have more opportunity to get out. At the same time there is increasing insecurity for men, so it is not surprising they want the security of marriage.”
There is, however, an optimistic note. While six per cent of husbands and wives dreamt of having an affair, double that said that they aspired to own a dog. By the time a couple were middle-aged, the wish to own a dog was nearly five times greater than the temptations of a lover.
“This is an excellent sign, because a dog represents a life of stability and roses around the door. It’s really romantic stuff,” said Ms Knowles.
BY HELEN RUMBELOW
Tuesday, November 23, 2004
Torete
Kaka-inis, kaka-asar, kaka-torete! Ewan ko ba kung pano ang posisyon ko ng pagtulog kagabi at paggising ko, may naipit na ugat sa batok ko. Meron na naman akong stiff neck. May sumpong si wife kagabi at sigurado, pag may sumpong yun, mahahawa na ako at mas malala pa. Kaka-init kasi ng ulo yung pagod sa trabaho at sa kakalakad ng mga sideline, tapos pag uwi mo, susungitan ka pa. Pag ganyang sitwasyon, mas umiinit pa ang ulo ko. Pag nagsalubong na ang kilay ko, sumasabog na ang kung anu-anong toxic sa utak ko. Kaya siguradong World War 3 na naman. Ewan ko ba kung ano na naman ang problema nun sa buhay nya kaya ang ginawa
ko imbes na patulan ko, tinulugan ko pagkatapos kumain. Ayun, sinumpa yata ako at paggising ko ng 4am, may stiff neck na ko. Tatapusin ko sana ang mga revisions ng sidelines ko pero kunti lang natapos ko at nakatulog ulit ako.
Heto ko ngayon, maghapong inat ng inat dahil hindi ako komportable sa pag-upo. Buti di pa sumasakit ang ulo ko, malamang mamaya. Di ko pa rin nakaka-usap ang boss ko tungkol sa sick leave ko. Kanina lang pumasok after 2 weeks na nasa China at umalis agad kaninang tanghali. Ah basta, naka-schedule na yung doctor ko sa Pinas para sa surgery ko. I'll do it by hook or by crook. Feeling safe naman ako sa company namin kasi kaka-renew lang ng 2 years ang Pass ko. Ang problema lang, baka di ako
makapag-claim, di bale na lang. And guess what, 10 days daw ang kailangan ko bago ako payagang bumalik ng doctor ko. Ayus!
Friday, November 19, 2004
Weekend Getaway
Baby S : Mama, rinig mo mumo kagabi. It's like a wild boar.
Mama : Hindi mumo yun, hilik ng papa yun.
Kite Flying
Baby : (isip) Hmmm, itatali ko sa buntot ng kite para di lumipad sa sky.
Biking
I'm the future extreme bike champion (pose!)
BB-Q
Baboy : Aray ang init! nauubos na mantika ko!
Chix wings : Puro ka reklamo, ako nga nasunog na balat ko,ouch! I need some burn ointment!
Mga Tirador ng Pringles sa Kalye
S : Pare, sarap ng pringles ano?
K : Oo pare, pero bakit dito tayo sa gilid ng daan kumakain?
S : Para pag may dumaan na sexy, kita agad natin.
Friday, November 12, 2004
Devotional Love
Mag-ina sa Banig by Nestor Leynes (1960)
SA UGOY NG DUYAN
Music by Lucio San Pedro
Lyrics by Levi Celerio
Sana'y di magmaliw ang dati kong araw
Nang munti pang bata sa piling ni Nanay
Nais kong maulit ang awit ni Inang mahal
Awit ng pag-ibig habang ako'y nasa duyan
Sana'y di magmaliw ang dati kong araw
Nang munti pang bata sa piling ni Nanay
Nais kong maulit ang awit ni Inang mahal
Awit ng pag-ibig ako'y nasa duyan
Sa aking pagtulog na labis ang himbing
Ang bantay ko'y tala
Ang tanod ko'y bituin
Sa piling ni Nanay
Langit ang buhay
Puso kong may dusa
Sabik sa ugoy ng duyan mo Inay
Sana narito ka Inay
Sana'y di magmaliw ang dati kong araw
Nang munti pang bata sa piling ni Nanay
Nais kong maulit ang awit ni Inang mahal
Awit ng pag-ibig hang ako'y nasa duyan
Happy Birthday 'Ma, love you!
Wednesday, November 10, 2004
Tinubuan ka ngunit Kulang!
Super busy ako ngayon kaya di masyadong nakakapag-update, but still, I check the blogs on my list everyday. It is some kind of taking my daily dose of medicine, hehehe (or blog adik na yata?). Aside from busy office works, busy din sa sideline. I have to finish everything this week and clear it from my system. Almost a month ko nang ginagawa ito and burn-out na 'ko. BUT!!! There's another moonlight, though, a smaller project and maybe, I can clear it in a week time. It is good that this sidelines are coming-in, just in time.
I had a check-up last monday with an ENT specialist regarding my nose problem. I knew then that I needed an operation to take out the Nasal Polyps and this is the first time that I saw the internal part using an endoscope. Ipapasok yung chord na may camera sa nostrils at makikita mo sa tv ang pinasukan nito kaya nakita ko ang sandamukal kong kulangot, hehehe, juk lang, naglinis ako ng ilong bago pumunta dun. Di naman masakit, pero kakatakot pa rin lalo na sa nakita ko. My nose is blocked by a benign polyps and it is blocking 60-70 % of my airflow. Polyps are not cancerous but can be a health hazzard (restless sleep, mouth-breathing, headaches, runny nose, etc). At kaya nga pala ko nagpa-check-up ay dahil desidido na kong magpa-opera ASAP. PERO, mukhang mabibitin pa rin. Tumataginting na S$6K or less than 200K pesos ang estimate ng doctor. I checked on my insurance and it will only cover a very small percentage. Lekat na yan, walang silbing insurance. Kaya no choice at mauubos din ang pinagputahan sideline ko ng ilang gabi, hehehe. I was asked by the company to inquire on public hospital, pero i doubt it. The ENT doctor already told me that there are chances of recurrence lalo na pag di maayos ang pagkaka- aalis ng polyps and ayoko na rin ng pabalik-balik that at the end of the day, pareho din ang magagastos ko. Medyo mahal talaga dito sa Gapor ang medical expense kaya ang alternative ko, sa Pinas ako papa-opera. Anyway, day surgery lang naman toits, means, pwede ring umuwi agad at the same day. Wala ring magiging visible na sugat dahil tatanggalin nila thru nostrils yung polyps kaya walang epekto sa aking kyut na mukha.
I already have an ENT contact in Makati Med but I'm still looking for the best schedule. I might be in Manila on early December and the most is 1 week akong papayagang mag-sick leave kaya hokey sa holrayt! May albularyo kayang makakagamot nito?
Sunday, November 07, 2004
Saturday, November 06, 2004
Shark Attack!!!
Thursday, November 04, 2004
Wednesday, November 03, 2004
Century Egg
Kagabi, tinatanong ni wife ko, bakit daw antagal kong pumuti samantalang si baby S, maputi na ulit (for info po ulit, nangitim kami dahil kaka-
swimming every weekend). Eh pano naman kasi, sa itlog ko sya nakatingin, maitim naman na talaga yan dati pa, hehehe, joke lang. Di ko rin alam ang sagot, pareho naman kami ni baby S na lagi lang nasa loob ng bahay, ako sa opis. Naghihilod naman akong mabuti pag naliligo, dove cream soap pa nga ang gamit kong sabon at kuskos pa ng labakara (tama ba word ko?). Teka nga, papaputi ako tapos pag nag-swimming, iitim ulit? Labo yata nun. Nagiging concious tuloy ako, makapabili nga ng likas papaya soap, tumalab kaya? hehehe.
Pinag-uusapan din namin kung time na para sundan si baby S, 3 years old na kasi.
Bakit ganun, andaming dapat isa-alang-alang? Isipin ko pa lang ang gagastusin sa edu. plans, diapher, gatas, regular check-ups, etc., umuurong na ang semilya ko. Baka nga mabaog na 'ko dahil umaatras na ang semilya ko sa kaka-isip ng gastusin, eheheh. Samantalang ang ibang tao sa atin, anak na lang ng anak. Ewan ko ba,
kung sino pa ang naghihirap, sila pa ang masisipag mag-anik anik (word courtesy of bakla sa kanto), pagkatapos nun, hahayaan na lang lumaki sa lansangan. At sisihin ang gobyerno kung bakit wala silang makain, hehehe. Labo yata nun, sabi ko nga, lagyan na lang ng 24 hours tv screen sa mga lansangan sa Pinas para may ibang libangan ang tao imbes na magkulong sa kwarto. Dito sa Singapore at sa ibang parte ng mundo, sila pa ang babayaran ng gobyerno para mag-anak lang sila. Pero syempre, the rest of the responsibility, sa kanila na kaya wa epek pa din.
Kaya ang desisyon, wag na munang sundan si baby S. It maybe a good decision for us dahil may mga plano pa kami. Isa pa nga lang, medyo mahirap nang mag-budget kahit pa
sabihin na kumikita ako ng maayos. It is better to think responsible ika nga. Besides, bata pa naman kami, sana nga lang tumigas pa 'to after 5 years, hehehehe.
Pero pangarap ko pa ring magka-anak ng isang basketball team. At pag nanalo ako sa lotto, do-doblehin ko ang basketball team, para mging soccer team, Ayus!
Monday, November 01, 2004
Equate Good News from Bad News
Good news always comes first before bad kaya Good News muna.
Good news - approved na ang dependent pass ni baby S which means he will stay with me here in Sg for as long as I work here, yahooooooooo! ang saya! I can now enroll him to playschool dahil every morning na lang sya na nagsasabi na gusto nya nang mag-school. He always wandered around the house with his backpack and trolly bag and when you ask him where he is going to, his answer would be 'To school!. The visa is
valid for 2 years and renewable.
Bad news - my wife's pass is still under review, they acknowledge the application only last week and may take 2-3 weeks for processing. I pressume that it will be approve too because they approved my son's.
Good News - Malapit nang matapos sa wakas ang sideline ko. Makakatulog na ulit ako ng mahimbing at makakapag-relax tuwing weekend.
Bad News - Di kami makaka-uwi this Christmas dahil ubos na ang leave ko.
Good News - Lahat kami dito magpa-pasko kaya masaya na rin, hehehe.
Bad News - Dec. 25 at Jan. 1 lang ang holiday dito, di ko na nga napi-feel ang spirit of Christmas ng 3 years. Di kasi ako umuuwi pag pasko, bukod sa mahal ang ticket, magastos sa Pinas (dami ko pinagtataguan na inaanak).
Good News - Magbabakasyon kami next year, either US or Australia, looking forward to it.
Bad News - Kailangang magtipid para may budget sa bakasyon.
Good News - Sarap ng gising ko at almusal ko.
Bad News - Inaantok na naman ako dito sa office. Makatulog muna nga sa toilet cubicle.