Yuhoo! Bukas na ang flight namin pauwi for our 2 weeks vacation. Makikita ko na naman ang Manila na kahit traffic, miss ko na ring gumala sa kanyang mga lansangan, miss ko na rin ang amoy ng hangin, na kahit polluted sa usok at basura, kukunti naman ang may putok kumpara dito sa gapor. Ilang kilo kaya ang madadagdag sa baby fats ko? sigurado kasing mapapagana ako ng kain dahil bukod sa masasarap a local food ang laging nakahain, nakakagana pang kasabay kumain ang family at mga barkada. This few days nga, Manila...Manila... ang lagi kong kinakanta
sa shower sa umaga.
S'pore air nga pala ang nakuha naming flight, may promo kasi sila pag 4
or more ang pina-book na ticket. Yung ticket price na nakuha namin, mataas lang ng kunti sa budget air, not bad di ba. Dami ring uuwi bukas, mahaba kasi ang break pag chinese new year. Sayang nga lang, dapat ngayon kami umuwi para kasabay namin si Pacquaio, at makiki-sawsaw kami sa hero's welcome nya, hehehe. Parang mga pulitiko sa tin na nakikisawsaw sa kasikatan nya. Anyway, baka may matira pang confetti dun sa NAIA, pwede nang pagtyagaan, hehehe.
Nag check ako ng weather forecast, malas naman, umuulan daw hanggang next week.First iterenary pa naman namin ang Galera early next week. Meron bang counter-part ang rain dance ng mga indian? - "sun-dance" perhaps? Magsasayaw ako maghapon sa sunday sa rooftop para lang umaraw next week, hehehe. Then after next week, Baguio daw. Sana ma-meet ko rin si Pre Watson and family specially cute Jolo. Balita ko, nasa Lipa rin si Fafa Atoy, sana makabarikan ko sya. Puro sana ha, parang nagdadasal na ko nito.
Syempre, nakahanda na rin ang mga pasalubong sa mga kamag-anak na malakas ang pang-amoy sa mga bagong dating, hehehe. Handa na ang mga sabon, shampoo at lotion. Sa DFS na lang ako bili ng chocolates, liquors at cigarettes.
Halata bang excited na ko sa pag-uwi? This last few months kasi, na-burn-out yata
ako sa work kaya I am looking forward for this break. Ano na kayang nabago sa 2 years na di ko nakita ang Pilipinas?
Wentong lasing, wentong walang wenta, wento ng buhay-buhay, wento ng mga walang wentang tao dito sa singapore, nasa oz na!
Friday, January 27, 2006
SQ 75
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
8 comments:
Uy tanggers, uwi ka rin pala. ako din, pero budget airline lang ako. El cheapo yata ako. hehehe!
Bad trip naman ang weather forecast mo! pero im sure, it will still be fun.
Enjoy Manila!
ang daya!!!
dapat mag-post ka ng pics pagbalik mo ha ...faffiiiii!!!!!
^^^^gute reise na lang! pasalubong, huwag kalilimutan^^^
ingat nalang po at enjoy sa bakasyon
Anong nagbago sa Pinas over the last 2 years? Nothing much I guess. Siguro may bagong buildings kang makikita pero other than that, ganun pa rin. At least comforting yung fact na meron pa rin tatagay sa yo pagdating mo! Welcome back to da Pilipins!
enjoy your vacation. medya-medya lang ang inuman. musta mo na lang ako kay atoy.
wow magbabakasyon kau!! dont worry hindi nman maulan d2 sa pinas, mainit init n nga eh, kya ready n kau sa mga slippers and payongs d2 sa manila!!
uuyyy maganda tlga ang baguio ngayon, super lamig last week lng eh ndun ang frend ko, kya mageenjoy kau lalo na magflower festival..
kakataas lng ng gasolina kahapon and 2day na ang implementation ng 12%vat kya asahan nyo na mejo mataas ang bilihin!!
enjoy the trip!!
oist picture ha
hey there, long time! by this time i bet you're enjoying your vacation na. tell us kung ilang kilo ka paguwi mo ng lion city ha!
Welcome back na lang po sa Pinas!
Post a Comment