Tapos na agad ang 2 weeks na bakasyon namin, back to being a corporate slave. Ano bang nangyari sa 14 days na bakasyon namin? Kunti lang naman...kunti lang ang pahinga, hehee.
3 days sa Galera, 3 days sa Baguio, 1 day sa sabungan, 1 day nag-ayos ng mga papeles, the rest...inuman, kainan at inuman pa ulit with family and friends.
Ok din pala sa Galera, lapit pa sa amin, the most is 3 hours lang ang byahe. Ang 'the best' dun ay yung snorkeling sa coral garden. Sayang lang dahil wala akong under-water camera, nakunan ko sana si nemo na ginagapang si dorie, hehe. Ok rin ang pagkain at mga bar dun. Gulat lang ako dahil puro 'homo' ang nagse-serve sa mga bar sa white beach, as in 4:1 ang ratio nila sa babae. So wala kaming choice kundi mag-table ng lalakeng may matres. In fairness naman, laugh trip ang nangyari sa min.
Kwela kasi si 'Aira', half-filipino-half-filipina daw sya, hehehe. Napainom nga ako
ng "blow-job" sa sobrang aliw namin sa kanya.
Then sa Baguio, pasyal lang sa mga popular spots dun. Isang gabi lang kaming nakapag-bar sa may session road, 'le fondue' or something yung name ng bar. Live acoustic at mature yung ambiance ng place pero enjoy na rin. Ang masarap, yung makipag-tawaran sa mga tindera sa tiangge dun, sarap mambarat eh, hehee. Kalahati agad ang tawad namin kaya tawa kami ng tawa kasi nagugulat yung tindera, heheh. San ka pa makakakuha ng hand-weave na jacket for 250 pesos, sa Baguio lang :) Sarap lumakad ng mula legarda hanggang sa session rd ng madaling araw at kumain ng inihaw na mais habang naglalakad sa Burnham park.
The day before kaming umuwi dito sa Sg, nakahabol pa kaming magsabong. First time ko sa sabungan kaya excited. Too bad lang dahil natalo yung 2 rooster na nilaban namin. Yung una, isang sipa lang, kisay agad. Tamaan ba naman ng tari sa leeg. Yung 2nd, lumaban ng patayan pero nauna pa rin syang kunin ni San pedro kaya luhaan kaming umuwi. Dinaan na lang namin sa inuman (uli) heheh.
Ok din na may iterenary pag nagbakasyon, nasusulit ang bawat araw. Kaya hanggang ngayon, may hang-over pa. Sarap talaga sa Pilipinas.
Wentong lasing, wentong walang wenta, wento ng buhay-buhay, wento ng mga walang wentang tao dito sa singapore, nasa oz na!
Wednesday, February 15, 2006
Homey
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
4 comments:
yehey, welkam back fafatanggz!!!
sarap naman ng 14-days mong bakasyon! wala bang picture-picture jan... kakatuwa mga adbenturs mo, the best ang sabungan at inuman!!!
halli...hallochen!
*nabuhay , este nagbukas uli ang bar!!! hik
^_^ fully-loaded na kc ang accu mmy-lei^_^ ~ naengget ka na naman, sabungan at inuman 'maton ka nga' hehe
ja, fotos bitte...o baka naman dahil sa kalasingan eh di nakakuha...
Mmy Lei! pictures to be posted soon.
Mmy Nhengzkie! mas maton akos a kama, harharhar!
pictures! pictures!
Post a Comment